Chapter 24

1630 Words

THIRD POINT OF VIEW Napahilot si Camilla ng kaniyang noo dahil paggising niya ramdam niya agad ang sakit ng ulo. Kumikirot din, sana pala hindi na lang siya nagising para hindi niya naalala ang mga kalokohan na pinaggagawa niya kagabi. Flashback “U-uwi na tayo sa bahay h-hubby'” lasing na saad ni Camilla nang alalayan siyang maglakad ni Akihiro. Iuuwi na sana ni Akihiro si Camilla sa kaniyang condo, ngunit nagmakaawa sa kaniya ito. Kaya't pinagbigyan na lamang niya ang secretary sa nais nito. Malalim na napabuntong hininga ang binata habang inaalalayan niyang maglakad patungo sa labas ng karaoke bar. “Tsk! You're drunk…” ismid na saad ni Akihiro. Akmang lalayo si Camilla sa binata ng mas hinigpitan pa ni Akihiro ang pagyapos sa baywang ng dalaga upang hindi makawala sa tabi niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD