Kinagabihan ay nagpaalam si Fermie sa kaniyang Tiya Lupe na sasama siya sa Maynila kay Gabbie. “Sigurado ka ba, Fermie?” “Nandiyan naman po si Gabbie, Tiya. Alam ko pong hindi niya ako pababayaan.” Napabuntong-hininga si Tiya Lupe at saka hinagod ang mahabang buhok ng pamangkin. “Wala akong tutol sa inyong dalawa. Ang inaalala ko lang ay ang maaaring mangyari. Mayaman ang pamilya nina Sir Gabbie. Kahit sandali lang natin silang nakasama pero nakikita kong mga mata-pobre ang kaniyang ina at saka kapatid.” “Nangako naman po sa akin si Gabbie. Huwag po kayong mag-alala, Tiya. Kung anuman po ang mangyari, hindi ko po hahayaang manatili ako roon. Uuwi po kami rito ni Baby Gab.” “O siya, dalangin ko na lamang na maging maayos ang kalagayan mo roon at ng apo ko. Huwag mong pabayaan an

