CAMILLA POINT OF VIEW MASAMANG tingin ang iginawad ko kay Christelle nang irapan ako nito. Akala ko pa naman mabait ito at kagalang-galang. Pero mali ako. Masama rin pala ugali nito, mas amsama pa kaysa sa ugali ko. Nandito kami sa isang hindi kilalang coffee shop hindi kalayuan sa building ng mga Smith. Balak ko sanang bumalik sa condo ni Akihiro para balikan ang cellphone ko, kaya lang. Minalas ako at nakasalubong ko pa ang ex-girlfriend niya. Niyaya pa ako nitong mag-coffee dahil may mahalaga raw kaming pag-uusapan. Tumikhim ako bago nagsalita, “Ano ang pag-uusapan natin? Mukha kasing sobrang halaga ng pag-uusapan natin dito eh.” Sarkastiko kong sabi. Bago ito nagsalita sumimsim muna ito sa kaniyang chocolate flavor na coffee, “Uhm. I-inform lang sana kita about sa relasyon n

