Makalipas ang tatlong araw ay nakiusap si Fermie kay Ginang Mildred na kung pupuwede siyang umuwi para makapaghinga naman. Noong una ayaw pa sumagot ng Ginang habang kinakausap siya nito, at dahil na rin sa alo at pakiusap ni Ginoong Victor na intindihin din ang kalagayan ni Fermie ay napapayag niya ito. "Ate Fermie, mabuti naman at nakauwi ka na. Nami-miss ka rin namin nina Rosy at Benny," agad na salubong ni Marie na makikita ang kagalakan sa mukha nang makita ang pinsan. "Nami-miss na rin kayo ni Ate Fermie. Belated Merry Christmas sa inyo. Pasensiya na ha, hindi nakasama si Ate ngayong pasko dahil maraming trabaho sa mansion. Hayaan ninyo babawi si Ate sa susunod. O, heto oh, marami akong pagkaing dala, pinabalutan ako ni Aling Lety dahil maraming sobrang pagkain doon. Halika kumain

