Pinapanood ko siyang kumanta at sumayaw mula sa malayo. I can't believe na bubunga pala ang ginawa ko six years ago.
Nakakabingi ang fan chant ng mga fans nila. Pero parang wala siyang pake, nakangiti lang siya kahit na kita mo sa muka niyang pagod na pagod na siya. Tumutulo yung pawis niya pero oara itong walang pake. Di pa ko pa tapos pag masdan ang galaw niya nang biglang tumunog yung cellphone ko.
ᗰᗩᑎᗩᘜᗴᖇ ᑕᗩᒪᒪIᑎᘜ
Kumunot ang noo ko at sinagot yung tawag ni manager.
"Iris My god! Where the hell are you?" bungad neto. Ngumuso lang ako at tumingin sa paligid.
Sobrang dami kong katabi pero walang nakakilala sakin. Halos limang oras narin ako dito pero di parin ako nahuhuli.
"Bakit muna?" Asar ko kay manager. Narinig ko ang malalim na buntong hininga neto.
"God Iris! please come back safe" yan nalang ang nasabi niya bago iba-ba ang tawag.
Ngumiti ako at tumingin ulit sa malaking stage. Halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakatingin siya sa dereksion ko. Luminga-linga pa ako para makita kung ako ba talaga ang tinitingnan niya pero lahat ng babae sa likod ko ay timitili at tumatalon talon pa.
Nailang ako sa titig niya kaya medyo untras ako sa bangdang likod at medyo sumiksik sa katabi ko.
Your a f*****g idiot Iris you're wearing your face mask di ka niya makikita. Pag kumbinsi ko sa sarili ko.
"This is are last song so please enjoy!" Masayang sigaw nung isa pang lalaki he have this pinkish hair.
Muling tumili ang mga babae. Nag simula naring dumilim at di tulad ng kaninang kumakanta sila at sumasayaw, ngayon ay naka-upo lang sila at natingin sa mala dagat nilang fans. Sobrang swerte ko at nasa may bandang unahan ako pero malayo-layo sa kanila.
"I've been seeing lonely people in
crowded rooms
Covering their old heartbreaks with
new tattoos
It's all about smoke screens and cigarettes
Looking through low lights at silhouettes
But all I see is lonely people in crowded rooms" Kanta nung lalaking black yung hair.
Ang kaninang nakakabinging fanchant at tili nang mga fans nila ay napalitang ng nakakabinging katahimikan. Maraming umiiyak winawagay-way yung light stick nila.
"This city's gonna break my heart
This city's gonna love me then leave me alone
This city's got me chasing stars
It's been a couple months since I felt like I'm home
Am I getting closer to knowing where I belong?
This city's gonna break my heart
She's always gonna break your heart, oh" Kanta naman nung pinkish yung hair.
"I remember mornings when my head didn't hurt
And I remember nights when art didn't feel like work
She wakes up at noon and she's out 'til three
She leaves her perfume all over me
But I remember mornings when my head didn't hurt" Kanta naman nung lalaking brown yung hair tapos merong high lights ata yon.
Lahat sila ay nakangisi habang kumakanta. Pero siya naka nguso at nakatingin parin sa dereksion ko. Yung totoo kanino ba siya naka tingin??
"Oh, this city's gonna break my heart (it's gonna break my heart)
This city's gonna love me then leave me alone
This city's got me chasing stars (got me chasing stars)
It's been a couple months since I felt like I'm home (oh)
Am I getting closer to knowing where I belong?
This city's gonna break my heart
She's always gonna break your heart" kanta niya sumasabay din sa kanya yung black yung hair.
Tumingin ako sa kanya at nagulat ako ng mag tama na ang paningin namin. Ngumisi siya at kinagat ang iba-bang labi niya. Pero di niya parin inaalis yung mga tingin niya sakin.
I can't believe na sobrang linaw pala ng mata ko.
"She got a hold on me
She got me wrapped 'round her finger
She got a hold on me
She got me wrapped 'round her finger" kanta niya. Medyo tumaas pa ang balahibo ko sa legs at batok ng kantahin niya yung linyang iyon.
