EUGENE POV Sumama naman ako sa kanya sa pag langoy. Malakas ang loob ko kasi naka life jacket naman ako kaya hinding hindi ako malulunod. And besides, nandito naman ang pinaka mamahal kong asawa kaya wala akong dapat na ipag alala pa. Grabe, sobrang sarap lamang din sa pakiramdam na makaligo ako sa dagat na ito. Yung literal na nakaka kita rin ako ng mga isda habang nandito ako. Sa katunayan, nakahawak pa ako ng ilang mga isda na kaagad ko rin namang pinakawalan. Sa sobrang sarap ng lamig ng tubig, parang ang sarap nitong inumin. At ang asawa ko naman, pinakitaan niya talaga ako kung gaano siya kagaling sa pagsu swimming kaya napa sana all na lang ako. Nakakatuwa lang kasi it reminds me of how we met each other first. Dati kasi siyang champion sa swimming noong college siya at ito r

