May itatanong sana si Harry sa kaniyang pinsan pero hindi niya madiretsang itanong ang nasa isip niya. "Ate? Kaninong anak po itong dala ninyo? Ang guwapo-guwapo at ang cute" curious na tanong ni Rosy. Tumingala siya kay Gabbie "Parang magkamukha po sila ng kasama po ninyo, Ate." "Ate, sabi ni inay guro na po kayo. May dala po ba kayong tinapay at saka gatas para sa amin ni Ate Rosy?" paglalambing naman ni Benny na may butas-butas pa ang kaliwang bahagi ng kaniyang shorts. "Mabuti naman at nakauwi ka na, Ate. Nasa mansion pa po sina itay at inay. Pasok po kayo ng kasama ninyo.” Kinuha na lamang ni Harry ang mga dalang gamit ng mga ito at mga plastic na may lamang groceries. Hindi na mapigilin ni Fermie ang emosyon na kanina pa niya pinipigilan. Ipinakarga niya muna si Baby Gabriel

