Mabilis akong nakarating sa bar na sinasabi ni Nathan. Pumasok ako sa loob at rinig na rinig ko ang lakas ng music. Maraming tao kaya nahirapan akong nahapin sila. "Basty, dito!" rinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon ako sa counter kung saan nandoon ang bartender. Sa likod ay may babaeng nakataas ang kamay. Nakatingin ito sa'kin at sinisenyasan na lumapit ko. Lumapit ako sa kanya. Naka-dress siya na pink at maikli ang buhok. "Si Crystal?" tanong ko agad. "Nandoon sa may dance floor. Sinasaway ni Nathan dahil kanina pa lasing at nakikipagsaway sa mga lalaki." Malalaking hakbang ang ginawa ko papunta sa dance floor. Agad kong nakita si Crystal na sumasaway kasama ang isang lalaki. Agad na nag-init ang ulo ko nang hawakan siya ng lalaki sa hita niya. Lumapit ako sa kanila at hin

