"Aling Lety, wala pa rin po ba si Tiya Lupe?" pag-aalala nang tanong ni Fermie nang bumalik sa kusina. "Wala pa nga eh. Marami pa namang lulutuin ngayon. Abalang-abala na nga tayo sa mga gawain. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon wala pa sila, eh hindi naman dating nahuhuli ang mga iyon nang dating," sagot naman ni Aling Lety. "Oo nga po eh. Ano na kaya ang nangyayari sa bahay? Hindi naman kalayuan ito sa mansion para matagalan sila. Baka magalit na si Ginang Mildred kapag nalaman niyang hindi dumating nang maaga sina Tiya," hindi pa ring mapakaling wika ni Fermie. "Fermie, tulungan mo na akong maghanda ng mesa. Doon sa hardin daw ang handaan. Naku ang ganda-ganda na ng mansion sa mga dekorasyon at naggagandahang blink-blink na mga ilaw na diperent (different) colors. Iyong si Santa

