SPECIAL CHAPTER: LITTLE BASTY

2090 Words

Sana malalim akong pagkakatulog ng may maramdaman ako na may yumuyugyog sa'kin ng marahan sa balikat. "Basty..." I heard Crystal calling my name. "Hmm?" 'yan lang ang naging tugon ko dahil inaantok pa ako. "Basty!" tawag niya ulit. Malakas na ngayon. Dumilat ako at humarap sa kanya. Nakaupo siya sa kama habang nakatingin sa'kin. Nakabusangot ang mukha niya. "Bakit?" tanong ko. Ngumuso siya. "Nagugutom ako," nakanguso na sagot niya. "Oh? Anong gusto mo?" tanong ko ulit. "Gusto ko ng prutas." hinawakan niya ang kamay ko tsaka ngumiti sa'kin ng kakaiba. I know that smile. Gan'yan na gan'yan siya umakto pag may kailangan siya sa'kin. "Maraming prutas sa ref, ah? Ano bang gusto mo?" I tried to change the topic para hindi niya ako pahirapan pa. "Wala do'n ang gusto ko! I want lime!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD