Nagmumuni-muni ako dito sa loob ng kwarto ko dito sa condo ni Akihiro. Dalawang oras na rin ang nakalipas nang maka-alis kami sa bahay ng parents niya. Hindi pa dapat kami uuwi dito sa condo niya kung hindi lang napikon si AKihiro sa kapatid niya. Biruin mo, mabilis pala mapikon ang isang Akihiro Smith sa kapatid niya? Mabuti rin na umalis na kami doon dahil hindi titigil ang magkapatid sa pagbabangayan. Ngayon alam ko na, na hindi puwedeng magsama ang magkapatid ng Smith sa iisang hawla. At ngayon hinahanap- hanap ko naman ang pag-iingay ng magkapatid. Ang lungkot kaya sa kuwartong 'to, feeling ko ako lamang ang nakatira sa condo na ito. Nag-e-expect pa man din ako na pupuntahan ako dito ni Akihiro para yayaing tumabi sa kama niya. Kaso inaantok na ako pero wala pa ring ganap! Masama a

