"Kawawa naman ang pamangkin ko. Bakit ba nangyari ito sa iyo Fermie? K-Kia kumusta, ano ba ang kalagayan niya?" tanong niya nang bumaling ito kay Kia. "Sabi ng doctor Tiya Lupe, stable naman daw ‘yong dugo na namuo sa ulo niya dahil sa pagkakabangga nito. Ayon sa kaniya anytime from now puwede naman po siyang magising," sagot naman ni Kia. "Anak bakit ba nakalabas si Fermie sa labas ng unibersidad? Eh, nakahanda naman siya para sa graduation niya, ano pa ang rason bakit kailangan niyang lumabas? Kaya ito ang naging dahilan nang pagkabangga niya nang hindi natin inaasahan," takang-tanong naman ng kaniyang mama. Bumuntong-hininga na si Kia, halos pare-pareho ang mga tanong sa kaniya kung bakit nakalabas ng gate si Fermie. Hindi naman niya maaaring sabihin na dahil nakita sila ni Fermie na

