Pumasok si Gabbie sa kuwarto ng kaniyang Daddy at Mommy at saka nagpaalam. Nadatnan niyang nakahiga sa kaniyang kama ang kaniyang ina. Dinagan niya ang kaniyang kamay sa likuran ni Ginang Dolor para makabangon ito. Inalayan naman siya ng kaniyang daddy para makaupo ang ina nang nakasandal sa headboard ng kama. “Mommy...I will be away for a while, but I will be back soon. Take care of yourself, Mom. I thanked God that He heard one of our prayers, unti-unti mo nang naigalaw ang kamay mo sa kabila. Maybe your therapist is an instrument para gumaling ka nang paunti-unti through our faith. We are always here for you. Time will come, dadalhin ko sa inyo ni Daddy ang babaeng bubuo sa aking mga pangarap. Ipaglaban ko siya kahit anuman ang mangyari. Pray for me too, Mommy, alam kong maging karapat

