bc

MY BOSS IS MY EX-LOVER

book_age18+
936
FOLLOW
5.2K
READ
HE
neighbor
drama
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Isang Heredera ang dalagang si Kate. Nag iisa siyang anak ng kanyang mga magulang na nagmamay-ari ng isang malawak na hacienda. Masasabing perpekto ang kanilang pamumuhay. Mayroon siyang mabait at mapagmahal na mga magulang. Subalit, ang lahat ng iyon ay nagbago ng tumuntong siya sa wastong gulang. Sapagkat, sa hindi niya malamang dahilan ay ipinagkasundo siya ng kanyang Ama, sa anak na lalaki ng kaibigan nito. Na isa ding Haciendero. Ilang araw matapos niyang malaman ang kasunduang iyon at ang nakatakda niyang pagpapakasal sa lalaking hindi niya mahal, ay animo bula na naglaho ang kanyang kasintahan na si Raymart. Dahil sa labis na pagmamahal niya sa binata, nagawa niyang tumakas sa mismong Araw ng kanyang kasal. Kasal sa lalaking hindi niya mahal!

Makalipas ang limang taon, muling nag krus ang landas nila ng kasintahan. Subalit, nakatakda na itong ikasal sa ibang babae. Labis siyang nasaktan dahil sa kanyang nalaman. Kaya nagdesisyon siya na bumalik ng Pilipinas, at harapin ang kanyang inabandona na mga magulang. At sa kanyang pag-uwi hindi niya akalain ang madaratnan niyang kalagayan ng mga ito.

Nagsimula siyang muli, kasama ang kanyang pamilya. Subalit, ang inaakala niyang simple at masayang pamumuhay na mayroon sila ngayon, ay panandalian lang pala. Dahil naka handang gawin ng binata ang lahat makapag higante lamang ito sa kanyang pamilya.

