Naguguluhan na si Gabbie, gustong-gusto na niyang makausap si Fermie. Lagi niya itong ninanakawan ng simpleng sulyap ngunit hindi man lang ito ni minsan nakatingin sa kaniya. Nang minsang humarap si Fermie sa kinaroroonan niya at habang inaayos ang mesa sa hardin ay pasimple niyang itong kinuhanan ng litrato sa kaniyang cellphone. Hindi siya nagpapahalata dahil baka may makapansin sa kaniyang ginawa. Perfect angle ang nakuha niya sa dalaga, bagay na bagay ang maitim na buhok nitong nakalaylay sa kaniyang balikat habang ang ibang hibla ng kaniyang buhok ay gumagalaw dahil sa hangin. Maamo at inosente ang mukha nito ngunit walang emosyon o ekspresyong nakaukit. Lumitaw ang morena nitong balat sa kulay pink na blusang suot nito. Kumikislap ang kaniyang mapipintog na mga mata dahil sa repleks

