Habang nasa loob ng sasakyan sina Gabbie papuntang airport ay hindi na niya matiis na hindi ipagpaalam kay Ginang Mildred ang totoong nangyari kung bakit nabasag ni Fermie ang mamahalin niyang plato. Bumuntong-hininga na siya at kumuha ng lakas para pagsimulan. "Tita, Ninang sana po ay hindi kayo magagalit sa akin. M-may ipagtatapat po ako sa inyo," mahinahong wika ni Gabbie. Nasa gilid niya katabi si Ginang Mildred at napagitnaan nila ng kaniyang Mommy. Si Ginoong Victor ay nakaupo sa front seat at sina Ginoong Jaime kasama si Mariz ay nasa likuran nakaupo. Abala naman si Mariz sa pakikinig ng music gamit ang kaniyang air pod. "Bakit Iho, what's that, inaanak?" takang-tanong ni Ginang Mildred habang nakakunot ang noo . "I am very sorry to tell this, Tita, I-I want to reveal the trut

