CHAPTER 11; THE BATTLE

4094 Words
THIRD PERSON'S VIEW Napatingin ang lahat sa isang paparating na mahabang itim na sasakyan papasok sa akademya. Nakamamangha itong tignan dahil sa kakaibang istilo sa mundo ng mga mistical. Samu't saring bulungan ang maririnig sa lahat. "Anong uri ng sasakyan iyan?" "Sasakyan ba iyan?" "Ngayon lang ako nakakita ng ganyan" "Ang ganda nila!" "Buti pa sila ay pinayagang tumira sa labas ng akademya" "Gusto ko din!" "Sana ako din!" "Gusto kong sumakay at maranasan iyan" "Saan sila kumuha niyan?" "Grabe!" Huminto ang sasakyan ng Xientor sa gitna ng akademya na agad na pinalibutan ng mga mistical. Isa isang bumaba mula sa sasakyan ang mga Ito. Sa kabilang banda ay si Wila at Eartha ay nagiinarte sa harap ng mga estudyante na tinatawanan lang nila Arden at Bay. "Psh! Arte!" Ingit ni Zabi sa mga ito. "Tara na" malamig na tugon ni Elementia sa mga kasama. Para namang mga tutang nagsisunod ang mga Ito sa kaniya ng tahimik. "Magaling! Napapasunod mo ang mga Royal's. Dapat hindi lang ikaw, Binibini." Napalingon si Elementia sa boses na pinanggalingan nito dahil kahit bulong ay kanya paring narinig, ngunit wala siyang makitang kahina-hinala sa paligid. ELEMENTIA'S POV Paano? Ibig kong sabihin. Kanino ang tinig na iyon at saan iyon nagmula? Maari kayang Dark mist? Pero paano siya nakapasok dito sa loob ng akademya? Nakakapagtaka. Binabagabag talaga ako ng aking kyuryosidad dahil sa boses na iyan. Ngunit baka naman guni guni ko lang? Pero hindi eh. Narinig ko talaga! Alam kong tunay yun! Aishhh!!!! Kainis! "Binibini? Hindi ka ba aalis dyan?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Ronan sa aking harapan kasama si Jiel at Tatum. Huh? "Bakit? Anong meron?" "Kanina pa tapos ang klase at lahat sila ay naroon na sa training room dahil may klase tayo doon. Tayo na lang ang nandidito, kung iniwan ka namin ay baka hanggang mamaya ka pa tutulala dyan. Isa pa. Kanina pa kami tawag ng tawag sayo pero nakatunganga ka lang, mga kinse minutos." Paliwanag ni Ronan. Syempre siya lang naman ang nakakatagal magsalita sa kanilang dalawa ni Tatum, eh si Jiel talagang tipid iyan sa laway. "Ganon katagal? Sige, tara na!" Sabi ko. Dumikit naman sila sa akin at sabay na nagteleport sa aming sunod na klase. "Wala nang katok katok. Tara pasok na!" Sabi ko. Ako ang unang pumasok at sumunod sila sa akin. Nakapwesto na ang lahat sa kanilang mga sariling salamin na kwarto. Pumasok ako sa saili kong kwarto. Sa salamin na kwarto kaming lahat nagt-training dahil doon ay ligtas ang mga nasa labas. Bibigyan kami ng guro namin ng isang ilusyon sa bawat kwarto namin. Iba't ibang uri ng ilusyon. Ilusyon ang nagt-training sa amin. Hindi lang Ito basta simpleng ilusyon. Ang ilusyon na Ito ay kaya kang sugatan at makaramdam ng totoong sakit. Pwede kang mamatay at pwede kang makulong sa loob ng ilusyon kapag hindi mo napagtagumpayang makaalis dito. "Ang inyong training ngayon ay hindi na katulad ng dati na puro pakikipaglaban sa ilusyon na gawa ko. Ang gagawin niyo ay kayo mismo. Gusto kong lahat kayo ay maglaban laban. Matira. Matibay." Nakangising sabi ni gurong Agil. Siya ang aming guro sa pakikipaglaban. Lumabas kaming lahat sa aming mga kwarto at pumunta sa parang (field) o wide field. May ilang taong dati nang nakatipon sa labas ng parang' para manuod. Mukang alam na nilang may mangyayari dito kaya't narito na sila. "Tanging isang kapangyarihan lamang ang inyong gagamitin para patas sa lahat. Pwedeng magkasakitan ngunit bawal magpatayan." Lumapit si gurong Agil sa akin at tinapik ang aking balikat. Lumipad siya paitaas bilang pagsenyas na simula na ang laban. "Paano kaya ako magsisimula? Wala pa namang tulungan dito." Kamot babang tanong ni Wila. Hindi niya namalayang nasa likod niya si Zabi kaya tinira siya nito ng kanyang lightning element. Pero dahil ang element ni Wila ay manipulator element ay itinaas niya ang kaniyang hintuturo at sinubukang kontrolin ang napakabigat na lightning ni Zabi. Hinagis niya Ito papunta kay River na sinangga niya gamit ang kanyang dalawang clone na pumunta sa harap niya. Isa siyang cloner elemental at ginagamitan niya ito ng speed ability niya palagi bilang suporta. Magaling si River sa paghawak ng sandata lalo na ang espada katulad ni Arden. Sa bilis ng pangyayari ay mabilis na umalis si River sa kinaroroonan niya kaya ang lightning ni Zabi ay kinontrol niya papunta kay Bay. Mabilis na gumalaw si Bay at nagteleport sa kabilang bahagi tapos ay ginawang yelo ang kidlat. Bay is an ice element and his ability is teleportation. He can freeze everything even the smallest amount of air or oxygen. Teka! Napapa-english na ako dito. Pwede naman eh. Sa isip ko lang naman! Ayy! Bahala na! "Panonoorin mo na lamang ba sila Binibini?" "Bakit Jiel? Hindi ka na bang makapaghintay na talunin ako?" "Parang ganun na nga, Binibini" saad niya sa akin. "Ngunit paalala lang na isang element lamang dapat ang iyong gagamitin" muling sabi niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso pero agad ko siyang itinulak palayo at pinalibutan ng apoy pabilog sa kanya. Sa madaling salita ay ikinulong ko siya sa apoy na nakapalibot sa kanya. Dahil ang paraan palang ng paghawak niya sa braso ko ay ang paraan niya para kuryentehin ako. Jiel's element is electricity, ability? Time freezing. "Lumabas ka riyan Binibini!" Hamon ko sa kanya. She smirked at me and jumped high than I expected. Her smile was not the usual. It's a form of a devilish face. "Natakot ba kita Binibini?" Anang niya na ganon parin ang mukha. "Kahit kailan ay hindi mo ako matatakot!" Usal ko. Nagpakawala siya ng isang malakas na daloy ng kuryente patungo sa akin. Hindi ko kayang palahuin ang kuryente gamit ang apoy ko. Pero kaya kong gumawa ng shield gamit ang apoy ko. I formed a big circle of fire at nasa loob ako nito. It's a fire shield. It took me a week to practice and create this kind of shield. Only fire elements can last this shield for so long dahil hindi sila maaapektuhan ng init ng apoy. Pero hindi lahat ng fire elements ay kayang gumawa nito. She formed a big circle of electricity and throw it to my direction. It's huge and I think I won't survive this kapag hindi ako umilag o gumawa ng paraan. I used my floating ability. I float with my shield and spin fast around her to make her feel dizzy. As planned. I did it. She's kinda unconscious so I throw her my fire balls. Malalapnos lang ang ilang bahagi ng katawang madadaplisan nito pero gagaling din Ito sa loob ng isang linggo at kalahati. Muntikan na siyang mapaupo dahil sa biglaang ginawa ko na hindi niya inaasahan. She stand up straight and search for my presence. Bumaba ako para humarap sa kanya. "I won't let you pass me this time!" She said with irritation. She jumped higher and try to smash me with her electricity but I moved away as fast as I could. I'm far from her now. Inilagay niya ang isang buong kamay niya sa lupa at pumikit. "This is not right!" Napalingon ako sa katabi kong si Tatum. "She just putted electricity on the whole ground!" I exhaled. I float for my safety. Para hindi ako maaapektuhan ng electricity niya. Baka maging inihaw pa ako pag nagkataon. Pero mukang mali ang galaw ko. Yung electricity niya ay gumapang paitaas mula sa mga poste na malapit sa amin at nagsalubong sa itaas saka bumuo ng triand. Ang triand (trayand) ay isang wind electricity, but it's visible. Pinabayaan kong matamaan ako ng triand niya. Masakit sa katawan. Gumawa ako ng fairre (fayre). Isang fire fairy. A fairy shield. It's not technically the fairy with glitter dust when it flies, it's not the usual fairy. It's just a big circle shield with the small fairy in the bottom. Doon nanggagaling ang lakas ng shield sa fairy na nakalagay sa gitnang bahagi ng shield. Everyone was shock. I don't know why. Maybe because of the shield? It's not common to create the fairre. "Magtatago ka na lamang ba sa iyong fairre, Binibini? Aasa ka na lang ba nanaman sa shield mo?" Nang-uuyam na tanong ni Jiel. I can feel the tense between us. We're not rival's. We're always like this when we have a match. I earn my energy and boosted it out. Isang malakas na pagsabog ang nasaksihan ng lahat nang nanonood. Ngayon ko lang napansin ang paligid na halos mapuno na ang palibot ng parang'. The grass on the ground were burning. The poles are too. But no one dared to interfere us. Even gurong Agil, who sits properly and act like doesn't care on what's happening. "Ako naman ngayon" bumaba ako at mabilis na tumakbo papalapit sa kanya. Habang tumatakbo ako ay bumubuo ako ng isang faxon (faksyon). Isang bolang apoy na pwedeng mahati sa kahit ilang parte at palilibutan nito ang puntirya. Pinakawalan ko ang faxon patungo sa direksyon ni Jiel. Huli na ng iiwas na sana siya dahil napalibutan na siya ng mga ito. "Yun lang yon?" Saad niya. I smirked at her. "Siguro" she summoned her dragon made out of electricity. I'm sure this one won't stop her by the thinking na gusto niya talaga akong talunin, but for the record, wala pang nakakagawa. "Elementia? Sa palagay mo ba ay magiging ayos lang kayong dalawa?" Si Ronan pala iyon. Pansin kong nasa gilid na ang lahat ng Xientor at nanonood. Halos lahat sila ay may mga galos pero walang napuruhan. Si Ronan at Tatum lamang ang pumunta dito sa tabi ko para kumausap. "Posible. Hindi natin alam." Usal ko napa-tsk! Na lamang si Tatum sa aking tinuran at umalis kasama si Ronan. "Dalawa na lamang pala tayo Binibini. Paano ba iyan? Wala nang pigilan?" Tanong niya. Nakalibot sa katawan niya ang kanyang dragon na may mga nanlilisik na mata. "Ano pa nga ba?" Nauna akong sumugod gamit ang aking espada na gawa sa apoy. "Iyan?" Takang tanong niya. Bakit? Hindi ba halata na Ito ang aking gagamitin para mapatay ang dragon niya? Psh! "Wala ka na dun!" I ran towards her but the dragon blocked my way. "Nanganga-musta ang aking dragon. Batiin mo!" Isang malakas na sigaw na mula sa dragon ang nakapagpatakip sa tenga ng lahat. "Hindi mo ako mapipigil sa ganyan!" I shouted and try to s***h my sword on the dragon but it avoided my attack. "Awww! Natatakot na yata ang dragon mo sa akin, Jiel! Umiiwas!" "Tsk! Bahala ka na sa kanya Gellio!" "Bakit Binibini? Natatakot ka bang kalabanin ako at kailangan mo pang utusan ang dragon mo?" Nangaasar talaga ako kaya wag na kayong magtaka. "Hindi. Pero wag kang magalala dahil magkakaharap din tayo mamaya kapag natalo mo si Gellio." I jumped forward and throw my sword in the air and kick Gellio (the dragon) on the face, as I go down I raise my hand and catch the sword. I step towards Gellio and s***h his throat pero dahil nakaiwas siya ng bahagya ay nasugatan lamang Ito. I run away to Gellio but he still follows me and throwing me his electricity came from his mouth. I ducked and rolled. Muntikan na akong matamaan! Psh! Naeenjoy ko nanaman kasi ang mala action kong galawan. "Takbo, Binibini!" Sigaw ni Jiel ng nakakaloko. I float in the air and run around in the air on top of Gellio's head. Hes trying to get me but I float higher and run around her eyes to make him dizzy. When he's already dizzy, I get the chance to stab her two eyes with my sword and he roared loudly. "A-ano? Bulag man siya ngayon Binibini. Pero malakas ang pakiramdam ng mga dragon, iyong tandaan." "Hindi mo na kailangan pang sabihin, Jiel!" Giit ko. Habang iniwawagayway ni Gellio ang kanyang ulo sa hangin dahil sa sakit ay kinuha ko itong pagkakataon. Bumaba ako at tinalon ng mataas ang leeg ni Gellio at inespada ito. I was now soaking in blood cause of Gellio's big wound I cause. Mabilis na bumagsak ang buong katawan ni Gellio sa lupa dahil sa panghihina. Ang kahinaaan ng dragon ay ang kanilang lalamunan, mata, at puso. Natural. Kung wala kang puso patay ka na. Naglaho ng parang abo si Gellio. Dahan dahan at pa isa-isang pumalakpak si Jiel sa akin na para bang may nagawa akong tama sa paningin niya. "Wala man lang lumabas na pawis sa iyong katawan Binibini. Wala pang kalahating oras ang iyong laban. Madaling madali ka na ba Binibini? Ako naman ang kalabanin mo. Para tumagal ang laban nato." Ngisi niya. "Iyon ba Jiel? Pagbibigyan kita." I said. I was so occupied for thinking so many things. I didn't notice that she already summoned her weapon. Her usual weapon that she always used when we're on a training. Her sword as well. But it made out of electricity. Every Xientor's secondary weapon is sword. The first weapon is our powers. And the main weapon is our own dragon, and our own and different kind of legendary weapons that made out of two elements. She s***h her sword right in front of my face and try to s***h it again on my back but she struggled because i rolled away from her and run to the corner of the field. She follows me and throw her electricity to me but I ducked and ran to the middle of the field. She tried to use her ability to me, her time freezing ability, but she can't, coz'I have the same on her. When she walked towards me I attacked her first. Our swords clash together up and down, right and left. "You don't wanna fight back?" She asked. "I attacked you first, so how do you call that?" I smirked but she shrugged her shoulder on me. "Playing, to look cool? Or maybe, to make people amaze you? On how brave and tough are you?" She chuckled. "I don't dare. But I think it's a win win now? The training became a battle? How enjoyable to watch. Then it'll be my honor. I'll be your enemy for now. I won't let mercy overcome me just because your a Xientor and you should be my priority instead of fighting you." I don't have any words to say. That'll be enough. To much for chit chat. "Your honor, my lady" I spin and pointed the tip of my sword at her neck. "Can you feel the heat? That's the lowest heat that my fire will give you" "Wanna try my electricity on your body? I'll give it to you. Just say." Everytime we speak english, we just whisper it to each other. Baka marinig pa ng iba at maging usapan nanaman kami ng bayan. I didn't reply on her but instead, we started to clash our swords again. It's hard to give her a cut wherever on her body because she moves fast. Baka iba ang matamaan ko at magkaroon pa ng serious injury. She held my wrist and tried to kick my stomach but I held my arms away with her and twisted it. "O-ouchhh--- let go now!" She commanded with her pleasing tone. "What if I don't want? What would you do? You can't fight me!" I raised my eyebrow to her. She kicked my knees and go to my back then hold my neck with her shoulder, tightly. "Masakit?" "Stop asking, Jiel! This is a fight. Not a question bee" I used my fire and heat up my arm. I raised it and tried to put fire on her hair. That was just my trick to her. Para pakawalan niya ako. And so she did. "Very good, trickster!" She commented. She stepped backward and ran towards me. A big thunder of electricity came from her hands and command them to attack me. I did what she did, a big storm of fire rushed to her direction. Our powers fight together with the strong energy surrounding us both. I pushed my hand harder to make my power more stronger. Napatukod siya ng paa niya dahil sa kapangyarihang ibinigay ko sa kanya pero bumalik din ang postura nito. We both did our powers more stronger but my fire heat it all up. A little electricity of her was the only amount that lived after my fire burned them. She tried to add more electricity but she uses too much power that weakened her. So I ended it up. I burned her last electricity with small amount. She sat on the ground and hardly catch breath for air. I walked to her even gurong Agil and the Xientor's were running to us. "I will beat you up, soon" she said before she fainted. "Aasahan ko, Jiel" bulong ko din sa kanya. Binuhat ko siya gamit ang aking air element at inilagay sa mga bisig ni Zabi. "A-anong gagawin ko sa kanya?" Takang tanong nito na parang natataranta na ewan. "Halikan mo, baka sakaling magising" saad ni Tatum at sumabay sa akin. Nagsitawanan naman ang lahat sa kanya. Pagod akong naglalakad patungo sa hapag para kumain dahil sa pagod. "Anong kakainin mo, Binibini? Ako na ang mangunguha" presinta ni Tatum. Itinaas ko lang ang kamay ko para bugawin na siya palayo ng hindi parin nagaangat ng ulo mula sa mesa. Gustuhin ko mang magpahinga ng maaga ngunit may klase pa akong dapat puntahan. Isa sa mga paborito kong klase sa akademya. Ang witchcraft. Sa witchcraft ay gumagawa kami ng mga potion like, love potion na kilala sa mga mundo ng mortal but mortals called it black magic. The love potion can last long for about 8 hours and that's the longest and strongest one dahil commonly ang mga potion na nagagawa ng lahat ay tumatagal lang hanggang 3 hours and that's an ordinary potion, it'll took you 7 days to make a love potion pero depende parin yun sa ingredients na gagamitin, kasi kung gusto niyong mapaibig talaga ang isang mistical sa iyo ay 1st ingredient ang gagamitin mo pero kapag gusto mo namang mapaibig ang isang mistical sa iyo at mapasunod na parang aso ay 2nd ingredient ang gagamitin mo. Pero kung gusto mong mapasayo ang isang mistical ay 3rd ingredient ang gagamitin mo and that's the 8 hour's long lasting love potion, it'll took you 9 months more to make this and for the record? No one succeeded to make this potion, except Liya, the unidentified elemental mistical, an ordinary one, the one who created the 8 hour's love potion. Until now ay hindi parin malaman kung anong element ang tinataglay ni Liya. Hanggang ngayon ay wala paring nakakatuklas sa katauhan niya at kung nasaan na siya. I love making potions since I was kid because my mother is a witch, maybe that's the reason why I love to make potions. I invented some options. Like anti gravitational potion, this one removes the gravity to the place na kaya lang nitong sakupin. Pangalawa ay ang sound potion, it removes the sound from loud musics or anything that is loud and also it can make you soundless and hearing less. At mamaya balita ko ay gagawa nanaman kami ng potion. Baka pagawain kami ng invented potion or baka ready to make potion yung hahanap na lang ng ingredients then boom! Tapos!-------------- "Tapos na ako pumila. Ito na pagkain mo" sungit sungit talaga ng lalaking to! Psh! "Galit ka? Sinabi ko ba kasing ikuha mo ako ng pagkain? You volunteered yourself, Mister. Just so you know." Sabi ko at sumubo sa pagkain. "And heck! I'm not angry at you. I'm mad because of that annoying girl. A new student I guess, she hella don't know me at you know what? Yumayapos pa sa akin na parang unggoy!" Pfft! Okay okay! Hindi ako tatawa. Baka iwan ako magisa ni Tatum dito sa hapag. Kaming dalawa pa lang naman dito sa mesa namin baka maging loner ako ngayon. "Oh tapos? Ayaw mo nun? Baka maging kasintahan mo pa. Wait, what did mortals call kasintahan in millennials way?" "Girlfriend!" He exclaimed. Sumandok siya sa pagkain niya at iniharap sa akin. "Try this! This one tastes good. I know you'll like it" Nagdadalawang isip pa ako kung isusubo ko o hindi pero natatakam na talaga ako sa itsura ng pagkain kaya walang ano anong kinain ko Ito. "Hmmmmm! Ang sarap ha! Ang tamis!" I giggled. I really love foods. "At sino kang lapastangan ka para subuan ng pinupusuan ko?" Sigaw ng isang babaeng may tamang pangangatawan, maputi, mahaba na kulot ang buhok, maputing maputi ang mukha, walang roba na suot at galit na nakatingin sa akin. Teka, bakit walang roba Ito? Nasa patakaran ng akademya na kailangan mag suot ng roba sa loob ng akademya kahit sa labas dahil kung hindi ay mapaparusahan ka ng mga matataas na tao sa akademya. "Mawalang galang na Binibini ngunit sino ka? At sinong nagbigay permiso sa iyo na pwede mo akong tawaging lapastangan?" Usal ko. Umayos ako ng upo at ipinag cross ang aking mga braso at nagdekwatro. "Ako? Huh! Ako si Heyana. Isang babaeng anak ng may ari ng isang kilalang kainan rito sa bayan ng Aheydi. At ikaw? Sino ka? Bakit ka tumatabi sa aking Ginoo?" Sigaw niya sabay hampas sa mesa na nakahakot ng atensyon sa madla. Tumingin ako kay Tatum na tumingin sakin ng walang emosyon. "Heyana? At iyong Ginoo? Sino? Ito bang nasa tabi ko?" "Bakit? May nakikita ka pa bang ibang Ginoo sa tabi mo, lapastangan?" Pag uulit niya sa salitang lapastangan ay isang bagay na nakapagpintig sa aking tenga. Suminghap at nagsibulungan ang lahat dahil sa kanilang narinig. "Pasensya Binibini. Hindi ko alam na iyong pagaari ang Ginoong Ito." Ani ko sa malumanay na paraan. "Huh! Dapat lang na humingi ka ng tawad mababang nilalang!" Tumayo ako at tumingin sa kanya ng tuwid. "Anong seksyon ka?" Ma-owtoridad kong tanong na lalong ikinataas ng kanyang kilay. "Baka pag sinabi ko sayo ay manginig ka!" Huh! Ako? Manginginig? "Nasaan ang iyong roba?" Tanong ko ulit. "Bakit ba tanong ka ng tanong?" "Nasaan ang iyong roba at anong seksyon ka?" Para na akong guro rito sa paraan ng aking pagsasalita dahil sa inis ko sa kanya. "Ang aking roba ay nasa dormitoryo. Ang aking seksyon?........... Gierfin. Nagulat ka ba?" Ngisi niya. Pfft! Nagpapatawa ba siya? "Wag kang magalala hindi kita sasaktan." "At bakit mo naman ako sasaktan?" Ano to? May sapi ang utak para katakutan ko? Psh! "Dahil alam kong Isa kang Heisnas. Mga mabababang nilalang." Ngisi niyang saad. Heisnas? Ako? Napatawa ang lahat ng narito sa hapag dahil sa sinabi niya. "Bumalik ka sa inyong dormitoryo at isuot ang iyong roba." "At sino ka para utusan ang isang Gierfin?" "Binibini!!!" Sigaw ng buong Xientor pagpasok sa loob ng hapag. Lumapit silang lahat sa gilid ko at nagtatakang tumingin sa babaeng nasa harap ko. "At sino ka naman Binibini?" Tanong ni Bay. "P-prinsepe Bay?" "Ako nga" "I-itong babaeng ito! Sinaktan ako, Prinsepe! Tulungan mo ako" kunwari ay naiiyak na saad nito habang hawak hawak ang kaliwang braso. At hindi ko na napigilan pa. Natawa na ako ng malakas kasama ang Ilan pati si Tatum, Leydi at Jiel. "Binibini, hindi ko na uulitin pa. Isuot mo ang roba mo kung ayaw mong maparusahan." Saad kong muli. "Lapastangan! Hindi ako susunod sa iyo! Wala kang karapatan na utusan ako!" "Binibini kilala mo ba ang babaeng kausap mo at tinawag mong lapastangan?" Saad ni Eartha. "At sino ka naman? Babaeng madaldal?" Aba! Sumusobra na ang bunganga nito ah! "Ano---?" "Teka! Ako na!" Pinigilan siya nila Jiel at Leydi na sumugod sa babae. Ang ayaw ko sa lahat ay ang binabastos ang buong Xientor at kahit na Isa sa kanila. "Isang linggo kang maglilinis sa buong hapag, ng mag isa!" Utos ko pero sininghalan lang ako. "Wala kang karapat---------" pinutol ko na ang bunganga niya este ang sasabihin niya dahil ang ingay niya. "Ako si Elementia Whitley. Ang tagapamuno ng buong Xientor. At Isa sa mga tagapangalaga sa buong akademya. Ang iyong binabangga ay mga Prinsepe at Prinsesa ng mga kilalang kaharian sa mundo ng mga mistical. Ako at si Jiel. Ay isang Binibining may katungkulan sa akademya. At ika'y aking aatasan bilang parusa sa paglabag sa Isa sa mga mahalagang patakaran sa akademya, ika'y maglilinis sa buong silid ng hapag na Ito ng mag isa sa loob ng isang linggo ng buo. Bilang isang tagapamuno ng Xientor na iyong binastos at bilang isa sa mga tagapangalaga ng akademya. Ako'y buong pusong magpaparusa sa iyo sa ginawa mong pangbabastos sa aking buong seksyon. Simulan muna ngayon!" Ani ko na ikina tulala niya. Dapat lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD