Pangiti-ngiti ako habang hinahalo ko ang niluluto kong pinakbet. Gusto ko lang naman pasalamatan si Akihiro dahil sa ginawa niyang kabutihan sa tatay ko. Matapos ko kasing malaman na inasikaso na niya lahat ng bill ni papa sa ospital, ay na realize ko na dapat alagaan ko siyang mabuti. Ang laki ng utang na loob ko sa kaniya, 'di ko akalain na may ginintuang puso ang binatang Smith na 'to. Kaya ngayon, nagpasya ako na magluto ng pinakbet para sa tanghalian namin. Mabuti nga, napapayag ko ito na magluto ako ng makakain namin. *** Nang maluto na ang pinakbet, kaagad ko itong inahin sa table. Nilagay ko na ang dalawang plato para sa aming dalawa. Dapat lang nga kanina, tatanungin ko sana kung nasaan si Christelle. Kaso, umurong ang dila ko. Matapos kong maihanda sa table ang lunch namin

