Chapter 26: Ang Alay sa Buhangin

1536 Words

Hindi na nagsalita pa si Daniel. Nakiramdam lamang siya habang sila ay pabalik sa puting bahay. Ang tangi lamang niyang naririnig ay ang ingay ng makina ng motor at ang kakaibang pagsipol ng hangin. Maya-maya pa ay nakita niya na ang arko ng Sitio Danao. Pakiramdam niya sa pagkakataong iyon ay bago lamang siyang tao na dumadalaw lamang sa lugar n iyon. Ang ingay ng makina ng motor ay tumigil lamang nang sila ay nasa harapan na ng bahay. Tila abala naman ang mga tao sa paligid, mayroon silang mga dalang hayop na kanilang dinadala sa baybayin ng dagat. "Ano pong nangyayari, mang Jo?" tanong ng binata. "Magsisimula na sila," sagot na lamang ng katiwala. Pareho nilang pinanonood ang mga tao sa paligid habang napapatulala. Hindi iyon isang normal na pangitain. Iba ang pakiramdam ni Daniel,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD