Hindi makatulog nang maayos si Fermie nang gabing iyon. Inaamin niyang nasisiyahan siya sa mga ipinagtapat sa kaniya ni Kia. Pero nahihiya siya sa mga ginawa ni Gabbie para sa kaniya. Napagtanto niya kung gaano siya hinintay ni Gabbie. Hinawakan niya ang kaniyang labi. Napangiti siya. Ilang taon din bago niya nalasapan muli ang una niyang halik. Hindi niya inaasahan iyon kanina nang siniil siya ng halik ni Gabbie. Wala pa ring nagbago, ang tamis pa rin ng laway nito. Nami-miss na niya ang binata at nasanay ang kaniyang mga mata na laging nandiyan sa tabi niya ito nang nasa hospital pa sila kaya pala alalang-alala ito at asikasong-asikaso sa kaniya dahil mahal pala siya nito. Napakasarap sa pakiramdam, napakaligaya niya na walang pagsidlan. Babalik pa ba si Gabbie o muling maghintay ang k

