3 months later "Congratulations team!" masayang sambit ko. Tinaas namin ang hawak na kopita na may laman na champagne. Ininom ko 'yon tsaka lumapit sa mga kasama ko sa trabaho. "Magaling kasi ang manager natin kaya pumayag ang investors," ani Michael. "Hindi naman!" nahihiyang tugon ko sa kanila. Napapayag kasi namin ang mga investors na pumirma para mag-invest sa company. Masaya ako dahil malaking investor 'to. Akala namin noong una, mahihirapan kami pero hindi. Naging maayos ang takbo ng meeting namin. Maayos ang naging presentation namin para mapapayag ang mga investor. "Go back to work now!" sabi ko. "madami pa tayo ng gagawin. Good luck to us!" Ngumiti sa'kin ang mga team ko. Pumasok ako sa loob ng office at nag-umpisa na magtrabaho ulit. It's been three months since Basty le

