bc

MY HUSBAND'S SECRET AFFAIR

book_age18+
621
FOLLOW
8.1K
READ
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

"Hon, mayroon akong sopresa para sayo, kita tayo bukas," sambit ni Alfred. Ang nobyo kong sobrang sweet sa akin. "Kita tayo mall ulit bukas ng tayong dalawa lang. Ngayon na sana."

Habang binabasa ko ang kanyang message ay dinig ko ang maganda niyang boses. Grabe, kahit na ilang years na kaming dalawa ay kinikilig pa rin ako sa tuwing ime message niya ako.

Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi nagbago sa akin si Alfred sa loob ng ilang taon namig pagsasama. Marami mang pinagdaan ang relasyon namin pero naging matatag pa rin kami.

chap-preview
Free preview
ONE
MITCH POV "Hon, mayroon akong sopresa para sayo, kita tayo bukas," sambit ni Alfred. Ang nobyo kong sobrang sweet sa akin. "Kita tayo mall ulit bukas ng tayong dalawa lang. Ngayon na sana." Habang binabasa ko ang kanyang message ay dinig ko ang maganda niyang boses. Grabe, kahit na ilang years na kaming dalawa ay kinikilig pa rin ako sa tuwing ime message niya ako. Ang sarap lang sa pakiramdam na hindi nagbago sa akin si Alfred sa loob ng ilang taon namig pagsasama. Marami mang pinagdaan ang relasyon namin pero naging matatag pa rin kami. Naligo ko at nagbihis. Sinigurado ko na manalamin at maayos akong tingnan para naman kapag nakita niya ako ay ako ulit ang pinaka magandang babae sa kanyang paningin. Yung tipong paparating pa lang ako ay natulala na siya kaagad sa akin. Tapos tatawagin na naman niya akong the next Marian ng Pilipinas. Palagi niya kasi itong binibiro sa akin ito kapag nakikita niya akong paparating. Tingin ko naman ay hindi ito isang pambobola sa akin. Dumating ako sa mall ng eksaktong 3 pm ng hapon. Nakita ko na mayroon siyang cake na binili ay mayroon na siyang mga inorder na pagkain para sa amin. Nang makita niya akong papalapit suot ang aking red dress, kitang kita ko ang spark sa kanyang mga mata. Halatang halata na in love na in love pa rin siya sa akin. Sinundan naman niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako sa harapan niya. At todo pa rin ang kanyang ngiti ng makita ako. "Ang ganda mo talaga Mitch! Kahit ilang beses talaga kitang titigan, hindi nakakasawa ang ganda mo. Ikaw talaga ang susunod na Marian," pagpupuri niya pa sa akin. Hinawi ko naman ang buhok ko sa sinabi niyang ito. Grabe, ako na talaga! "Thanks hon! Sobrang galante mo pa rin talaga tingnan sa corporate attire mo ngayon," pagbabalik ko ng compliment sa kanya. Namutla lang ang boyfriend ko sa sinabi ko. Ganito naman talaga palagi ang reaction niya kapag siya naman ang pupurihin ko. Halatang halata na nahihiya pa rin siya sa akin. "Salamat Hon, kumain muna tayong dalawa. Tapos, tsaka ko na sasabihin sayo ang surprise ko pagkatapos nating kumain." Kumain naman kaming dalawa na may halong kaunting kwentuhan. Ang saya saya lang namin sa mga sandaling ito. And then after that, halos manlaki na lamang ang mga mata ko ng ilabas niya ang isang singsing galing sa kanyang bulsa. Halos mapatakip na lamang ako ng aking bibig. And I feel shaky right now. "Hon, sorry kung hindi na ako makaluhod pero-" "Yes, yes, I will marry you!" pagputol ko sa kanya, hindi ko na siya nagawang patapusin dahil sa sobrang excitement ko. ************************ ************************ *Three days later* Nasa gitna