Chapter 7

3012 Words
I really hate promises -Zeyannah, ALLTR Zeyannah Napatingin ako sa mga tao sa loob ng gym, sobrang dami pero majority ay girls. Nag hiwalay na kami ng way ni Franz at pumunta na ako sa Volleyball area. Hindi masyadong madami ang tao dito compare sa ibang sports. "Uy balita ko si Josh ang nakikipaglaro sa mga sumali sa badminton, yung captain nila" dining kong sabi nung babaeng dumaan. "Naku tara manood. Ang swerte naman nila ang gwapo kaya ni Josh" dining kong sabi ng kasama nya. Kaya naman pala madaming tao dito specially girls dahil sa mga captains. Tsk tsk. Tinawag na kami lahat at nag simula na ang warm-up. Nag form lang kami ng big circle at merong nasa gitna na syang nag g-guide saamin, sya ata yung captain. Matapos ang warm-up ay nag simula ng umikot ang bola. Dapat always ready dahil anytime sayo ibibigay ang bola. Halos lahat naman ng nandito ay marunong unlike sa ibang sports na halatang pumunta lang yung iba para makita ang mga players o captain. Hindi nag tagal ay grinupo kami ng dalawa at per group ay may 6 members. Saktong 12 lang pala ang sumali sa Volleyball. "Since may group na kayo mag sisimula na ang laro. Don't worry dahil Individual screening ito and only 6 members ang makukuha but kung madami talaga ang may potential sainyo then it's good pwedeng makuha lahat ng mga 'to pero kung hindi naman talaga kayo magaling then pwedeng less than 6 ang makuha" Sabi ng team captain. Actually madami na ding nanonood saamin pero karamihan ng mga ito ay yung mga player na talaga ng team at yung coach. Una naming ginawa ang ibat ibang klase ng pag serve then naglaro na kami. Naging maganda naman ang laro, halatang gusto talaga ng lahat sumali sa team ng volleyball. Matagal din kaming pinag laro hanggang sa pinatigil na din kami ng Coach at naka 5 set din kami. 3-2 ang score. Favor sa team na kinabibilangan ko. "Good job, Sa totoo lang marunong naman kayong lahat. Maganda ang kinalabasan ng game pero 7 lang ang napili kong kunin but pag iisipan ko pa kung madadagdagan o mababawasan. Sa ngayon pwede na kayong umalis, next week ilalabas namin ang result" sabi ni coach kaya isa isa na kaming umalis. Umupo muna ako sa bleachers dahil napagod ako. Grabe isang beses lang kami nag water break. Tinignan ko ang oras at malapit na palang mag 3 ng hapon. Ganon kami katagal nag laro? Tumayo na ako para puntahan sila Ashley at habang nag lalakad palabas ng Gym tumitingin tingin lang ako sa mga ibang sports na andito at talaga namang andami paring mga nanonood. Nang makalabas na ako at medyo nakalayo na sa may gymnasium napahinto ako sa pag lalakad sa tapat ng AVR ng marinig ko ang pangalan ni Leighton "On deck, Leighton Velasquez" Leighton? As in si Leigh na kaibigan namin? Akala ko ba wala yung sasalihan? Dahil sa kagustuhan kong malaman pumasok ako sa loob ng AVR. Hinanap ko si Leighton pero diko makita. Aalis na sana ako kaso tinawag nanaman ang pangalan ni leighton at pag tingin ko nasa harap na sya at may hawak na gitara. Umupo sya at nag umpisa na syang mag strum sa Gitara nya, sa umpisa ay napakabagal nito pero maganda sa pandinig hanggang sa unti unting bumibilis yung beat at nag papalit palit ng kanta. Isa lang masasabi ko, Ang galing! Nakaka mangha na ewan, ang ganda kasi ng combination ng mga kanta dagdag mo pa na ang ganda ng tunog ng gitara nya tapos pag tumingin ka sa expression ng mukha nya parang damang dama nya yung mga kanta na tinutugtog nya. Bilib na ako sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanya at sakto napatingin sya saakin at kita ko na nagulat sya. Nginitian ko lang sya at nag tumbs up ako. Nakatingin lang ako kay Leighton hanggang matapos syang mag perform. Matagal ko ng napapansin pero He looks very familiar. Matapos nyang mag gitara ay andaming nag palakpakan, sure ako pasok na'to. Nakita ko kasi yung reaction ng mga judge, mukhang sobrang nagustuhan nila. Hindi nag tagal ay nakita ko si Leighton na papalapit saakin "Grabe ka Leigh, diko akalain na sa tahimik mong yan ang galing mo palang mag gitara" diko talaga mapigilan mamangha at aba tinawanan nya lang ako. "Bakit andito ka?" Tanong nya saakin "Bawal ba?" Tanong ko pabalik "Hindi naman akala ko kasi sa sports club ka. Mag a-audition ka rin ba?" "Naku hindi. Nag lalakad kasi ako papunta na sana kung san tayo kag kikita kita kaso napadaan ako dito sa AVR narinig kong tinawag pangalan mo kaya pumasok ako kung ikaw ba talaga yung tinawag" mahabang sabi ko "Ah sinubukan ko lang mag audition" kamot ulong sabi nya nako sa galing nito nag aalinlangan pa? "Nako sure akong pasok kana ang galing mo kaya paturo ako minsan haa?" Marunong naman ako mag gitara pero mga basic chords lang. "Binola mo pa ako pero sige ba basta libre mo ako pag katapos" kahit kailan talaga! Matakaw kasi yang isang yan kung di nyo natatanong. Since hindi pa naman ngayon sasabihin yung results sabi ni leighton Agad na kaming umalis para kitain pa yung dalawa. Naglakad kami papuntang Canteen, dun daw kasi kami mag kikita kita. Mag Meryenda lang kami saglit at deretso uwi na. Pag ka dating namin ay nakita na namin silang nakaupo kaya bumili muna kami ng snack ni leighton bago sila nilapitan. "Hey" bigay pansin ni Leighton "Sa wakas dumating din kayo" sabi ni Audrey. Umupo naman na kami sa tabi nila "Kamusta Audition?" Tanong ni Ashley "Nakakapagod" sabi ko sabay subo ko sa binili kong pag kain. "Ako masaya, alam nyo bilib sila sa acting skills ko" sino pa ba? Edi si Audrey. "Yeah, magaling ka naman talaga umarte" hindi ko alam kung compliment ba yung sinabi ni Leighton o pang aasar. "Ako pa" confident na sabi ni Audrey. "Nga pala di nyo sinabi saakin na Magaling pala mag gitara si Leighton" sabi ko sa kanila. "Sa music club ka sumali!?" Gulat na tanong ni Audrey. Eh? "Yeah" sagot ni Leighton "Bakit may problema ba?" Tanong ko. Akala ko kasi alam nila. "Tumigil na kasi siyang mag gitara simula nung- sabi ko nga tahimik na ako" tinignan kasi sya ng masama ni Leighton kaya napatigil. Hmm bakit kaya? Pinag patuloy nalang namin ang kumain habang nag kwe-kwentuhan. Hindi din kami nag tagal at sabay sabay kaming pumunta sa gate dahil uuwi na kami. "Oh sya mag ingat kayo kita nalang ulit tayo bukas" sabi ni Ashley "Ingat" sabi ko at pumunta na sa parking lot Habang nag lalakad papunta sa parking lot ay may biglang tumabi sakin at sinabayan ako mag lakad nilingon ko at nakita ko si leighton lang pala "May sundo ka?" Tanong nya na hindi man lang ako tinitignan "Wala eh" sa harap nalang din ako tumingin mamaya may makabunguan pa ako "Hatid na kita" sabi nya "Naku ihahatid ako ni Franz" sagot ko at napa tango naman sya "Si franz? Hmm nakakasabay natin sya pero diko alam ganyan kayo ka close para ihatid ka nya?" Tanong ni Leighton "Naku hindi naman kami ganon ka close, kaibigan kasi sya ni kuya eh hindi daw makakasabay si kuya pauwi kaya nag volunteer sya na ihatid ako since madadaanan nya daw yung bahay namin" "Ah nasaan sya?" Tanong nya "Ewan? Baka nag lalaro pa sila? Sa may parking lot ko nalang daw sya hintayin eh" "Samahan na lang muna kita mag hintay" hindi sana ako papayag pero kasi ayoko naman mag hintay ng mag isa baka saglit na lang din naman yun ayos na para may kasama ako kaya pumayag na ako Hindi namin namalayan na nasa parking lot na pala kami. Umupo muna kami sa may upuan sa parking lot habang hinihintay sya "Nga pala bakit ka nag Transfer dito?" Biglang tanong ni Leighton na maski ako nga hindi ko alam kung bakit except siguro kasi lumipat na kami dito sa pilipinas "Yan din ang tanong ko eh, hindi ko din kasi alam kung bakit basta bigla nalang nag aya sila daddy na umuwi dito sa pilipinas and then eto nga dito ko na pinag patuloy pagaaral ko" paliwanag ko sakanya "Galing ka sa states pero bakit ang galing mo parin mag salita ng tagalog?" Natawa naman ako sa tanong nya at pansin ko dumaldal ata bigla si Leighton ngayon, tahimik to kanina ah. "Actually dito naman talaga ako pinanganak, dito din ako lumaki kaya sanay ako mag salita ng tagalog dahil kahit nasa states kami may mga barkada din ako na Pinoy and nung grade 8 lang naman ako lumipat sa states dahil sa work nila Mama at daddy" kwento ko Madami pa kaming napag usapan ni Leighton habang hinihintay si Franz. Masaya din pala sya kausap kahit kaming dalawa lang. Akala ko kasi pag wala sila Ashley lalo na si Audrey hindi kami mag tatagal mag usap kasi nga tahimik sya bigla atang nag transform ang daldal eh ang daming tanong at kwento. "Nga pala about dun sa nabanggit ni Audrey kanina ahm bakit ka tumigil mag gitara?" Nahihiya man ako pero tinanong ko narin kasi curious ako eh. Sa galing nya ba naman mag gitara bakit bigla sya tumigil? Siguro hindi naman dahil trip nya lang. Aba sayang talent pag ganon. Matagal na tahimik si Leighton "ah sorry wag mo na pala sagutin hehe na curious lang kasi ako" naku Yannah napaka chismosa mo kasi. Ngumiti si Leighton bago nag salita. "Sabihin nalang natin na nawalan ako ng inspiration?" Patanong na sagot nya "Then biglang bumalik na yung inspiration ko kaya bumalik na din sa pag tugtog" patuloy nya "Soon Yannah sasabihin ko sayo ng buo" nginitian ko nalang sya. Mukhang mabigat yung reason nya eh kaya hindi masabi agad. "matagal paba yon?" Bigla nyang tanong at halos mag 30 minutes na pala kami nag hihintay hindi ko man lang namalayan "Naku sorry ah naabala pa kita pwede ka naman nang umuwi salamat sa pag sama" nahihiyang sabi ko nasan naba kasi yun at mukhang nakalimutan na nyang may nag hihintay sakanya naku wag naman sana. "Naku okay lang kaysa naman iwan kita dito ng mag isa" sabi nya at nag hintay pa kami kaso malapit ng mag isang oras pero wala parin sya kaya naman naisipan ko nalang umuwi. "Tara na nga umuwi nalang tayo baka nakalimot na yung lalaking yon" yaya ko kay Leighton kaya tumayo narin sya "Sabi ko naman sayo ako nalang mag hahatid sayo" natatawang sabi nya sana nga sayo nalang ako nag pahatid kanina pa edi sana nakahiga na ko ngayon sa kwarto ko nag papahinga at nag babasa. "Sige na nga hatid mo na ako" nakakahiya na ako nakakainis naman kasi si Franz eh "Tara" Ngumiti naman si Leighton at naunang nag lakad Sinundan ko lang sya papunta sa kotse nya at mayamaya'y tumigil sya sa isang kulay itim na kotse at binuksan nya ito Sana all may kotse "Sakay na" sabi nya at pinag buksan pa ako ng pinto sa may tabi ng drivers seat "Saan ang bahay nyo?" Tanong nya napakamot naman ako ng ulo dahil hindi ko pala alam ang name ng village namin "Hindi mo alam!?" Gulat na tanong nya kaya nginitian ko sya at na pa tango. Hehe "Pero alam ko kung saan ako nakatira, I mean alam ko yung daan pero hindi ko alam yung name ng subdivision namin" nahihiya paring paliwanag ko kaya napatawa nalang sya at pina andar na ang sasakyan nya. Habang nasa byahe ay tinuturo ko lang ang daan papunta sa bahay namin at ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay buti nalang at hindi kalayuan ang bahay namin sa School. "Dito ka pala naka tira?" Pinag masdan nya ang labas ng bahay namin "nakikita mo yung bahay na yon" may tinuro sya kaya tinignan ko ito at nakita ko ang isang bahay na malaki 4 na bahay lang ang pagitan ng bahay namin sa bahay na tinuro nya "Dun lang ako naka tira" natatawang sabi nya Gulat man ako pero may naisip akong kalokohan "Edi Okay dahil may Service na ako sabay na lagi tayong umuwi ha?" Biro ko sa kanya at mukhang nagulat naman sya "Ayaw mo?" Tanong ko kunwari "N-No syempre gusto ko" sagot nya "Sige una na ako" paalam nya at tinanguhan ko nalang sya at nag pasalamat. Hintay ko muna syang maka alis bago ako pumasok sa loob, ayos yon ah mag kalapit lang kami ng bahay Pagkapasok ko dumeretso ako sa sala ng makita ko sila Mama at Daddy na nanonood "Andito na po ako" bigay pansin ko "Ginabi ka ata?" Tanong ni Mama at naalala ko nanaman yung Franz nayun "Napasarap lang ng kwentuhan sa kaibigan ko hehe" yan nalang ang nasabi ko dahil wala akong balak mag sumbobg sa ginawa ni Franz dahil for sure na kilala din sila nila Mama kasi nga kaibigan sya ni kuya Remember? "Asan ang kuya mo hindi kayo sabay umuwi?" Tanong ni Mama "Wala si kuya Ma, sya kasi yung mamimili sa magiging In sa Team nya" "Sinong nag hatid sayo, did you commute?" Tanong ni Mommy "Hinatid ako ng kaibigan ko Mama na malapit lang din pala dito ang bahay nila" "Mabuti naman at may kaibigan kana" sabi ni Daddy "Ah oo nga po actually tatlo sila" masayang sabi ko "Mabuti yan anak sige na umakyat ka na muna sa kwarto mo para makapag pahinga kana" utos ni mama kaya naman tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko "Akyat na muna po ako" paalam ko at pumunta na ako sa taas sa may kwarto ko Pagkarating ko sa kwarto ko ay agad akong naligo at habang naliligo ay naalala ko nanaman si Franz at naiinis parin ako sa kanya dahil sa nangyari kanina pwede naman kasing hindi nalang sya nag volunteer para hindi kami nag hintay don humanda sakin yun bukas. Pagkatapos ko maligo narinig ko ang huni ng sasakyan na malamang ay si kuya na dahil sya nalang naman ang wala unless pag aalis sila Daddy Wala naman kaming requirements na kailangan gawin kaya naisipan kong mag online sa f*******:. Naalala ko kasi yung sinabi ni Audrey. Pag open ko ay may 7 new friend request, 2 message at 1 notification. Well As I've said hindi talaga ako mahilig sa social media. Inuna kong tinignan ang friend request Leighton Velasquez send you a Friend Request Ashley Dizon send you a Friend Request Timothy Peralta send you a Friend Request Audrey Devilles send you a Friend Request Pia Quezon send you a Friend Request Kath lopez send you a Friend Request Zia Diaz send you a Friend Request Sa mga nag friend request tatlo lang ang kilala at yun ay sila Ashley, Audrey at Leighton at hinayaan ko nalang yung apat na bago na hindi ko naman kilala. Sinunod kong tinignan ang nag message at si Hanz lang pala at isang message request. Na ngangamusta si hanz at sinabi nya na wala syang load kaya di na sya nakakatawag, naiisip ko lang bakit si hanz halos laging may time para mangamusta sakin pero yung iba kong kaibigan walang paramdam hmm nakakatampo na sila. Sunod kong tinignan ang Message Request at Si Timothy Peralta pala ang nag Chat. Timothy: "Hi" Yan ang una nyang Message Timothy: "Accept mo message Request at Friend Request ko" Sunod na chat nya kaya naman I accepted his message request pero not his friend request dahil hindi ko naman sya kilala Timothy: "Salamat" Message nya pag ka accept ko ng message request nya. Online pala. Ni like ko nalang. Timothy: "Ouch like Zone" Arte nito sino ba'to? Zeyannah: "Did I know you?" Tanong ko sa kanya Timothy: "Oo naman :)" Reply nya Zeyannah: "Then who are you?" Tanong ko dahil wala naman akong kilalang Timothy Timothy: "FRANZ Timothy Peralta at your service" pag papakilala nya at talagang naka Copslock pa ang word na FRANZ wait siya si Franz? As In yung franz na Kaibigan ni kuya? Si Franz na paasa? Ay panget ng term na paasa, I mean yung Franz na pinag hintay kami sa wala? Agad kong tinignan ang profile nya at sya nga. Hindi kasi masyadong Kita kanina. Tinignan ko rin yung mga post nya at hindi nga ako nag kakamali sya nga. May na receive ulit akong Message sa kanya kaya agad ko itong binasa Timothy: "Ini-stalk mo ako no? Gwapo ko diba?" Ang kapal naman ng mukha nito at I'm not a stalker tinignan ko lang kung sya nga si Franz na kilala ko no. Zeyannah: "At sino ka naman para I-stalk ko? At ako na nag sasabing hindi ka gwapo" kapal kasi ng mukha Timothy: "Naku deny mo pa na inlove ka nga sa akin" aba kailan naman ako na inlove sa kanya? Ang kapal talaga Zeyannah: "Ang kapal mo rin eh no? Pwes kahit ikaw nalang ang natitirang lalaki sa mundo hinding hindi ako mag kakagusto sayo na hindi marunong tumupad ng usapan" Nakakainis talaga tong Franz na'to Timothy: "Anong hindi tumutupad sa usapan?" Aba at nag mamaang maangan pa sya ha? Zeyannah: "Hindi mo lang naman ako hinatid kanina at pinag hintay mo lang naman ako ng mahigit isang oras!" Naiinis na talaga ako sa lalaking to, may karapatan akong mainis at magalit kasi diba pinag hintay nya ako? Timothy: "Naku oo nga pala hehe sorry nakalimutan ko" reply nya kaya mas lalo akong nainis Zeyannah: "Bye na nga at wag na wag mo na akong kakausapin dahil nakakainis ka" Timothy: "Ayaw mo na ako kausap?" hindi ko nalang sya pinansin, ayoko makipag usap sa mga hindi marunong tumupad ng pangako kaya I really hate promises eh. Timothy: "Sige bye yannah and sorry ulit may importante kasi akong kailangan puntahan kanina kaya nawala sa isip ko" bat parang na konsensya naman ako sa pag susungit ko sakanya? Ahh I hate it Zeyannah: "Oo na oo na okay na yon" kainis Timothy: "Ayon oh thank you accept mo na friend request ko please" WHAT THE HELL!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD