Umuwi na rin si Kia para makapagpahinga. Ina-update din siya ni Gabbie kung ano ang kalagayan ni Fermie. Pagdating ni Kia ay agad na nagtanong si Tiya Lupe. Alalang-alala na ito sa pamangkin. Hindi siya natulog dahil inaabangan niya ang pag-uwi ni Kia sa apartment. Gustong-gusto na niyang puntahan ang pamangkin sa hospital para mabantayan ito ngunit sinabihan siya ng mama ni Kia na mas mabuting magpahinga lang muna habang hindi pa nailipat sa kuwarto si Fermie. Hahayaan na lang muna raw na sina Gabbie at Kia ang mag-aasikaso rito. Nag-aalala na rin si Tiyo Bor dahil sa mga iniwan nilang anak sa probinsiya. Baka matagalan sila sa siyudad at naisip nila kung paano naman ang mga anak nila, hindi sapat ang iniwan nilang pera para lamang sana sa tatlong araw. Mabuti nga lang at nakapag-advance

