ELEMENTIA'S POV
I was asleep when I heard a voice. It's like someone's on my window and it was a whisper.
"Gabing' pagtulog
Bangungot na hulog,
Wag magduda
Lahat ng to'y mahalaga."
Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit para bang may pumipilit sa akin na pumikit lang at huwag magmulat.
Ilang beses pa nito inulit ang salitang iyon bago tuluyang umalis. Sa paghihintay kong muling babalik ang tinig na iyon, hindi ko namalayan na nakatulog ako at napunta nanaman sa isang panaginip na hindi ko alam.
Nasa loob ako ng isang gubat? Maliwanag dito at maganda. Parang gubat sa loob ng palasyo at napapangalagaan Ito. Walang mababangis na hayop at mga lantang halaman sa paligid.
Puno ng makukulay na halaman, malalago at naka-disenyong mga baging. Malambot na d**o, mabangong paligid at may mga makukulay na paru-paru sa paligid. Mga huni ng ibon.
Napaka ganda ng paligid.
Lumakad ako sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Nililibot ko ang aking mga mata at hindi ko talaga alam kung saang lugar Ito. Dinala ako ng mga paa ko sa medyo tagong bahagi ng gubat kung saan may nakatagong talon rito. Kumikinang ang tubig at may balsa sa pangpang. May maliit na kubo sa gilid at bukas ang bintana.
Lumapit ako roon at tinignan ang loob. Malinis Ito. May isang lamesa sa gitna at dalawang upuan. Sa gilid ay may isang pinto na sa palagay ko ay kwarto. Walang ano anong binuksan ko iyon at nakita kong may isang malaking kama ang nasa gitna. Kulay puti Ito. May damitan rin sa gilid ng kama at puro puti, lila, asul at iba pang kulay ng mga mahahabang bistida na puro may mga bulaklak na disenyo sa laylayan.
"Halika at kumain rito, Binibini. Sapagkat sa aking palaga'y ikaw ay gutom sa iyong pagtulog" tinig na mula sa aking likuran. Malambing at napakagandang boses babae.
"S-sino ka?" Halos mautal ako. Hindi ako matatakutin at wala akong kinakakatakutan pero kakaiba ang awra na ibinibigay nito.
Nakadamit Ito ng bistidang berde, may koronang bulaklak sa ulo at ilang mga maliliit na bulaklak sa buhok nito. Kulot ang buhok, maputi at medyo matangkad sa akin ng kaunti.
"Feline ang aking ngalan, Binibini. Ang tagapangalaga sa gubat ng Rekomia"
Ngayon ko lamang nalaman na may gubat ng Rekomia sa mundo namin.
"Paano ako napunta rito at saang lugar Ito?"
"Maupo ka muna, Binibini." Idinala niya ako sa kanyang maliit na teresa. "Ang Rekomia ay isang gubat na aking pinapangalagaan, ang lugar na Ito ay hindi kayang pasukin ng mga Mistical dahil sa taglay nitong lakas na kayang pumatay. Ang lugar na Ito ay sa panaginip lamang ngunit ito'y totoo. Ang mga kagaya mong napapadpad sa ganitong lugar ay may mga rason at dahilan. Ang iyo ay hindi ko alam"
"Anong dahilan?"
Ngumiti siya at tumingin sa labas ng bintana.
"Ang Rekomia ay isang gubat kung saan napapadpad ang mga Mistical na may mga katanungan at gustong kumausap sa mga Goddesses, ngunit hindi pa nila nakikita, kanila lamang na maririnig ang boses. Wala pa akong naingkwentrong ordinaryong Mistical na nakapunta rito. Tanging ikaw pa lamang. Matapos ang labing dalawang taon, ngayon pa lamang nagkaroon ng bisita ritong muli at ikaw iyon. Ano ba ang iyong mga katanungan, Binibini?"
Ano nga ba? Meron nga ba?
"Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito. Ipagpaumanhin mo, ako si Elementia. At natulog lamang ako ngunit ako'y napadpad sa lugar mo"
"Elementia, kay' gandang pangalan" matamis siyang ngumiti sa akin.
"Paano ako makakabalik?" Diretsang tanong ko.
"Hindi ko alam Binibini. Dahil ang mga nakakapunta rito ay hindi na kaya pang makabalik sa mundo niyong mga Mistical"
A-ano?
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kapag ikaw ay nakapunta rito at may nalaman kang hindi rapat ay mapupunta ka sa Integrio. Isang tirahan ng mga buhay na kaluluwa. Nakakulong sa isang paraisong lugar. Dahil ang lahat ng malalaman at makikita mo rito sa lugar na Ito ay sagrado. Sa aking pagkakatanda noong ako ay bata pa, wala pang nakakakabalik na Mistical sa mundo niyo mula rito at lahat sila ay nasa Integrio"
"Kung gayon ay matagal ka nang naninirahan rito? Bakit wala kang kasama? At sinasabi mo ba na hindi na ako makakabalik pa?"
"Mag-isa lang ako sa buong lugar na ito, Binibini. Tanging mga hayop at halaman lamang ang aking kasama. Sa loob ng dalawampu't tatlong taon ko ritong nabubuhay ay tanging ang mga napapadpad sa lugar na Ito lamang ang akin pa lang nakakasama. At ang iyong pagbalik, ay parang ganon na nga. Mahihirapan kang makabalik at wala akong alam na sulusyon"
Hindi maaari! Lahat ng bagay ay may sulusyon!
"Kung gayon, Binibining Feline. Salamat sa iyong munting oras ngunit ako'y aalis na" saad ko at tumayo.
Lumabas ako ng kubo at lumabas sa pinasukan kong daan kanina patungo rito.
"Paano nga ba ako makakaalis rito?!" Naiirita na ako!
"Kapag nakausap mo na ang o mga Goddess/es sa iyong mga katanungan ay sila mismo ang magbabalik sa iyo"
Ano ba!!!!!!
Wala nga Kasi akong tanong! Paano ako makauwi? Hindi pa ako nakakatulog!
"Ngunit wala akong nga katanungan, Feline."
Tumingin siya sa aking mga mata na para bang kinikilatis ang loob nito.
"Isang bagay na aking nakalimutang sabihin, Binibini. Magpaparamdam at makakausap mo lamang ang mga Goddess kapag alam nila kung anong pakay mo. Ngunit kahit ako ay hindi malaman kung paano at ano nga ba ang pakay mo kaya ka napadpad parito sa aking lugar. Ngunit------ minsan ay hindi sila sasagot kung alam nilang hindi pa ito ang tamang panahon sa mga katanungan na dapat ay sa huli pa at hindi sa umpisa"
Teka,
"Ibig mo bang sabihin. Hindi ako makakaalis rito kung wala akong pakay na sapat?"
Tumango siya at ngumiti. Masaya pa siya para sa akin?
ARGHHHHHHHHHHH!!!!!!
Halos sabunutan ko ang sarili sa inis
"Alam kong may nais kang itanong Binibini at ang kalahati ng iyong puso ay nababalot ng mga katanungan. Iiwan muna kita rito Binibini kukuha lamang ako ng damit mo, sagrado ang lugar na Ito at ang lahat ng mga napupunta rito ay nagpapalit ng kanilang mga kasuotan. Huwag kang mag-alala kapag ika'y nakabalik na kung ano ang suot mo ng pagkatulog mo ganon pa rin sa paggising mo" ngumiti siya sa akin at saka umalis.
Marahan Ito kung magsalita at napaka Binibini kung kumilos.
Wala akong matandaang mga katanungan na nais kong matuklasan.
Oh meron talaga hindi ko lang matandaan?
Pilit kong inaalala ang mga bagay na nakapaggugulo sa akin nitong mga nakaraang araw ngunit hindi ko maalala. Wala akong maalala
Paano kung magtanong ako patungkol sa kaharian ng Dragonia? Pero hindi pwede! Pero ang sabi ni Feline ay kahit ano. Pwede kaya?
"Ang pagtatanong ay hindi masama. Ang masama ay kapag madilim ang pakay mo, Binibini" napatingin ako sa likod ko ng may marinig akong bumulong sa aking tenga ngunit walang tao rito o kahit manlang anino ni Feline.
Luminga linga pa ako ngunit wala akong nabakasan na kahit ano.
Parang may biglang pumasok sa aking isipan na nagdulot ng saya sa aking katawan. Hindi ko alam kung tama ba itong aking naisip ngunit ngayong naalala ko na ay kailangan itong masagot.