"This city's gonna break my heart (oh, yeah)
This city's gonna love me then leave me alone (it's gonna love me then leave me alone)
This city's got me chasing stars (oh)
It's been a couple months since I felt like I'm home
Am I getting closer to knowing where I belong?
This city's gonna break my heart (hey, yeah)
She's always gonna break your heart" kanta nilang lahat.
Sa wakas matapos ang anim na oras na pag tayo ko doon ay natapos na rin yung concert. Nasa dulo ako ng hanay palabas ng makita kong sumilip yung isang member nung boy band mula sa hallway. Seriously?
Buti nalang at mabilis lang ang pila pa labas. Dumeretso agad ako ng parking lot. Agad kong pinindot ang alarm ng sasakyan ko at agad rin naman iyong tumunog at umilaw. Luckily malapit lang yung sasakyan ko sa kinatatayuan ko.
Nag lakad ako papunta sa sasakyan ko ng biglang may humablot ng braso ko at dinala ako sa may gilid ng pader malayo sa sasakyan ko. Nakita kong merong tatlong babaeng nag-lalakad papunta sa dereksion namin kaya nag ready na akong tumili.
"If you scream I'll r**e you" bulong neto sa tenga ko. Umismid ako at di gumalaw.
"Seriously? do you think I will fall for that s**t again?" tanong ko at hinarap siya. Tinanggal niya ang mask niya at tumingin sakin ng seryoso.
"Why are you here?"
"Duh di kita pina-panood no! Napadaan lang ako sa concert mo" sabi ko at iritang tinanggal ang mask ko at masama siyang tingingnan.
Tumawa siya at tumingin sakin. "Dumaan? Grabe nag pa VIP kapa dadaan kalang pala" sacrastic netong sabi.
"Totoo napa daan lang ako!" Pag-pilit ko parin.
"Sabihin mo pinapanood mo ko"
"Bat ko sasabihin? Eh totoo namang napa-daan lang ako eh!"
"Wag ako ang lokohin mo" nakangisi netong sabi sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at umarteng di alam ang sinasabi niya.
"Di kita niloloko totoo yong sinabi ko" seryoso ko ring sabi kahit na di totoo.
"Baby, don't lie to me" naka-ngisi niyang sabi. Unti-unti siyang lumapit sakin kaya unti-unti rin akong umatras. God! Please help me poo.
"Putangina Reagan ano yang ka tangahan mo?!" Sigaw ng kung sino, agad akong niyakap ni Levi at itinago sa over size niyang black jacket.
"Ay Anak ng--" rinig kong sigaw pa nang kung sino.
"Ay hayop! Sino yan?!" Sigaw pa nung kung sino.
Pilit akong kumakawala sa yakap ni Levi para makita ko kung sino yung mga tao pero hinihigpitan niya lalo yung yakap niya sakin.
"Can you let me go na?!" Inis kong sabi sa kanya.
"Ay confirmed babae nga! Manager!" sigaw ulit ng kung sino.
"f**k, can you please stay still? Im protecting your f*****g image here" inis na reklamo niya pero makulit ako eh. Kinurot ko ung n****e niya dahilan para maging maluag yung yakap niya dahilan para makawala ako.
"Ay jusmeyo anak ka ng tatay mo!" OA na sabi ni kuya pinkish hair.
Nakita ko rin yung mga epic na muka nung iba. Lalo na yung muka nung manager nila.
"Miss Mendoza! May ginawa po ba si Levi na di kanais nais sa inyo?" Tanong naman nung manager.
"Muka ba akong may gagawin na di kanais nais?" seryosong tanong ni levi habang hinihimas yung n****e niyang kinurot ko.
"Oo!" Sabay-sabay nilang sabi.
ᗰᗩᑎᗩᘜᗴᖇ ᑕᗩᒪᒪIᑎᘜ
Agad kong sinagot ang tawag ni manager. Medyo lumayo rin ako kila levi.
"Iris god! Nasa concert ka ng ex mo?!" Nag-aalala netong sabi.
"Napadaan lang kase ako!"
"Stay there! Pupuntahan kanamin kasama yung PA mo!" sabi ni manager. Sa boses palang halata nang galit siya sakin.