Camilla Point of View DINALHAN kita ng cookies, ako ang nag- bake niyan.” Rinig kong sabi ni Christelle, nakatago ako sa isang sulok hindi kalayuan sa kinatatayuan nilang dalawa ni Akihiro. Makailang beses akong napabuntong hininga at talagang kinabahan ako kanina, paano ba naman kasi nasa kalagitnaan na kami ng kasarapan, bigla- biglang may mag- do-doorbell. Kaya nagmadali akong umalis sa ibabaw ni Akihiro dahil sa takot na may makakita sa amin, inutusan niya akong magtago at kaagad ko namang ginawa. Nakabalot muli ang tuwalya sa hubad kong katawan, samantalang siya ay naka half naked na ulit. Nabitin ako, aaminin ko. Sana pala hindi na lang namin pinansin 'yong nag-doorbell, sana hindi ako nagtatago ngayon. “No need to bake me a cookies, Stelle.” Saad ni Akihiro habang nakatayo,

