MITCH POV Nang imulat ko ang aking mga mata, ang malamig na simoy nang hangin ang bumungad sa akin. Nasilaw naman ako sa sinag ng araw na tumama sa bintana. Pinilit kong ibinangon ang aking katawan subalit ang sakit sakit. Para akong nagalusan nang hindi ko alam. Pinilit kong alalahanin ang lahat pero ang pangalan ko lamang ang naalala ko. "I am so glad na gising ka na Mitch," sabi ng isang lalaki na may pamilyar na boses. Pinilit kong lumingon at nakita ko ang isang lalaki na may pamilyar na mukha. Subalit hindi ko maalala kung sino ito. "Si... Sino ka...?" nanghihina kong tanong, halos wala na akong boses Tiningnan naman niya ako ng may pagtataka. "Ha? Mitch... anong nangyari sayo..." Napa isip ako. Pinilit kong may maalala subalit wala talagang pumapasok sa isipan ko.

