"Taos-puso ang pasasalamat ko sa walang sawang pagsuporta ninyo kay Fermie. Gustuhin ko mang dumito muna pero alam kong nandiyan kayo para sa kaniya. Sana paggising ni Fermie, sabihin ninyong nag-alala ako nang husto. Mahal na mahal siya namin at hihintayin namin ang paggaling niya. Kasihan nawa kayo ng Diyos Kia, S-sir Gabbie." “Walang anuman po, Aling Lupe. Makakaasa po kayong nasa mabuting lagay si Fermie. Mag-iingat din po kayo sa pag-uwi,” mahinahong saad ni Gabbie. Inihatid na rin ni Kia sina Tiya Lupe at ang mga magulang nito palabas ng kuwarto. "Mag-iingat kayo, Papa, Mama. Kayo rin po Tiya Lupe at Tiyo Bor," pahabol pa ni Kia. Humalik na siya sa mga magulang at malungkot din na kumaway sa kaniya ang mga ito. Sa ilang gabing mahimbing ang pagkakatulog ng diwa ni Fermie, nagla