ako ng altar ngayon, ikakasal sa aking long time partner na si Alfred. Three years din ang tinagal ng aming relasyon bago kami magdesisyon na magpakasal. Nagkakilala kami sa isang bar- siya ang manager dito at ako naman ay kasama ang mga work mates ko. Isa akong Accountant. Sa ngayon, nag uumapaw ang saya ko sa wedding na ito na dinaluhan ng mga malalapit naming mga kamag anak. Ginanap ito sa isang church at sosyal pa ang wedding ko dahil mayroong malaking screen kung saan kita ang paglalakad ko sa red carpet. Habang naglalakad ako papalapit sa kanya, kitang kita ko ang pag iyak niya habang nakatingin siya sa akin. Ang sabi nila ay mayroon daw sumpa kapag umiyak ang lalaki sa kasal dahil sa mga artistang naghiwalay kasi umiyak ang lalaki sa wedding. Pero ako, alam ko naman na hindi mangyayari ang bagay na ito sa amin. Sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan naming dalawa, natitiyak kong magsasama kami sa hirap at ginhawa. Matatag ang relasyon namin kaya ayaw kong isipin ang mga negativity na nangyayari sa aming paligid. Ang sarap pagmasdan ng mga tao sa paligid ko habang naglalakad ako. Lahat sila ay nakangiti habang hawak ang kanilang mga cellphone. Kinukuhaan ng video ang paglalakad ko. Nakakasilaw man ang flash ng kanilang mga camera pero nginitian ko lang sila. Lalo na sa bestfriend kong si Bea na dahilan kung bakit nakilala ko si Alfred. Nang makarating na ako sa altar, nagsalita na ang Pari. "Bago ko umpisahan ang pag iisang dibdib ni Mitch at Alfred, gusto ko lang tanungin kung mayroon bang tumutol?" Napatingin ako sa crowd. Although kahit na alam ko naman na walang tututol, iba pa rin talaga ang kaba ko sa mga sandaling ito. Nabalot ng katahimikan ang buong paligid namin pero sa awa ng Diyos ay wala namang nagsalita. It means tuloy na tuloy na ang kasal naming dalawa. Pagkatapos naman naming magsumpaan sa harapan ng maraming tao, naghalikan na kaming dalawa. Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos nito. "I love you, hon!" nakangiting sabi ni Alfred, "Pinapangako ko sayo na hinding hindi kita lolokohin!" Kitang kita ko ang sincerity sa kanyang mga mata nang bitawan niya ang mga salitang ito. "Alam ko naman iyon kahit hindi mo sa akin sabihin Alfred," sagot ko sa kanya. Pagkatapos nito ay nag slice na kami ng cake at nagsubuan sa harapan ng mga bisita namin. At bago matapos ang event na ito, syempre hindi mawawala yung paghahagis ko ng bulaklak sa mga bridesmaid. Sabi ko nga sa sarili ko, sana naman ay si Bea ang makakuha ng bulaklak bilang wala naman akong napapabalitaang naging boyfriend niya ever since. Kaya sana naman ay ikasal na rin siya para talagang friends goal kaming dalawa. Ihinagis ko na ang bulaklak sa likuran ko at pagkatapos ay lumingon ako. Masayang masaya naman ako ng siya ang makakuha ng bulaklak na ihinagis ko. "Naks! Sana next year ikaw na," pagloloko ko sa kanya. "Sinadya mo kasing ihagis banda sa akin kaya ako ang nakasagot," sagot niya, parang na pressure tuloy siyang bigla. Napatingin siyang bigla kay Alfred tapos ngumiti. Parang mayroon itong ibang kahulugan pero hindi ko na lamang pinansin kasi kaibigan ko siya at hinding hindi niya ako magagawang lokohin. Pagkatapos ng kasal naming dalawa ni Alfred, halos isa isa nang nagsisipag alisan ang mga bisita naming dalawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook