"P-para sa akin, Bes? Naku, kinakabahan ako dito ah," Feeling-excited na rin si Fermie nang hawakan ang kahon at nangingintab pa ang wrapper nito na ibinigay ni Kia. "Sige na Bes...buksan mo na baka maabutan pa tayo ng bell," excited ring nawika ni Kia. Namangha at nabigla si Fermie, isang mamahalin at latest model ng cellphone ang laman ng kahon. Kahit si Kia ay napa-wow na rin nang makita ito ngunit agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig para hindi mahalata ni Fermie. Nanginginig ang kamay ni Fermie habang hawak ang kahon at agad na lumingon kay Kia. "B-bes? Sa akin ba ito? Huwag mo akong biruin nang ganito ha. Eh parang mas mahal pa yata ito sa cellphone mo. Hindi ko matanggap ito nakahihiya...siguro bigay ito ng mama mo at sa akin mo ibinigay. Please kunin mo na. Oo, inaamin kong