Hanggang kailan niya kakayanin ang magtimpi para sa lalaking minamahal? At hanggang kailan dapat manaig ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa binata?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"Good morning, ma'am Kate." Alanganing bati ni Raymart sa dalagang si Kate. "Wow! Hindi ko akalain na oportunista ka nga talaga! Imagine, pinag-aral ka talaga ng daddy ko sa mamahaling school na to." Nanggigigil na wika nito sa binata. Agad namang nag yuko ng ulo si Raymart, dahil sa nararamdaman na pagkapahiya. Kung tutuusin dapat ay sanay na siya sa pang-aalipusta ng dalaga, pero may mga pagkakataon pa rin na hindi niya maiwasan ang masaktan. "Oportunista! Hampas lupa!" Gigil na wika nito sa kanya. Hampas ng isang bagay sa kanyang katawan ang muling nag paangat sa kanyang mukha, at nakita niyang paalis na ang dalaga, bitbit ang bag nito. Marahil ay iyon ang tumama sa kanyang tagiliran. Bata palang siya ay ganun na ang ugali ng dalaga sa kanya, madalas siya nitong awayin at ipahiya sa ibang bata noon. Masakit man ang katotohanan na mahirap lang sila, kung kaya ganun na lang kung ituring siya nito. Hindi niya maiwasang isipin ang mga pagkakataon noong bata palang sila na naging malapit din sila sa isa't isa, iyon nga lang bigla din itong nagbago. Umalingawngaw ang tunog ng bell, hudyat na mag-umpisa na ang kanilang first subject. Hinanda niya ang kanyang sarili saka humakbang patungo sa kanilang classroom. "Raymart!" Sigaw ng isang babae sa kanyang pangalan, ng lingunin niya ay ang kabanatang si Janna ang kanyang nasilayan. Bagaman, nanggaling din ito sa isang mayaman na pamilya, ay hindi iyon naging dahilan upang maging mapagmataas ito sa kanya. "Ang lalim ng iniisip mo, kanina pa kita tinatawag." Nakanguso na wika nito ng malapit na sa kanya. Ito ang madalas niyang kasama, maliban sa kanyang dalawang kaibigan, na sina Mackoy at Andrei. "Pasensya na hindi ko narinig." Aniya dito saka hinaplos ang buhok nito. "Halika na pasok na tayo." Nakangiting wika ng babae. Samantalang, Labis ang nararamdaman na ngitngit sa kanyang kalooban ng dalagang si Kate, sa tuwing nakikita niyang magkasama sina Raymart at Janna. Lalo siyang naiinis sa tuwing naaalala niya kung paano siya nito awayin noong nasa elementarya palang sila. At tanging si Raymart ang tagapagtanggol niya noon. Subalit, nagbago na ang ihip ng hangin ngayon dahil ito na ang madalas na pina paboran ng binata. Dahilan para bully-hin at ipahiya niya si Raymart. Dahil kahit anong gawin niya, ay hindi niya magawa na kunin ang atensyon nito, samantalang, pagdating kay Janna, ay buong atensyon nito ang nakukuha ng dalaga. Hanggang sa dumaan pa ang maraming taon at ngayon ang huling taon nila sa high school. "Para sayo, Kate." Ani ni James, sabay abot ng isang pumpon ng rosas sa kanya. Sa halip na abutin ang mga bulaklak ay inilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng silid-aralan, upang hanapin si Raymart, at nang makita niya itong nakatingin din sa kanila gamit ang malalamig nitong mga mata, na naging dahilan para hindi niya mabasa ang laman ng isipan nito. Humarap siyang muli kay James, saka inabot ang bulaklak na binigay nito sa kanya. Halos nabingi siya sa lakas ng sigawan ng kanilang mga kaklase at mga barkada ng lalaki. "Salamat." Matamis ang ngiting wika niya dito. "Ahm Kate, pu-pwede pa akong manligaw sayo?" Nauutal at nahihiya na wika nito. Pulang-pula ang mukha ng lalaki maging ang punong tenga nito. Lihim naman siyang napangisi ng sa kanyang paglingon sa dako ni Raymart, ay nahuli niya itong nakatingin sa kanya na animo'y naghihintay ng kanyang sagot. Dahilan para gumana ang kanyang pagiging pilya. "Oo naman, gusto mo tayo na?" sagot niya sa lalaki, saka nagpaskil ng pagka tamis-tamis na ngiti ang kanyang mga labi. Marami ang napa "oh" sa kanyang naging sagot, muli ay naging umingay ang kanilang paligid. Habang si James naman ay tuluyan ng nagkulay makopa ang mukha. Natigil siya sa pagmamasid sa kabuuan ng kaharap ng biglang may padaskol na naglakad sa kanyang harapan. "Excuse me!" Mariing wika ni Raymart, saka tinungo ang pintuan palabas ng kanilang silid aralan. "Congrats kuya, at Kate!" Nakangiti namang wika ni Janna ng mapadaan ito sa kanilang harapan, dahil sumunod ito sa paglabas ni Raymart. Agad nagdiwang ang kanyang puso sa naging reaksyon ni Raymart. Ngunit, hindi din niya alam kung paano niya lulusutan ang gulong pinasok niya. Ilang Linggo din silang naging abala para sa kanilang gaganaping Prom night. At mamayang gabi na iyon gaganapin, kung kaya ngayon ay naririto sila sa boutique upang kunin ang gown na kanyang isusuot mamaya para sa ilang sayaw na sinalihan niya at para sa entrance ng event. Kasama niya si Raymart, dahil pina-sukatan din ito ng kanyang ina, ng isusuot nitong damit noong nakaraang Linggo. Ang mga ito ang sumasagot sa mga ganitong gastusin ng binata sa kanilang paaralan. "Ang ganda naman ng anak ko!" Natutuwa na wika ng kanyang ina. "Salamat po mommy!" Aniya dito "May kailangan ka pa ba anak?" Anito sa kanya. "Mom, pwedeng mag-request? Pwede po ba na si Raymart ang maging scort ko tonight?" Nahihiyang wika niya sa ina. "Oo naman, teka at sasabihin ko." Mabilis na sang-ayon ng Ginang. "Mamaya mo nalang po sabihin mommy. At huwag mo po sabihin kay daddy." Pigil niya sa ina. "Oh' sige anak! Walang problema." Kagaya ng dapat asahan si Raymart, ang kanyang naging Scort ng gabing iyon. Buong atensyon nito ay nasa kanya, kung kaya naman labis ang saya na kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ng matatalim na titig ni Janna sa kanya. Lalo na at galit din ito sa kanya, dahil ilang araw, bago sumapit ang naturang event ay pinutol niya ang ugnayan niya ang kapatid nito. Kasalukuyan silang nagsasayaw sa dancefloor, sa saliw ng isang madamdaming awitin. Magkayakap at halos magdikit na ang kanilang mga katawan. "Raymart!" Tumikhim muna siya, saka ito tinawag. "Hmmm' gusto mo na bang umupo?" Nag aalala na wika nito. "Hindi pa, gusto ko, ganito muna tayo." Sagot niya dito. Masaya siya ngayon dahil hindi ito umaalis sa tabi niya, upang maki jamming sa iba. Nasa kanya ang buong atensyon nito ngayon. "Okay, para sa nag-iisang prinsesa ko." Mahinang wika nito, pero umabot sa kanyang pandinig. "Mahal kita, Raymart. Mahal na mahal!" Hindi mapigilang bulalas niya. Nilakasan din niya upang marinig nito ng malinaw, saka yumakap dito ng mahigpit at isinubsob ang kanyang mukha sa dibdib ng kaharap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook