THIRD PERSON'S POV
"Wika ng sariling bunganga,
Bigkas ng sariling salita.
Puso'y wag pairalin,
Husgado ang siyang kausapin.
Halimaw na labis ang laki,
Mamahalin mo sa anyong lalaki.
Ika'y labis na magtitiwala,
At mapapaniwala.
Kung ang bata'y umiiyak,
At ang mga matanda ay nagmamaka-awa.
Ano pa kaya ang lalaking may pusong bato,
Pero malambot Ito ng tignan mo.
Batang suwail, batang suwail,
Ako'y iyong sundin para bukas mo'y walang labis.
Ako'y pakinggan sapagkat tama ang aking hagkan-hagkan,
Wag magalala dahil hindi mapagkakamalan, Isang suwail na batang inire ng babaeng matabil."
TATUM'S POV
Grabe!
Grabe talaga!
Sobra!
Tsk!
"Pang ilang sandok mo na iyan ng pagkain, Elementia?" Tanong ni Bay sa kanya. Nandito kaminng Xientor sa hardin. Kakapagawa lamang ito ng Punong Ministro para sa amin lamang na Xientor. May maliit na dalawang Kubo rito. Sa kanan ang mga babae at sa kaliwa kaming mga lalaki. Lahat kami ay may tigiisang higaan sa loob.
"Hindi siya kumain nang gulay sa buong isang linggo. Kaya para siyang hayok sa pagkain."
"Ano ka ba Zabi, tigilan mo nga pangaasar kay Elementia! Kanina mo pa siya iniinis!"
"Bakit mukang mas naaasar ka kesa sa kanya? Ikaw ba siya ha? Ha?"
"Sinabi ko bang naaasar ako? Ha?"
"Oh eh! Anong pakealam mo kung asarin ko man siya? Eartha-sungitera!"
"Huh! Inaalala ko lang naman kasi ang kapakanan ng lahat! Pag naasar sayo yan posibleng sunugin tayo ng buhay! O kaya lagutan ng hininga! Oh diba? Hindi mo magagawan ng paraan yang mga yan kapag nangyari na!"
"Sige! Ipaglaban mo! Wala akong pake!" Kumuha ng tubig si Eartha sa isang galon at ibinuhos lahat kay Zabi. Sa gulat nito ay napatayo Ito saka natulak si Eartha na dumagan kau Elementia na tahimik na kumakain.
Patay!
"AALIS NA AKO!" Sabay sabay na sabi naming lahat. Patay na talaga!
"MAY GAGAWIN AKO! HEHE" ano? Sabay sabay nanaman kami.
Bago ko po maihakbang ang aking mga paa paalis ay agad niyang hinarangan ang pinto sa hardin ng fire knot and hawakan ng pintong kahoy.
Aishhh!!! Kasalanan to ni Zabi!
"No one. Will going anywhere. Stay. Where you are." Malalim niyang saad.
"E-elementia"
"Pwede ba Zabi! Manahimik ka na lang!" Bulong ni Ronan sa kanya. Pero kahit bulong ay hindi nakatakas sa pandinig ni Elementia.
Patay talaga!
JIEL'S POV
"Ayan pa walisin niyo!"
"Dali!!!!"
"Ang bagal!"
"Wala na bang ibibilis yang mga kilos niyo?"
"Ano ba kayo? Pagong?"
"Daig niyo pa yung matandang may rayuma!"
"Pistelan! Ang bagal!"
"Lahat yan!"
"Ayun pa sa sulok dun!"
"Meron pa sa gilid"
"Ayun oh maliit"
"Teka Teka! Ayun!"
"Ito pa oh!"
"Ano ba kayo bulag?"
"Linisin niyo lahat lahat!"
"Paki dalian!"
"Ano ba!"
"Tsk!"
"Pagtapos niyo dyan linisin niyo yung sanga sanga nitong puno"
"Tapos pagpagan niyo yung mga gamit ko"
"Linisin niyo rin yung upuan"
"Pati yung lamesa"
"Pakitapon yung mga kalat"
"Eto pa isama niyo"
"Teka teka di ganyan!"
"Dahan dahan!"
"Hayy nako!"
Naririndi na ako. Kanina pa bunganga ng bunganga si Elementia sa aming lahat. Wala naman kaming magagawa dahil sa parusa Ito kay Eartha at Zabi na dinamay kami.
Utos dito, utos doon. Kapag di ka sumunod at mali ang ginagawa mo kutos ka.
Tsk!
"Elementia. Malapit na matapos ang oras ng pahinga. Hindi pa ba kami matatapos dito?"
Ako yan. Ako na ang naglakas loob na magsalita. Psh!
"Hanggat hindi niyo naaayos at natatapos ang mga trabaho niyo! Hindi pa!" Sigaw niya. Kinuha niya ang kanyang aklat at saka lumabas pero may pahabol pa!
"I have eye's. So finish that. Tho, if you don't want. Just say it.-------------" naputol ang kanyang pagsasalita sa sigawan nang lahat nang "Yes!" Pero agad ring nabawi ang katahimikan ng marinig ang huling pangungusap.
"And your access to the Xientor's properties will be cut. As well. That's all everyone. Choose." At umalis na siya ng tuluyan.
Halos manlumo ako ng marinig ang mga katagang iyon sa kaniya.
"Tsk!"
ELEMENTIA'S POV
I was walking alone at the corridor of the east wing. There's no one in here except me. Ano kayang meron?
"Hmmmmmm"
Mabilis akong napalingon sa aking likuran ng marinig ang tinig na iyon. Tinig ng isang babae.
Ngunit wala akong nakita kahit isa. I can't even feel her presence. I just heard her voice. It's like a wind. Weird. Ngayon lang mangyari sa akin Ito. Yung hindi maramdaman ang presensya ng isang mistical.
"May hinahanap ka ba, Binibini?"
"Wala naman, Ginoo." Anas ko at muling nagpatuloy sa paglalakad ngunit sumusunod pala Itong tatlong lalaki sa akin.
"Maaari ba Ginoo? Lubayan niyo ako"
"Hindi ka ba nasisiyahan Binibini na sinasamahan ka pa namin?" Mapang uyam na saad ni Braun.
"Dapat ba akong magpasalamat Ginoo?"
"Nararapat, Binibini" nakangising sabi ni Shimon.
Psh!
Imbes na pansinin sila at makipagtalo ay nagdire-diretso na lang ako paalis. Walang saysay ang pakikipag sagutan sa tatlong yon.
"BINIBINI! HINTAYIN MO KAMI!" Pagkasigaw pa lamang ni Shimon ay hindi na ako nagdalawang isip pang mag teleport sa aming silid.
"Hayyy! Napaka sarap sa pandinig na tahimik ang buong silid" ngiti ko sa sarili. Prente akong umupo sa tabi ng bintana.
Kitang kita ko ang lawak ng buong akademya. Ang mga estudyante ay mistulang langgam dahil sa liit ng mga Ito sa aking paningin. Dito kasi ang aming silid sa tore. Nakahiwalay sa lahat ng mga silid. Isa sa mga pinakamataas na gusali Ito sa buong Mist World.
Wala na akong maisip at magawa. Naiinip na ako sa kabagalan ng mga kasama ko! Psh!
"Shhhh! Pwede ba! Manahimik ka baka marinig ka nanaman niya!"
"Pwede rin ba! Wag mokong pagsabihan! Hindi sa lahat ng bagay nasusunod ka!"
"Tigil tigilan moko kung ayaw mong sumabog yang mukha mo!"
"Aasahan ko yan! Gawin mo!"
"HINDI BA KAYO MANANAHIMIK? KANINA PA KAYO AH! PAGSAMAHIN KO KAYA KAYO?" Lahat sila ay impit ang tawanan, bulungan, at sigawan.
Syempre natatakot sila sakin baka may ipagawa nanaman ako sa kanila! HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHA!!!
"I just read your mind"
"I don't care. I made you read it. Don't you want to be informed?" Saad ko ng pabalang kay Arden. Yeah! Siya yung kausap ko through telepathy. It's his ability.
"Why are you so quiet Arden? Natatae ka ba?" Binatukan siya ng malakas ni Wila na siyang ikinadapa niya sa sahig dahil sa pagkalutang. Psh!
"A-aray ko ha! Mapanakit!"
"Oh? Nasaktan ka pala."
"Hindi ba halata? Ikaw kaya dapain ko!"
"Tumigil kayo. Umupo na kayo at manahimik" suway ni Ronan sa kanila. Nagsisunuran naman ang mga Ito sa kaniya at tahimik na nakatingin lamang sa harapan habang hinihintay ang guro.
"Ano nga pala ang pagaaralan natin ngayon?" Tanong ko sa kanila.
"Tungkol sa mortal world" ani ni Leydi.
Okay?............... Walang gustong magsalita sa kanilang lahat. As in! Wala talaga! Nakatitig lang silang lahat sa harap!
Anong nangyari sa mga Ito?
"Hoy!" Sigaw ko sabay hampas sa lamesa na ikinagulat ng mga ito, syempre maliban kay Jiel, Leydi, Tatum at Ronan. Halatang sanay na sa akin.
"B-bakit Binibini?" Uutal utal na saad ni River. Pfft!
"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
Teka! Teka! Hindi ko mapigilan. Ang sakit na ng tyan ko! Teka!
"Uhmm?"
"Shut up, Wila!"
"Shut up ka din Arden!"
"Anybody smell fart?"
"Yuck! Nagsalita lang Bay umamoy na!"
"Hey! Nagtatanong ako hindi nagpapalusot okay?"
"Whatever you say so. I don't trust your smell. I know it was you!"
"Could you please stop blaming me? Because I'm not!"
"Scammer! I already heard that from you yesterday pero ikaw pala ang umutot! Diba masakit tyan mo kanina pa? I have proof!"
"Show it then!"
"This!!!"
"BURTTTTT~~~"
What??
Sino yon? Ang baho! Aishh!! Ang sakit sa dibdib!
"YUCK!!! SINO YON?" Malakas na sigaw ko.
"That's what you did earlier to me, that's my proof, Bay!"
"What the, Zabi? Umutot ka! Ang baho!" Reklamo ko. Ang loko nakangisi pa!
"Proweba yun!"
"Ikaw! Kayong dalawa! Humanda kayo!" We all shouted and ran to them but they ran faster than we are.
"HABULIN SILA!!"
"KATAYIN SILA!!!"
"WAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw nilang dalawa.
Gumawa ako ng isang malaking air ball na kasya silang dalawa. Lumapit ako ng kaunti at ibinato sa kanila ito. Tatakbo na sana sila pero huli na dahil nasa loob na sila ng bola. Lumapit si Arden at River sa magkabilang gilid ng lobo kasama si Wila sa harap. Itinapat nila yung pwet nila sa maliit na butas na ginawa ko saka pilit na umutot ng sobrang lakas saka tawang tawang bumalik sa amin. Halos hindi na sila makapag lakad sa ginawa nila sa dalawa.
Yung dalawa naman sa loob ay halos umiyak na at magmakaawa na makalabas. Kahit anong suntok, sipa at hampas nila sa bola ay hindi sila makalabas.
Pfft!
"Ano? Mabaho?" Lumapit si Tatum sa dalawa na natatawa habang niloloko.
Halata naman, tinanong pa! Psh!
"Magandang araw, mga Binibini at Ginoo."
Lahat kami ay napalingon sa nagsalita sa aming likuran.
"Ginoo" pagbati namin. Lumapit Ito sa amin ng bahagya at saka pinutok ang bola nila Zabi. Arghhhhh kaasar!
"Umupo kayo"
Si gurong Emiryoz ang bukod tanging guro na masungit kung magsalita, masungit kung tumingin at umakto, pero may mabuting puso.
He teaches us a lot.
"Guro. Anong pagaaralan natin?" Tanong ni Ronan.
"Paggawa ng pagkain."
"ANO???" Kilala niyo na siguro kung sino yang mga yan. Syempre si Zabi, Wila, Arden, Bay at River. Psh! Ano pa bang bago eh lahat naman sila mabunganga.
"Guro naman. Hindi na dapat iyan pinag-aaralan dahil alam na namin magluto, Guro. Isa pa, hindi ba't dapat tungkol sa mga mortal ang aralin?" Ani Wila.
"Oo, mundo at buhay ng mga mortal dapat ngunit maaari nating pagaralan iyan kapag naisagawa na natin itong bago. Ngayon, ang pagkaing Ito ay hindi lamang Ito pagkain. Paano kung gumawa tayo ng isang pagkaing simple, ngunit may kakaiba?"
Kakaiba? What does he mean? Wait. I think I got it!
"Pagkaing may lason"
Lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Oh?" Umirap lang silang lahat sa akin. Bakit masama na ba ang magtanong? Isang simpleng oh! lang. Psh!
"Guro, hindi ba't delikado iyon? Pano na lamang kung naisama iyon sa mga pagkaing walang lason?"
"Alam ko ang iniisip mo Ronan. Tama ka naman. Gusto ko ang mapaguusapan natin rito sa loob ay mananatiling dito lamang. Walang ilalabas kahit na tuldok."
Ha?
Naguguluhan ako. Bakit hindi pwede? Ano bang meron?
"Guro. Nakakapagtaka." Saad ni Leydi.
Lahat naman kami ay pansin iyon
"Akala namin ay tungkol sa mga mortal ang ating pagaaralan."
"Makinig kayo, Xientor's. Ang paggawa ng pagkaing may lason ay isang delikadong bagay na pwedeng makapag ligtas sa lahat, o maaaring sa buong mundo. Riosihiko ang tawag sa pagkaing may lason. Hindi tayo gagawa nito para pumatay ng kauri natin. Kung papatay man tayo ay kalaban iyon. Wala tayong kauring masama. Hindi ko kayo bibigyan ng mga sangkap sa paggawa ng riosihiko. Sapagkat gusto kong kayo mismo ang tumuklas nito. Nais kong gumawa kayo ng tigiisang uri ng pagkain. Labing-isa kayo. Igrupo niyo ang sarili niyo sa dalawa at ang isang grupo ay magiging tatlo. Ipapasa niyo Ito sa akin sa ikalimang araw nitong susunod na linggo."
"Ang nasa loob ay mananatiling dito lamang, ang maglalabas ay may makakaalam. Payapang lugar ay maguguluhan, magkakamatayan ang kung sino man." Dugtong pa niya. Ngayon ay lalo nang nakakapagtaka. Walang ano ano'y matapos ang litanya ni Gurong Emiryoz ay lumabas Ito ng silid.
Tahimik ang ang lahat at walang gustong magsalita. Sino nga ba ang may gusto kung ang iniwang salita ni Guro ay makahulugan at napaka misteryoso. Ngayon lamang namin siyang nakitang umakto ng ganito.
"Drop that. Group yourselves and tommorow we will be going to start the activity" usal ko sa kanilang lahat.
"Ako na lang ang maggu-grupo sa inyo. Arden at Wila. Bay at Eartha. River at Zabi. Ako (Ronan) at Leydi. Tatum, Jiel at Elementia. Bukas na bukas din ay sisimulan na natin. Unang patakaran. Huwag magiba ng kasama. Yun lang----- Teka anong sunod na klase natin?" Tanong ni Ronan. Umpisa pa lang ay siya na ang Guro na tumatayo sa grupo tuwing ganito ang eksena.
"Wala na. Uwian na, pwede na akong makatulog nang maagaaaaaaaaa!!!!!!" Mabilis na lumabas si Wila sa silid habang tumatakbo.
"Bata ba yan?" Tanong ni Eartha habang umiikot ang mga mata.
"Jiel!" Pagtawag ko sa kanya. Sa sobrang tahimik niya ay walang nakakapansin sa kanya. Dahil baka mamatay ka sa sobrang tahimik niya.
Tingnan niya lamang ako at mukang wala talaga itong planong magsalita.
"May gagawin ka ba?" Tanong ko. Isang simpleng sagot lamang ang nakuha ko mula sa kanya.
"Wala"
"Samahan mo ako" Hinila ko siya palabas ng silid at dumiretso sa loob ng aking bahay.
"Huwag mong sabihin na balak mo pa ang bumalik sa kaharian ng kadiliman?"
"We have no choice Jiel."
At oo. Tama kayo. Bumalik kami sa Dragonia.
"Teka, Jiel!" Mariing bulong ko. Malapit kasi sa amin ang Hari at hindi pa kami nagpapalit ng anyo.
"Dalian mo, Elementia! Mukang nakakaamoy na ang Hari!" Sa sobrang taranta ko ay hinila ko siya sa dulo ng kaharian sa likod saka kami nagbalat kayo'.
"Muntikan na tayo. Ano bang nangyayari sayo?" Saad niya na parang naiinis.
"Nataranta lang ako. Teka, nasan tayo? Ano to?" Tanong ko habang nililibot ang mata sa buong lugar.
"Ikaw ang nagdala sa akin rito. Sa likod ng palasyo."
Ha?
"Bakit------- ano ito? Hindi ba't i***********l ang paggamit ng lumang karayom sa buong mundo ng mahika?" Takang tanong ko.
"Elementia hindi ko rin alam. Tara na bago pa tayo maabutan rito!" Hinila niya ako paalis doon at dahan dahang pumasok sa loob.
"Saan kayo nanggaling, mga Binibini?"
"G-ginoo"
"Magandang araw mga Binibini" maligalig siyang ngumiti sa aming dalawa.
"Anong maipaglilingkod namin sa inyo, Ginoo?" Yumuko si Jiel para magbigay galang.
"Wala naman. Napadaan lamang ako."
Napansin ko na parang kanina pa nakatago sa kanyang likuran ang kaniyang dalawang kamay. Parang may itinatago.
"Ayos ka lang ba Ginoo? Bakit parang may kakaiba sa iyo?" Anas ko na ikinabahala niya.
"W-wala Binibini. Ako'y aalis na, marami pa akong gagawin." Saad niya at walang pasabing tumakbo paalis sa amin.
"Tara na" usal ko.
Gusto kong usisain. Pero bahala na
"Akala ko yung Hari na. Ang Ginoong Flixx lang pala" napailing na lang ako sa pagsasalita ni Jiel. Hindi ko alam kung saan kami pupunta basta ang alam ko ay lumiko kami sa kanan at kanan uli saka kami kumaliwa at diretso. Sa dulo nito ay may isang malaking pinto ang bumungad sa amin. Walang bantay rito at parang matagal nang hindi binubuksan ang pinto dahil sa alikabok na nakapalibot dito.
"Mali yata tayo ng napuntahan, Elementia" bulong niya pero hindi ko Ito pinansin. Bagkus ay lumapit ako dito upang itulak ang pinto at mabuksan ngunit sa sobrang bigat nito ay hindi ko kinaya.
"Teka. Umatras ka" usal ko na ikinataka niya.
"Anong gagawin mo? Baka may makakita rito sa atin!" Giit niya ngunit umatras parin siya. Umatras rin ako at mabilis na sinipa ang pinto na naglikha ng sobrang napakalakas na ingay. Kasunod nito ang pagbukas ng pinto ng dahan dahan.
"ELEMENTIA!!!" Mariin at may bahid ng pagkagulat na kanyang saad.
"Huwag kang maingay, Jiel"
"Ako pa talaga ang iyong sinabihan nyan, Binibini?" Kinurot niya ang aking tagiliran hanggang sa umaray ako.
"Puntahan natin baka may makapasok roon!" Mabilis niya akong itinulak sa loob saka siya sumunod at isinara ang pinto.
"Aray! Huwag kang manulak!" Anas ko.
"Wag kang maingay baka marinig tayo ng mga kawal ng Hari"
Ha? Sila pala iyong nagsalita kanina?
Tumalikod ako sa pinto upang tignan ang loob ng silid. Si Jiel ay nakatingin parin sa pinto at nakikiramdam sa labas.
"J-jiel"
"Wag kang maingay sabi!"
"J-jiel!!" Pagtatawag ko uli.
"Elementia manahimik ka"
"JIEL!!!!!!" Malakas kong sigaw.
"Sabi nang manah--------- a-ano. Ano yan?" Gulat kaming nagkatitigan at parehas na hindi makapaniwala sa nakikita.
"Muka bang alam ko?"
Lumapit kaming dalawa sa isang higanteng kalansay ng tao na nakahiga sa isang itim na higaan na makitid. Nakatakip ng salamin at napaliligiran ng mga itim at patay na halaman at bulaklak.
"Ano yan?"
"Buto ng tao" pabalang kong sagot.
"Tsk! Sino yan? At bakit dyan nakalagay? Dito sa kwartong Ito?"
Grabe ang laki ng kalansay na Ito. Kasing laki nito ang pinakamataas na tore sa akademya. Ang aming silid.
"Hindi natin alam kung sino yan at bakit nariyan. Suriin mo ang palagid Jiel. Baka may makita tayong kung ano man.
Lumapit pa akong lalo sa kalansay at marahang hinaplos ang takip na salamin nito. Sa bandang ibaba nito ay may nakasulat na salita. Teka, salita nga ba o pangalan?
"Emfiorre - Amuzen" bigkas ko dito
"Ha?" Usal ni Jiel. Lumapit siya sa akin na may bitbit na maliit na singsing. Parang singsing ng bata sa sobrang liit.
"Saan mo nakita iyan? Kanino yan?" Tanong ko.
Hinaplos niya ang singsing at sinubukang isuot sa pinkamaliit niyang daliri ngunit kalahati lamang ang nagkasya.
"Doon sa sulok may maliit na lamesa at nakapatong Ito doon mismo."
"Tignan mo ang loob baka may nakalagay" utos ko.
"Princesia Empress. That's the name. Maybe the owner?" She said.
Princesia? Sinong princesia? Lahat ng historya ng mundo ng mahika ay naaral ko na pati ang mga ninuno ng mga Hari at Reyna. Pati ang mga prinsepe at prinsesa ng Light World. Wala nga pala ako sa mundong liwanag. Ngunit tanging ang Dark World na lamang ang aking hindi pa naaaral. Tanging ang mundong Ito ang walang aklat ng kanilang historya.
"Akin na" saad ko saka hinablot ang singsing mula sa kamay niya at ibinulsa.
"Wag mong sabihing iuuwi mo iyan? Elementia baka mahuli tayo!"
"Kinakabahan ka ba?" Ngisi ko.
"Hindi. Basta sinabi ko na sayo. Kapag nahuli tayo baka hindi na tayo makabalik pa dito" saad niya uli.
"Tara na bago pa tayo tuluyang mahuli" hinila niya ako palabas ng silid. Paglabas namin ay kusang nagsara ang pinto at bumalik sa dati ang itsura.
"Sinasabi ko sayo!" Singhal niyang muli na ikinatawa ko ng mahina.
Lumiko kami sa kanan at kumaliwa bago dumiretso. Nasa isang silid kami kung saan nasaan ang lugar ng mga nagluluto.
"Mukang mali tayo ng napasukan" bulong ko.
"Linisin niyong dalawa itong buong silid. Sa kabilang kastilyo kami ngayon upang magluto, kayo ang iiwanan ko rito" saad ng isang babae sa amin na mukang namumuno ng mga tagapag luto. Iniabot niya sa amin ang mga panglinis na gamit. Lahat sila ay sunod sunod na umalis ng silid.
"Sinasabi ko na nga ba at masama ang kutob ko" iiling iling na anas ni Jiel.
"Wala tayong pagpipilian. Tara na"
"Ngunit Elementia, hindi ba pwedeng gamitan Ito ng mahika?"
"Pwede. Ngunit malalaman at magtataka ang Hari dahil maaamoy niya ang ating mahika."
"Tsk!"
Sinimulan ko maglinis sa mga pinagkainan. Sinabunan ko Ito at kinuskos ng maayos.
