"Hoy! Amelia bawal lumandi ah!" Banta sakin ni kuya bago ako lumabas ng sasakyan niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko kung gaano ka seryoso ng muka niya.
"Girl you're so OA" asar ko sakanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Wag mo ko ma girl-girl diyan! Pag-talaga meron akong nalamang may nilalandi ka! Bu-bug-bugin ko talaga yon!" Banta niya ulit. Hindi naakobumangal at agad naring bumaba sa sasakyan niya. Dapat ng taxi nalang ako eh.
Pag pasok ko sa campus ay medyo maraming bumati saking ka-batch ko tapos yung iba classmate ko. Habang nag lalakad ako papuntang classroom ay nakita ko kaagan si Ry na nakikipag talo nanaman kay Mel.
"Walang grade eight grade eight sakin pag sinabi kong tuwad-tuwad!" Mayabang netong sabi. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
"Makakasuhan ka pa ng child a***e tol" singit ko sa kanila nakita ko namang ngumisi si Ry at inakbayan ako.
"Tol kung mag susumbong siya oo pero kung hinde endi hindi!" Sabi neto habang tumatawa. Inalis ko yung braso niyang naka akbay sakin at pumasok na sa classroom. Mahirap na baka mahampas din ako ni Mel.
"Tol!! Late ka tol!" Tumatawa namang salubong ni Cia sakin. Napa tawa rin naman ako sa pag bati niya sakin, lumapit rin si Van sakin at bumati. Uupo na san kami sa bangko namin nang biglang may sumigaw.
"Puta! Agang-aga pag lalandian niyo agad na kikita ko!" Inis na sigaw ni Ena. Agad namabg nag reklamo si Mel.
"Jusko ito landiin ko?! Mamatay na pati lahat te!"
"Feeling mo naman lalandiin kita! Ganda ka bhei?" Maarteng tanong ni Mel umirap lang si Mel saka lumapit samin.
"Jusko kayo mag-kakatuluyan niyan Ry!" Asar naman nung lalaki naming kaklase nag tawanan kaming lahat maliban lang kay Ry at Mel.
Buti nalang at nag bell hudyat na mag sisimula na ang klase. Kung hindi nag bell ay baka dugo-dugoan na sa classroom gawa nung dalwa. Aba'y daig pa mag jowa kung mag away eh.
Mabilis rin namang natapos ang klase nag-bigay lang yung teacher ng tas nag pa outline lang. Hanep!
"Ay! Irismay training kami maya sama ka?" Tanong ni Cia kunot noo ko naman siyang tiningnan.
"Oo nga no?! Ayaw ko pang mag practice" sabi naman ni Ry.
"Sabihin mo makikipag landian ka lang sa mga grade eight" mataray na sabi ni Mel kay Ry dahilan para mag tawanan kami.
"Gago! Hindi no sila lumalandi sakin!" Depensa naman ni Ry napa-irap nalang si Mel at di na pinansin si Ry.
"Hindi ako pwede jan mga tol! Susunduin ako ni kuya mamaya eh!" sabi ko. Pero sa totoo lang ayaw ko talagang sumama sa kanila. Malipadan pa ako ng bola sa volleyball eh Tapos ma tamaan pa ako ng bola sa basketball!
"Sayang tol!"
Maaga ngayon ang uwian kaya wala na ang ibang studyante dito sa school. Mag-usa akong nag lalakad palabad ng campus dahil nag pra-practice sila Ena ng volleyball si Ry naman ay nag pra-practice ng basketball.
Habang nag lalakad eh may nakita akong pogi este lalaking tumatakbo papunta sa dereksion ko.
OMG!! Siya na ba yung inorder ko sa shoppee?!!!
Sa sobrang pag mamadali ni kuya pogi ay nabundol pa ako neto. "f**k! Sorry!" Sabi neto at mabilis na tumakbo ulit. Base sa uniform niya taga Luciano siya tsk! Kalaban!
Di pala siya yung inorder ko!
Mag-lalakad na sana ako kaso meron akong nakitang ID. Pinulot ko to at agad na tiningnan yung picture. Sana all gwapo parin sa ID picture.
Reagan Levi V. Villanueva.
Tumingin ako sa dereksion na tinakbuhan ni kuya pogi pero wala na siya doon. Kaya sinilid ko nalang sa bag ko yung ID niya at nag patuloy na sa pag labas. Swerte ko at nandon na si kuya sa labas ng campus.
"Bilis! Ang tagal pa VIP?" Inis netong tanong. Umirap naman ako at padabog na sumakay sa sasakyan niya. "Galit na galit?"
Buti nalang at mabilis mag-maneho si kuya kaya madali rin kaming naka uwi. Agad akong dumeretso sa kwarto ko para mag-palit ng damit at para hanapin kung sino yung Reagan Levi Villanueva.
Pag-pasok ko sa kwarto ay nag-bihis ako ng damit. Agad kong kinuha yung ID ni kuya pogi pati yung cellphone ko. Pinindot ko yung IG ko at agad kong hinanap si Levi.
Reagan Levi Villanueva.
Levi_Levi
Jusko ang ganda ng username huh! Meron itong one million followers pero twenty lang yung fina-follow niya. Sampo lang den yung post niya pero halos lahat yon ay five hundred thousand yung hearts. Grabe ka famous eh!
"Hoy! Amelia Mag meryenda ka daw don!" Sabi ni kuya habang nag-lalakad papasok sa kwarto ko. Nilapag ko ang cellphone ko sa kama agad namang umupo si kuya sa kama ko at kunin yung cellphone.
"Hoy! KUYAA BAWAL YAN!!" sigaw ko sabay kuha ng cellphone ko pero agad itong tumayo at itinaas ang cellphone ko.
Marami siyang pinindot doon at bigla nalang sumilay ang ngising kahit kelan ay ayaw kong makita.
"Awit! Na heart ko lahat!" Sigaw nito sabay tapon ng cellphone ko sa kama agad rin itong tumakbo paalis sa kwarto ko.
Agad kong pinuntahan ang cellphone ko. At agad akong na pa mura ng makita ko kung anong ginawa ni kuya.
"Kuya!! f**k you di ka pa mamatay!!"
Tatlong araw na ang lumipas simula ng nakaka-hiya niyang ginawa. Di na rin bumalik dito yung Levi kaya di ko na rin dinadala yung ID niya dito sa school, iniwan ko na rin yung ID niya sa bahay.
"Bakit ang lonely mo tol?" Tanong ni Ry. Kaming dalwa ang mag-kasabay ngayon pag labas ng campus kasi merong practice sila Ena ng volleyball.
"Eh kas--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may mang-hikit ng braso ko.
"f**k! Naabutan din kita!" Feeling ko lahat ng dugo ko ay umakyat sa muka ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.
"Oi gago! Bumitaw ka may balak ka bang patayin si Iris?" Maangas na tanong ni Ry. Bumitaw si Levi sa pag yakap sakin.
"Come with me!" Nakangiti niyang sabi. Di niya pinansin si Ry wow lakas!
"Hoy panget?! Anong come with me?" Inis na tanong ni Ry pero di parin siya pinapansin ni Levi. "Hoy panget bingi ka ba?!" Sigaw neto sabay hawak sa balikat ni Levi.
Tiningnan siya ni Levi ng masama at tinanggal ang kamay ni Ry sa balikat niya. "Bat di ka kaya tumingin sa salamin para malaman mo kung sino yung pangit" mas-maangas netong tanong.