"Ito Binibini. Isuot mo, sa loob ka na lamang magpalit" marahan niyang iniabot sa aking mga nakalatag na palad ang damit at sapatos.
Umalis ako sa harap niya at pumasok sa kwarto niya. Tinanggal ko ang aking damit pati ang aking sapatos. Isinuot ko ang damit na kaniyang ibinigay at mahaba Ito hanggang talampakan. Ang sapatos ay isang simpleng puti lamang na mababa at may tali na ilalagay paikot sa hita na nagsisilbing sarahan.
Nang makita ko ang sarili sa salamin ay hindi ko maiwasang mapatitig rito. Ngayon ko lamang nakita ang sariling magsuot ng ganitong damit.
Pinaghalong asul at puti ito, asul sa laylayan ng damit at puti ang itaas. Ang haba ng manggas nito ay hanggang palapulsuhan, ganoon rin ang kulay nito, pinaghalo. Makikinang na maliliit na bagay ang nakadisenyo sa damit. Simple lamang Ito ngunit napakaganda.
Lumapit ako sa inuupuan ni Feline sa teresa at may dalawang tasa roon at tinapay sa gitna ng maliit na bilog na lamesa.
"Napakaganda mo, Binibini. Isang natural at walang halong kung ano man. Maupo ka" ngiti niya sa akin na hindi ko pinansin ang mga unang sinabi.
"Mayroon na akong katanungan na nais kong matuklasan" sumimsim siya sa kanyang tasa at dahan dahan itong ibinaba.
"Maaari bang malaman kung ano Ito?"
"Maaari bang masagot ang tanong kung tungkol Ito sa kabaligtaran ng kulay puti, sa kabaligtaran ng salitang mabuti, sa kabaligtaran ng mundo natin?"
Ngumiti siya at parang walang masabi. "Hindi ako ang makakasagot riyan sa iyong mga katanungan. Katulad ng sinabi ko kanina, Binibini. Ang mga katanungan ay hindi lahat nabibigyan ng kasagutan, ang iba ay dapat sa huli pa at hindi sa umpisa"
Makahulugan ngunit makabuluhan. Isa lamang ang gusto niyang sabihin------
"Ngunit bakit hindi mo subukan? Wala namang mawawala, at iyong mga katanunga'y maiipon lamang, dadating ang panahon lahat ng Ito ay lalabas din sa pinagtataguan"
"Ano?" Ngunit umiling lamang Ito sa sinabi ko.
"Papaano ko makakausap ang mga Goddess?"
"Pumikit ka at ilagay ang iyong dalawang kamay ng magkapatong sa iyong dibdib. Isipin mo ang mga katanungang nais mong masagot at sila mismo ang sasagot nito"
Katulad ng sinabi niya ay ginawa ko Ito sa harap niya. Hindi ba siya aalis?
"Huwag kang magalala dahil wala akong malalaman sa magiging paguusap ninyo ng Goddess" sabi niya.
Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Inisip ko ang mga tanong na minsan ko nang hinanap ang mga sagot.
'Bakit mayroong aklat na misteryoso sa kaharian ng kadiliman?'
'Saan Ito nagmula?'
'Gusto kong masagot ang aking mga katanungan'
'Ano ang malaking kalansay na nasa kaharian ng kadiliman?'
'Bakit nakatago ang aklat na Ito?'
'Sino si Princesia na may ari ng singsing?'
"Binibini"
Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng isang mahinhin na boses. Isang tinig ng babae.
"Binibini"
Napalinga ako at sinusubukang hanapin ito.
"Sino ka?" Ngunit walang sumasagot.
"Nasaan ka?" Paguulit ko ngunit para lamang akong kumakausap sa sarili ko.
Napansin kong nasa ibang lugar ako. Isa lamang itong puting kuwarto at tanging mga lampara lamang na nakasabit sa itaas ang mayroon na siyang nagsisilbing ilaw.
"Ang iyong mga tanong ay parang bugtong. Kailangan mo muna itong pagisipan. Intindihin ang bawat salita, at ikaw lang rin ang makakahanap sa nawawalang kasagutan sa iyong mga tanong na matagal nang gustong masagutan" huling bagay na narinig ko mula sa kaniya. Hindi ko man lang Ito nakita at magawang makapagtanong muli ngunit muli akong napamulat.
Narito na agad ako sa harap ni Feline.
"Hindi ko man alam ang inyong napagusapan ngunit alam kong ika'y may napakinggan."
"Ngunit hindi naman nasagot ang aking mga katanungan"
"Hindi siya o sila kakausap sayo kung walang sapat na dahilan"
"Makakabalik na ba ako?"
Napatingin siya sa akin direkta sa mata at saka marahang tumango ng may ngiti sa labi.
"Paano?" Imbis na sagutin ako nito ay lumapit siya sa akin at tinakpan ng dalawa nitong kamay ang aking mata. Ramdam kong lumapit siya sa aking taenga.
"Pagtulog ng mahimbing,
Nagising sa panaginip ng lagim.
Matulog muli at damdamin,
Sarap na nadarama bago gumising"
T-teka--------------------
AYISHA'S POV
"Guro. Maaari bang magtanong? Nasaan ang kwarto ni Whitley----- Elementia?" Pagkakalabit ko sa Guro na naglalakad sa harapan ko. Hindi ko siya kilala at wala pa naman talaga akong kilala rito.
"Ikaw si Ayisha hindi ba? Ang tahanan na malapit sa bahay mo. Naroon si Binibining Elementia" ngumiti siya bago umalis at nagpasalamat ako.
Ahh iyon pa lang malaking bahay doon, napakaganda kaso mahirap maka pasok at nakakatakot.
Malapit na ako sa bahay ni Elementia at tanaw ko na Ito. Dahil nakita ko na ang bahay niya ay maaari na akong magteleport. Hindi ka makakapag teleport kung hindi mo alam kung saan at ano ang itsura ng lugar.
"Arghh!!!" Naiinis na tumingin ako sa bahay niya. Hindi ko magamit ang teleportation ko!
Masyadong protektado ang lugar niya.
Sinubukan ko ulit at binigyang konsentrasyon. Pumikit ako at inisip ang harap ng bahay niya kung saan ang kanyang pinto.
At Ito na ako!
Umayos ako ng tayo at kakatok na sana sa pinto niya-----
"Anong ginagawa mo dito? Wala bang nakapag-sabi sayo na bawal ang sinuman na pumunta rito sa bahay ko ng wala ang aking pahintulot?"
Malamig ang kanyang mga matang nakatingin sa akin.
"W-walang nagsabi sa akin. Itinanong ko lang kung saan ang bahay mo at itinuro Ito sa akin ng Guro, meumro."
Lumabas siya ng walang sinasabi at nilagpasan lamang ako tangan tangan ang isang maliit na aklat.
"Saan ka pupunta, meumro?" Malapad na ngiti ko habang sinasabayan ang bilis ng kanyang lakad.
"Wala"
"Ano yang bitbit mo, meumro?"
"Aklat"
"Para saan?"
"Sa utak"
"Anong aklat yan? Maganda ba, meumro?" Huminto siya at tumingin sa akin ng masama.
"Huwag mo akong tawaging meumro kung ayaw mong alipin ang itawag ko sa iyo"
Nakanganga akong nakatingin sa kanya.
"Elementia na lang pala"
"Wala ka bang galang? Binibining Elementia ang aking ngalan" saka niya ako tinalikuran at muling naglakad.
Grabe, para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ganyan ba talaga yan? Parang may galit sa lahat.
Pupunta na lamang ako sa hapag, nagugutom na rin ako at hindi pa kumakain ng umagahan. Bahala siya basta kakain ako!
Iniisip ko pa lamang ang aking mga kakainin ay lalo akong nagugutom.
'Balang araw iyong maiintindihan at malalaman. Huwag kang magugulat sapagkat ika'y maguguluhan.'
ELEMENTIA'S POV
Binuklat ko ang librong hawak ko ng maupo ako sa pinakasulok na bahagi ng silid aklatan. Walang ibang tao ang narito dahil wala naman talagang ibang pumupunta dito.
Itong aklat na Ito ay iyong nakuha ko noong nakaraang araw na sabay na paglusob ng higante.
Katulad noong una ay wala pa ring laman na mga salita o maski isang letra o tuldok man lang sa mga pahina. Sa hindi inaasahan ay pumasok sa isip ko ang nangyari noong nakaraan. Gumawa ako ng wind blade na maliit at sinugatan ang hintuturo kong daliri.
