Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Sa kama ako ni Dad nakatulog kakaiyak kagabi. Wala akong gana na tumayo at pumunta ng kwarto ko. Nahiga ako ulit at niyakap ang unan ko. I feel so numb. Feeling ko sinaksak ako ng maraming ng kutsilyo sa puso ko. I started crying again. Alam kong namamaga na ang mata ko, pero ito lang ang kaya kong paraan para kahit papaano ay mawala ang sakit na nararamdaman ko. May kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Snow, anak? Kumain ka na." I heard my Dad say. "bumaba ka lang kung nagugutom ka." Maya-maya ay nawala ang katok. Feeling ko umalis na rin si Dad sa tapat ng kwarto ko. I wiped out my tears before I went outside. I should not remain like this. Hindi dapat ako magmukhang tanga. They hurt me, then fine! Hindi dapat huminto ang buhay ko dahil sa p

