Kahit paika-ika ay pinipilit ni Fermie na makatayo. Minsan ay nawawalan siya ng panimbang at bigla siyang natutumba. "Ano ka ba naman, Bes, hindi pa magaling iyang operation mo eh lakad ka nang lakad. Sana naman tumatawag ka sa akin kapag may kailangan ka para naman maalalayan kita," agad na sermon ni Kia sa kaniya na may pag-alala nang minsang nakita niya itong lalakad papuntang kusina. “Nahihiya na ako kasi masyado na akong pabigat sa iyo eh," sagot naman niya. “Siya nga pala, Bes napansin kong malaki yata ang nabawas sa katawan mo, bigla kang naging sexy." "Wow, ha. Talaga ba, Bes? Huwag mo naman akong biruin ng ganiyan," nakangiting turan ni Kia. Sa totoo lang ay nabawasan nga ang taba ni Kia. Marahil sa pag-aasikaso niya kay Fermie. Hindi na kasi siya ang dating Kia na higa lang n

