Bakas ang matinding pagkabigla sa mukha ng binata, matapos nitong marinig ang salitang namutawi sa labi ng dalaga.
Dulot ng labis na pagkabigla, hindi agad ito nakahuma. Nanatili itong nakatayo sa harapan ni Kate.
"Sinasabi ko na nga ba! Pinaglalaruan mo lang ako." Bakas ang sakit na wika ni Kate, nang mapansin niya ang animo'y na tuod na si Raymart. Agad na siyang kumalas sa pagkakayakap niya rito.
Hindi niya na pigilan ang mainis sa kanyang sarili. Bakit ba ang bilis niyang maniwala sa lalaki. Napailing na lang siya sa isipin na naisahan na naman siya nito. Pinigilan niya ang sarili na umiyak sa harap nito. Ilang segundo pa ang pinalipas niya bago napag pasyahang bumalik na loob ng mansyon at nagkulong nalang sa kanyang silid. Kesa mag-aksaya ng oras sa lalaki. Ngunit bago pa man siya humakbang patalikod dito, isang matigas na braso ang pumulupot sa kanyang bewang upang pigilan siya sa kanyang nais gawin. Hindi pa man siya nakabawi mula sa kanyang pagkabigla nararamdaman niya ang masuyo nitong paghapit sa kanyang bewang upang magdikit ang kanilang mga katawan upang mayakap siya ng mahigpit. Walang pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman ng kanyang puso ng mga oras na iyon. Nang tingnan niya ang mukha ng lalaki, nakita niya ang namumuong mga luha sa mga mata nito. Bago pa man tuluyang malaglag ang mga butil na iyon. Agad na niya itong pinalis gamit ang kanyang kamay. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanilang mga labi. Hanggang sa maramdaman ng dalaga ang malambot na labi ni Raymart, na lumapat sa kanyang mapupulang labi. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa mukha nito. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sarili na sumasabay sa bawat galaw ng labi ng binata.
Kinabukasan maagang nagtungo sa mansyon ng mga Avila si Raymart. Nais niyang ayain na mamasyal ang dalaga. Matapos ang naging pag-uusap nila ng nagdaang gabi, tuluyan na silang nagkaroon ng ugnayan sa isa't isa. Nangako silang mas pag titibayin pa ang kanilang tiwala at pagmamahal sa isa't-isa. Bagay na hindi nila noon nagawa.
"Good morning! Mahal." Masiglang bati ni Raymart sa dalaga, ng makita niya na patungo na ito sa kusina.
"Good morning!" Masiglang bati ni Kate sa kasintahan. Saka nangunyapit sa leeg nito.
"Ang aga mo naman ata. Halika, sabayan mo na akong kumain. Maagang umalis sila Daddy at Mom." Aniya rito.
"Sure, gusto mo bang ipasyal kita pagkatapos natin kumain?" Masayang tugon ni Raymart, saka hinalikan sa pisngi si Kate.
"Yes of course! Iyon nga ang plano kung gawin ngayong araw." Nasisiyahan na tugon ng dalaga.
Matapos kumain ng agahan ay agad na silang nagtungo sa kuwadra ng mga kabayo, upang pumili ng hayop na sasakyan nila. Bata palang ang dalawa ay marunong na silang magrenda ng kabayo. At iyon ang gawain na namimiss ng sobra ng dalaga sa nakaraang mga taon.
Napakunot ang noo ni Kate ng makitang isang kulay brown na kabayo lang ang hinihila ni Raymart, nang makalabas ito ng kuwadra. Matapos nitong mag presinta na ito na ang maglalabas ng kabayo. Ang sabi niya sa lalaki ay ang paborito niya na kabayo na si Whitney ang gagamitin niya. Isa itong kulay puti. Napakaganda ng kulay ng balahibo nito. Dahil purong puti lang at walang kahit anong kulay ang nahalo dito.
"Nasaan si Whitney?" Naka pout na Tanong niya sa lalaki.
"Si brownie na lang ang gamitin natin?" Nakangiting wika nito. Habang kinu-kondisyon ang hayop.
"Ano?! Bakit?" Nalilitong tanong niya rito.
"Una, pina-asawahan na si whitney, possible na buntis na siya. Pangalawa, hindi kita papayagan na sumakay sa kabayo ng mag-isa, dahil ilang taon kang hindi nakapag renda ng kabayo baka manibago ka. Okay na?" Anito sa kanya, sabay kindat. Agad siyang nakaramdam ng pamilyar na pakiramdam sa tuwing ngumingiti ito o kimi-kindat sa kanya. Pinilit niyang huwag iyong ipahalata sa binata.
Hindi na siya sumagot dito, hanggang bumalik ito sa ginagawa nito kanina. Marahil nga ay tama ito.
Ngayon ay malaya siyang nakatitig sa binata at pinagmamasdan ang kabuuan nito. Mas dumepina pa ang panga nito kumpara sa mga nakalipas na taon. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at malantik ang mga pilikmata, habang may katamtamang kapal ang mga labi nito na bibihira mo lang makita na ngumiti noon pa man. Lalaking lalaki ang dating nito mula sa taas nitong 6'8 at sa mlapad nitong pangangatawan. Nakasuot ito ng ripped jeans na maong at long sleeve sweater, Habang botch na kulay brown naman sa paa.
"Baka matunaw na ako sa mga titig mo, mahal?" Nakangiting wika nito sa kanya. Agad niyang nararamdaman ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. Kaya't agad niyang nilayo sa lalaki ang kanyang paningin.
Ilang sandali pa ang lumipas, ngayon ay pareho na silang nakasakay kay brownie. Siya ang nakaupo sa unahan habang nasa likuran naman niya ang binata. Pareho silang nakahawak sa renda, pero ang binata lang ang nagrerenda sa hayop patungo sa kanilang pupuntahan. Halos hindi niya marinig ang mga yabag ng kabayo, dahil sa malakas na t***k ng kanyang puso. Naririnig din niya ang malakas na t***k ng puso ng binata, dahil halos yakap na siya nito. Mas narinig pa niya ang t***k ng puso nito ng isandal nito ang kanyang ulo sa dibdib nito.
Napaka ganda ng lugar na kanilang nadadaanan. Nasa gitnang bahagi na sila ng Hacienda Avila, at natutuwa siyang pagmasdan ang kanilang malawak na bukirin na ibat ibang produkto na nakatanim. Nang sapitin nila ang kabilang bahagi na malapit sa burol, Pinili nilang umakyat doon at mamahinga. Hindi lingid sa kanya na ang bahaging ito ang paborito ng binata, simula noong mga bata pa sila. Sa tuwing pinupuntahan niya ito sa tahanan ng mga ito upang makipaglaro dito, ang Lola nito na si Lola Azon ang palagi niyang naaabutan sa barong barong ng mga ito. At ang madalas sabihin ng matanda ay nasa burol daw ang lalaki. Hindi naman niya masisisi ang kung sinuman na nais tumambay sa burol, dahil sadya namang katangi-tangi ang ganda ng paligid. At mula dito ay natatanaw ang kabuuan ng Hacienda Avila. Habang sa kabilang bahagi naman ay ang malawak na lupain ng mga Atienza. Sa bahaging kanluran naman ay ang mga bubong ng mga bahay at ang mga gusali mula sa bayan ng San Cristobal.