Hinawakan na nang mahigpit ni Gabbie ang mga kamay ni Fermie. Gusto niyang ipaabot sa dalaga na nandiyan siya para proteksiyunan sila ng kaniyang anak. “Do not be discouraged, My Love,” mahina nitong turan sa nakayuko pa ring dalaga. “Cheer up. I am here for you.” “G-Gabbie…” Ang kabog ng dibdib niya ay hindi maintindihan. Kung maaari lamang na malusaw na siya sa harapan ng mga magulang ni Gabbie. Kakayanin niya. Oo, kakayanin niya alang-alang sa pagmamahal niya sa binata at para kay Baby Gab. “Luring!” tawag ni Ginoong Jaime sa kasambahay. Agad namang tumalima ang kasambahay at yumukod pa sa mga harapan ng amo. “P-po, ano po iyon, Sir Jaime?” “Pakilagay ng mga gamit nina Gabbie at Fermie sa loob ng kuwarto ng Sir Gabbie mo. Pagkatapos ay maghanda kayo ng hapunan dahil salubung