Ipinatak ko sa pahina ang dugo ng tatlong beses.
"Hunyo 7, 1969,
Ang pagsiklab ng labanan sa pagitan ng dalawang makapangyarihan. Ang isa'y sakim sa kapangyarihan, ang Isa ay gusto puro kasamaan ang umiral. Ang punong Heneral ng mga kawal ay walang inaniban sa dalawa sapagkat alam nitong ganid sila sa kapangyarihan. Labis na nagalit ang Isa sa pagtataksil ng pinakamagaling na kawal sa lahat sapagkat ito'y may daig na lakas at kakayahang makipaglaban sa lahat kaya't labis ang galit ng sakim na Hari. Ayaw ng Hari ng pantay pantay na yaman at kapangyarihan. Gusto nitong siya lamang ang tinitingala ng lahat ng mamamayan. Kahit ang dugong bughaw ay tinanggalan niya ng yaman, maging mataas lang ang tingin ng lahat sa kanya. Kapangyarihang kanyang taglay ay nakaw lamang. Noon ay para Ito sa kabutihan ngunit ito'y ginamit niya sa kasamaan laban sa sariling Diyos. Wala siyang tinitingala sapagkat ang lahat ang tumitingala sa kanya. Hindi bilang paggalang kundi para mabuhay pa at makakain, lahat ay kanilang gagawin. Ang konseho ng mahika ay walang magawa na pati sila ay isang kahid isang tuka ngunit hindi bunga ng pagtatrabaho ang kanilang kinakain. Bunga Ito ng p**********p sa kanila at pagluhod ng labag sa kanilang kalooban. Nagmamakaawa na sila'y painumin at bigyan ng kahit kakaramput at tira-tirang pagkain na kahit ang hayop ay hindi maatim na kainin."
Sino nga ba ang masama? Sino sa dalawa ang itim at puti? Matukoy mo kaya?"
Hindi ko pa man naiilipat ang susunod na pahina ay kusa na itong bumuklat sa susunod pa. Ang tanging ginagawa ko lamang ay basahin ang mga nakasulat.
"Disyembre 15, 1973,
Ang lahat ay nagkakagulo. Puro usok, maparoon ka man o dito. Mga bahay ay nasusunog. Mga mamamayan sa bayan ay hindi na alam ang gagawin at labis na pagkalito ang kanilang nadadarama. Lahat ay umiiyak ang iba ay hagkan hagkan ang mga nasawing kamag anak. Oo, nasa lugar sila na kung saan may mahika. Oo, posibleng may magawa pa sila lalo na may kapangyarihan sila. Pero bakit hindi nila mapagaling ang isa't Isa kung may kakayahan naman silang magpagaling? Bakit hindi nila maapula ang apoy kung may kapangyarihan naman silang tubig? Lahat ay sira. Parang inabandonang tahanan noon pa. Ang dating masiglang bayan, ngayon ay para nang tirahan ng kadiliman. Lahat ay nawalan ng kapangyarihan. Lahat. Lahat. Lahat sila. Silang lahat. At Isa lang ang gumawa nito. Ang sakim at ganid na Hari. Ang Hari na puro kapangyarihan ang gusto. Walang pakealam sa kanyang nasasakupan. Sarili ang unang iniintindi. Marami ang galit, pero walang magawa. Marami ang gustong maghiganti, pero hindi kaya. Hindi sila galit sa kalaban, kundi sa kanilang Hari. 'Walang kwenta'."
"Marso 8, 1974,
Ang Bayan ay tila walang laman. Walang mga paninda at tindahan. Walang mga tao na mistulang kulog sa lakas ang mga bunganga. Walang mga bata sa daan na masayang tumatakbo. Wala. Wala ang lahat. Wala ang noon. Iba na ang ngayon. Lahat nang natira ay maniningil. Oras na. Nakapaghanda na sila. Ngunit------ hinanda na din ba nila ang kanilang mga buhay? Kapalit ng paghihiganti. Hukay ay tila kumakaway. Pawang mga bata kung sumugod. Bitbit ang tanging tigiisang armas. Wala silang kapangyarihan. Kinuha ng ganid. Wala silang yaman, kinuha ng sakim. Pati pamilya ay nawala. Ngayon, sila naman ang sisingil. Muling dumanak ang dugo. Ni hindi man lang nila Ito nahawakan o nagalusan. Namatay sila. Lahat, lahat. Walang itinira."
Alin man sa aking nabasa ay walang nabanggit sa libro ng historya sa akademya.
"Agosto 23, 1989,
Ang propesiya ay sumiklab. Mula ng mamatay ang ganid at sakim. 'Batang babae, iiiri. Ipapanganak at mabubuhay. Hihirangin na pinakamalakas. Bukod tangi. Ngunit, may pagpapanggap. Kilala siya, ng lahat. Ngunit isang kasalanan ang magagawa. Huwag hayaan. i***********l na pagmamahal ay pigilan.' Sagradong kakahuyan, may sikretong nalalaman. Ano Ito? Saan Ito?----------"
"Binibini, kanina ka pa namin hinahanap. Ano ba't nariyan ka? Hindi ka ba sasama?" Dali dali kong isinara ang aklat at agad na ipinasok sa aking roba.
"Pasensya, saan ba ang lakad natin, Ronan?" Dalawa lamang sila ni Tatum ang narito.
"Sa bayan ng Aheydi, Binibini. Bibili tayo ng regalo para sa bukas na gaganapin. Isang biglaang ebhento para sa buong akademya kasama ang mga Reyna't Hari." Paliwanag niya. Inaya niya na akong lumabas at nadatnan namin ang Xientor sa labas ng silid aklatan. Lahat sila ay nagbabangayan at pinagtitinginan ng mga lumalabas at pumapasok sa silid.
(A/N: ebhento ang tawag ng event sa kanila)
"Binibini, magteleport na lamang tayo!" Halatang gustong gusto at hindi na mapakaling lumabas muli si Wila. Tumango ako bilang pag sangayon at kumapit silang lahat sa akin. Ipinikit ko ang mata at inisip ang pinakamalaking tindahan at kilala bilang sa magagandang produkto nito.
"Ang lahat ay pinahintulutan na lumabas ng akademya upang bumili ng Kani kanilang mga gagamitin."
Wala naman akong tinatanong pero sinagot na ni Leydi ang tanong ko sa aking isip nang mapansin niyang tinitignan ko ang ilang mga estudyante ng Sorcerers Academy na narito rin. Pansin ko rin may mga ilang naka uniporme pang ibang mistical na mula sa ibang paaralan.
"Pati ang dalawang akademya ay inanyayahan para sa ebhento" sagot naman ni Tatum.
"Kayong mga lalaki na lamang ang bumili ng regalo. Kaming babae naman ang mga bibili ng kasuotan para bukas." Tumalikod na ako sa kanila. Nakasunod sila Eartha sa akin at sabay sabay na pumasok sa isang kilala at matagal na naming pinagbibilihan na mga damit rito sa bayan.
Ang "Cornelia. Matagal tagal na rin mula ng huling pasok natin rito" tila inaamoy amoy ni Wila ang mabango at amoy bagong mga damit pagpasok pa lang.
"Magandang umaga, mga Mahal na Prinsesa, at mga Binibini." Pagbati sa amin ng babaeng nakaabang sa b****a ng pintuan.
'Isang baguhan'
"Nais naming bumili ng mga damit pangbabae at panglalaki. Iyong hindi gaanong magarbo ngunit maganda, para sa ebhento" natalima ang babae at agad kaming inaya sa kaliwang parte.
Mga damit pang lalaki.
"Anong kulay at disensyo ang inyong nais, Binibini?"
"Eartha, ikaw ang hahanap sa damit ni Bay. Wila, ikaw na ang kay Arden. Leydi ikaw nang bahala sa damit ni River at Jiel ikaw na kay Zabi. Ako na kay Ronan at Tatum." Tumango sila at nagsimulang maghanap.
"Nais ko ang kulay itim na asul at kulay puting pangloob lamang. Pantalon at pang taas na hanggang palapulsuhan. Iyong may butones. At kintaryang kulay itim, dalawa."
(A/N: kintrarya ay necktie sa kanila)
"Hindi ba kayo bibili ng roba, Binibini?" Mapagtanong nitong ani.
"Kami'y may mga roba na. Hindi na kailangan" tumango Ito at kinuha ang mga damit.
"Binibini, nakapagbayad na rin iyong mga kasama mo. Ibabalot ka narin ito, sila narin ang bumayad sa mga Ito" isang tango lamang ang aking isinagot at saka niya ako tinalikuran at bumalik ng kasama sila Jiel na kasama ang mga pinili.
"Iiiwan muna namin rito itong mga Ito kung maaari. Kami'y pipili pa ng damit pangbabae" ani ni Leydi at iniwan ang mga damit sa pagiwanan ng mga gamit. Nagtungo kami sa kanang bahagi.
Ang gaganda at malalaki ang mga damit. Sa disensyong simple pa lamang nito ay mapapansin na ang kagandahan at kayamanan. Naghiwa-hiwalay kaming lahat at nagkanya kanya sa pagpili.
Panay lamang ang aking haplos at tingin sa mga damit. Hindi ko hilig ang kulay pula. Lalo na ang makinang na kulay ng dilaw.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad habang humahampas ang aking kamay sa mga damit ng mahinto ako sa kulay puting damit. Hindi Ito sobrang puti. May pagka madumihin ang kulay nito. May nakita na akong ganitong istilo sa mundo ng mga mortal. Kung hindi ako nagkakamali ay mga historical dresses ang tawag nila sa ganitong damit. Hindi gaanong malobo. May halong ginto ang mga gilid gilid ng damit.
"Binibini, maganda ang iyong napili" sumulpot si Jiel sa aking harap kasama ang isang babae na bitbit ang kanyang napiling damit. Kulay asul Ito at hindi makinang ang kulay. Sobrang tinis o light lang nito.
"Pakikuha na rin Ito. Ako na ang mag babayad ng dalawa" saad ko sa babaeng kasama niya na tinanguan ako. Binitbit niya rin Ito at sumunod kami sa kanya.
"Labing isang daang libong ginto para sa dalawang damit, Binibini." Ani niya at inabutan ko. Kinuha ko ang mga Ito at ibinigay kay Jiel ang kanya.
"Kompleto na ba ang lahat?" Tanong ko ng makita sila na nagaabang sa may pinto kasama ang mga lalaki.
"Oo Binibini. Tapos na kami at nakabili na rin ng lahat ng kailangan." Saad ni Eartha.
"Sinong bumili ng damit ko? Bakit itim at puti lamang Ito at walang disenyo ng ginto? Baka hindi ito bumagay sa roba!" Ipinapadyak padyak pa ni Arden ang kanyang paa na pinagtitinginan ng iilan.
"Maganda iyang napili ko. Babagay naman iyang kulay itim mong suot sa roba. May mga linyang puti naman iyan" binatukan pa Ito ni Wila. Natatawa tawang umalis kami doon at bumalik sa akademya.
Dahil sa pagbabangayan ng dalawa ay mas lalo pa kaming nakahakot ng atensyon ng mga estudyante. Narito Kasi kami sa hapag at kumakain na ng pananghalian. Ang mga pinamili ay inilagay na sa kani kanilang dormitoryo.
"Eh kung may ginto iyon ay talagang magpapasalamat pa ako!"
"Sinabi nang maganda naman iyan ah!"
"Zabi, anong kulay at disenyo ng iyo?" Niyugyog-yugyog pa ni Arden ang kamay nitong papasubo na.
"Kulay abo Ito at may gintong disenyo" malapad ang ngiti at halatang ipinagmamalaki ang napiling damit ni Jiel.
"T-talaga?" Halos maiyak Ito sa inggit. "P-palit tayo. Pangako, ibibigay ko sa iyo ang sapatos ko na matagal mo nang gusto"
"HAHAHHAHAHAHAHAHA" hagalpak at hawak nito ang tyan. "Pasensya na Arden ngunit binilihan ako ng aking Ina ng sapatos na mas maganda pa riyan sa iyo. At hindi ko na iyon gusto dahil ang binili ni Ina ang aking gagamitin bukas. Sigurado akong hindi lang roba ang babagay sa damit ko, pati ang sapatos"
Hindi mapagkakailang gusto na nitong gamitin iyon.
"Alam mo, kung ayaw mo ng binili ko huwag mong gamitin. Ipamimigay ko na lamang sa iba" padabog na umalis si Wila sa hapag. Lahat ay gulat na nakatingin sa kanyang likurang papalabas na.
