Nakatapos na rin sa Junior Highshool si Marie at si Harry ay graduate na rin sa Senior Highschool Tuwang-tuwang ibinalita ni Marie sa kaniyang ate Fermie ang mga natamo rin niyang awards. "Ate with honors po ako. Salamat at kahit papaano, may mga award din akong natanggap. Si Kuya Harry graduate na rin. Tuwang-tuwa sina inay at itay dahil sa wakas, nakapagtapos na rin ng highschool si Kuya. Sayang nga lang dahil wala ka rito. Pero okay lang po iyon, Ate dahil malaki na ang tiyan mo, mahirap na sa iyo ang pagbibiyahe ng malayo," pagbabalita ni Marie sa kaniya. "Natutuwa ako sa mga ibinalita mo sa akin, Marie. Congratulations sa inyong dalawa ni Harry. Oh, ‘di ba sabi ko sa iyo magsusumikap ka para maabot mo ang iyong mga pangarap. Kunting tiis na lang at aanihin mo ang bunga ng iyong pags

