Nag-aayos ng kanilang mga damit si Fermie. Tinutupi niya ang kanilang bagong labang damit ni Kia. Binuksan niya ang closet kung saan naroon ang kaniyang mga damit at mga importanteng gamit. May munting kahon sa gilid nito. Kinuha niya at dahan-dahang binuksan. Nakita niya ang mga larawang ipani-develop ni Kia at ibinigay ang mga ito sa kaniya. Iba’t ibang okasyon ang masisilayang magkasama sila. Tiningnan niya nang paisa-isa ang mga larawan, kay gandang pagmasdan yaong mga tawa nila ni Kia. Noong debut naman niya ay napakasaya niya. Walang bonngang handaan katulad ng iba na mayroong eighteen roses, may malaking cake, may eighteen candles, eighteen wishes, eighteen treasures at kung ano-ano pang eighteen na sadyang pinaghahandaan kapag humantong na sa ganoong legal na edad. Iyong moment na