"Ngayon lamang ako maglilinis!" Halos ibato ko ang mga mahawakan ko dahil sa irita.
"Wala tayong pagpipilian" panggagaya niya sa akin.
Hinugasan ko ang mga pinggan at diniretso sa lagayan.
"Hoy! May dumi pa! Isinawsaw mo lang yan hindi mo hinugasan!" Singhal niya sa akin na ipinag-kibit balikat ko.
"Gawin mo ang ginagawa mo. Wag moko intindihin, alam kong ginagawa ko"
"Bahala ka" sabi niya.
"Alam mo pwede naman tayong tumakas dito eh" bulong ko sa kanya ng makalapit ako.
"Bakit ngayon mo lang naisip yan?"
"Tara na" ibinagsak ko ang aking hawak at lumabas ng silid.
"Saan tayo pupunta nanaman?"
"Kahit saan------ sa silid aklatan nila. Baka may mahanap tayong kung ano"
"Teka, nakita ko yun kanina. Nadaanan natin" hinila niya akong muli sa kanan at kumaliwa.
"Ito ba?" Tanong ko. Nasa tapat kami ng isang pintong maliit na sobrang sikip.
"Oo. Nakita kong nakabukas Ito kanina at nasilip ko ang loob"
Binuksan niya ang pinto at malalaking libro at matatas na lagayan ang bumungad sa amin.
"Ano bang hahanapin mo? Tulungan na kita para makabalik na tayo! Hahanapin nila tayo!"
"Oo na, tsk! Maghanap ka ng libro na konektado sa nakaraan o historya ng mundo dito, kahit anong libro na patungkol sa kaharian nila"
Sinimulan ko maghanap sa malapit na mga libro sa akin.
Puro tungkol sa mga istraktura ng mga kaharian at bahay. Psh! Para saan naman Ito?
"Istraktura, kasuotan, kagamitan, mga klase ng kawal, nobelyang aklat, halaman, ninuno------ ano ba? Wala namang aklat ng historya nila!" Naiinis na bulalas ko.
Halos sabunutan ko na ang buhok ko dahil nalibot ko na ang mga libro dito ngunit wala parin. Naisa Isa ko na pero wala!
"Sigurado ka bang meron yang hinahanap mo?"
"Alam mo Jiel, kaya nga hinahanap ko diba kasi hindi ko alam kung saan nakalagay at hindi ako sigurado"
"May maliit na pinto roon na nababalutan ng kulay ng pader kaya hindi halata. Sa palagay ko dapat nating tignan iyon" itinuro niya ang pinto na halos hindi ko maisip kung pinto ba talaga iyon o pader.
"Sigurado ka ba? Pinto yan?" Natatawa kong saad.
Lumapit siya doon at sinubukang itulak. Hindi ko inaasahan na bubukas Ito.
"Tignan mo. May iilang aklat ang nasa loob at halatang itinatago. Mukang may kakaiba rito ah"
Lumapit ako sa kanya at pumasok kaming dalawa sa loob.
Iilan lang ang mga aklat na nandito na naka patong sa tigiisang makinis na kahoy.
Ang aklat na nasa gitna ang pinakamakapal na aklat na nakaagaw sa aking pansin.
Kinuha ko Ito at inilapag sa mesang nasa sulok na may dalawang upuan. Pati ang mga upuan ay hindi maalikabok at parang araw araw na nililinis.
Umupo si Jiel sa harap ko.
"Hmmm. Mukang nahanap mo na"
Binuklat ko ang aklat at puro iginuhit na larawan ang unang pahinang bumungad sa akin. Ibinaliktad ko ang pahina at mga sulat Ito.
"Ang mga bagay na hindi dapat ay karapat dapat. Liwanag ang siyang tatapos sa bagay na kadiliman ang sumakop. Sila ang magliligtas, propesiya ay totoo nga ba? Hindi bagay kundi tao. Maglalakbay, mamamatay, m****o na tubig, iiiyak ng langit. Sinaunang tao, anong itinatago niyo? Sabihin sa lahat, g**o ninyo'y maglalaho. Huwag mapa-ibig, kung ito'y sa palagay mo'y mali. Kung ang unahan ay simula, at sentro ay gitna. Kelan ang dulo ng lahat? Sagutin ang katanungan. Huwag ang bugtong na walang nakaka-alam."
"Ano?" Pag-bungtong hininga ko.
"Buklatin mo pa ang kabilang pahina" utos niya sa akin.
"Mga bagay na hindi maintindihan, suyurin ang mundo, ito'y makikita mo. Saan nga ba magsisimula? Sa mundo natin, o sa mundo ng mga tao? Kung gusto mong malaman simulan mo na, kung gusto mong hanapin, sagot na matagal mo nang gustong kamtin, pumunta ka na. Huwag mag alala ang mga bagay na iyong makikita ay mahalaga, ang mga bagay na iyong malalaman ay ingatan at huwag kalimutan. Itong mga salita ay hindi haka-haka. Dapat isa isip, ingatan ang magiging bukam-bibig. Sapagkat kung sino mang' makatuklas, lihim na matagal nang hinahanap, kapag ito'y nasagot, huwag muna' ipaalam, sapagkat kumpletuhin, mga nawawalang salita na mula pa sa historya ng magkabilang parte na ang tanging mga nakakaalam lamang ay naglaho na. Ang mga nabubuhay ay siyang magsisilbing taga pag-patuloy ng lahat ng nasimulan. At Isa lamang ang tatapos niyan. Oras ay paubos na, dugo'y muling babaha. Salita ay pagisipan, mga kilos ay isa-alang-alang."
"Hindi ko alam, pero hindi ko talaga maintindihan" humagikgik siya sa harap ko at hinampas pa ang aking noo.
"Sa palagay ko may taong nakakaalam sa lihim ng lahat. May taong dapat hanapin. Siya lang ang makakasagot sa mga tanong natin" kinamot ko ang aking batok sa pagiisip.
"May isang taong nakakaalam ng lahat. At hindi siya nagtatago rito sa mundo natin kundi sa mga mundo ng tao. Kung dito siya mag tatago sa mundo natin ay baka matagal na siyang nahanap ng kung sino. Ngunit ang tanong, sino siya?" Napatingin ako sa kanya ng bigla siyang magsalita.
Tama siya!
"Buklatin mo na ulit yung kasu--------" naputol ang pagsasalita niya ng makarinig ako ng mga yapak ng paa mula sa labas nitong silid, patungo rito sa amin kaya agad ko siyang sinenyasan na manahimik.
"Sabi ng Hari ay nariyan sa loob" nagkatinginan kaming dalawa na nanlalaki ang mga mata dahil sa boses ng mga kawal na nasa tapat ng pinto ng silid na Ito.
"Ano nang gagawin natin?" Bulong niya na tinakpan ko pa ang bibig.
Nakapasok na ang dalawang kawal na para bang may hinahanap. Buti na lamang at nandito kami sa sulok na medyo madilim ang parte kaya hindi kami agad maaaninag.
"Teleportation" ngisi ko sa kanya. Inisip ko ang lugar na maaari naming mapag-teleport na walang tao para hindi kami mahalata.
Sa isang iglap ay nandito na kami sa kwarto ko. Siya pa lamang ang kauna-unang idinala ko rito sa aking tahanan sa loob ng akademya.
"Kinabahan ako" hawak dibdib niyang saad. "B-binitbit mo ang librong iyan?"
"Oo" ngumiti ako sa kanya ng malawak na sobra niyang ikinabahala.
"Baka malaman nila Elementia!"
"Wag kang mag-alala. Akong bahala. Isa pa, marami pa akong gustong malaman rito sa libro na hindi pabalik balik sa kadiliman."
"Tuwing hapon ay pupunta ako rito sa bahay mo at dalawa tayong tutuklas sa lahat na dapat" sabi niya bago tumalikod at aalis na sana.
"Paano ka aalis dito? May apoy na nakapalibot sa aking tahanan at hindi ka rin makakapasok"
"Tsk! Akong bahala" panggagaya niyang ulit saka ngumisi.
Psh!