Kahit ako ay nagulat sa kanyang inakto. Ito ang unang beses na umakto siya ng ganon. Para bang naiinis siya at nasasaktan. Si Wila ay hindi pa naging bastos sa amin lalo na sa harap ng hapag kainan.
"Arden, tama si Wila. Alam natin ngayon na nasasaktan siya dahil sa inaasal mo. Alam mo ba na iyang kasuotan mo ang pinaka limitado at mamahaling damit sa buong Bayan. Nakipag agawan pa siya sa babaeng hindi namin kilala. Para makuha niya ang damit ay nagpataasan pa sila ng presyo at dalawang daang libong ginto ang ibinayad niya riyan dahil nga limitado lamang iyang damit. Ang tela niyan ay mahirap hanapin at mula pa sa lungsod ng Grota. Mahirap hanapin. Hindi mo alam na mas mahal pa ang iyo kaysa sa kanya na halagang isang daan at dalawampung libong ginto lamang. Mas mahaba ang oras na kanyang iginugol sa paghahanap ng damit mo na sa palagay niya ay iyong magugustuhan. Siya pa ang naunang nagbayad nyan at inilibre pa ang damit ng iba. Tapos ay ipinagmamayabang niya Ito sa amin kanina pa." Mahabang litanya ni Leydi. Oo minsan lang siya magsalita pero kung alam niyang may sumosobra na sa mga ganitong sitwasyon ay magsasalita siya.
Tama siya. Kanina mula ng makabili kami ng damit ng mga lalaki ay ipinakita niya pa Ito sa amin ng taas noo at may malawak na ngiti. Hindi pa nga Ito nakakahanap ng damit niya kanina ay gusto niya na kaming lumabas at hanapin ang mga lalaki para ibigay kay Arden ang damit. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang inasal niya kanina. Kung ako siguro ang nasa posisyon niya------
"P-pasensya na. Alam niyo naman na kada taon na pagbisita ng mga Hari at Reyna rito ay ganon ang kulay at disenyo ng damit ko." Nakayuko niyang sabi.
"Huwag ka sa amin humingi ng pasensya dahil hindi kami ang iyong nasaktan" diretsong tingin ko sa kanya na agad tumayo at mabilis na naglakad papalabas.
Iyan ang dapat. Sundan mo siya at humingi ka ng patawad. Ang mga babae ay hindi sinasaktan. Masyado mo siyang nasaktan sa mga simpleng salita mo, Arden.
"Binibining Elementia, iyong akin------"
"Gusto mo isaksak ko din yang damit mo sa ngala-ngala mo? Huwag mo akong artehan, Tatum at baka sumabog yang mukha mo" inis kong saad at halata naman ang pagkagulat niya sa sinabi ko.
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin! Makinig ka kasi! Itatanong ko lang naman kung paano mo nalaman na paborito ko ang puti at ang disenyo niyon!"
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Basta ay dinampot ko iyon"
"Ang sama mo! Hindi mo man lang ba naisip kung babagay iyon sa akin?!"
"Alam kong bagay iyon sa iyo dahil nakita ko naman ang itsura ng damit at mukhang babagay sa iyo"
Umalis kami nina Jiel, Leydi at Eartha sa hapag, iniwan ang mga lalaking akala mo ay babae kung makareklamo sa mga isusuot.
Kaasar!
"Saan tayo pupunta?"
"Babalik tayo sa Bayan, magtitingin ng mga gamit na magandang bilhin" suhestyon ni Jiel na nagungunang maglakad.
"Paano si Wila?"
"Eartha" huminga ako ng malalim. "Hayaan na muna natin siyang mapag-isa. Isa pa, hindi mo rin siya mayayaya. Tatanggi lang iyon. Bayaan mo muna siyang magpalamig"
Naglalakad kami palabas ng akademya at sumakay sa nakaparadang kalesa. Marami ang lumalabas at iilan ang bumabalik. Paniguradong nagliliwaliw nanaman ang lahat sa labas ng akademya. Minsan lamang kaming makalabas, kadalasan ay puro tungkol sa misyon kaya kami nakakalabas.
"Sa Aheydi"
(A/N: CHAPTER 14 IS STILL ON-GOING)