Chapter 6

3096 Words
We have our own flaws, let's embrace ourself and shine by our own. -Audrey, ALLTR Zeyannah Isang linggo nadin ang nakalipas simula nung iwan ako ni kuya sa parking lot at hanggang ngayon hindi parin kami nag uusap. Pano ba naman kasi pag ka hatid sakin ni Clyde, yung nabunggo ko na kaibigan ni kuya, nag pasalamat lang ako sakanya kasi nakakahiya ibang way naman pala sya pero hinatid nya parin ako. So yun nga, pag pasok na pag pasok ko palang sumalubong sakin ang masamang tingin ni kuya. Nasa sala sya at nakaupo na halatang may inaantay, inaantay nya ako para pagalitan! Wala sila Mama that time kaya hindi ako nakapag sumbong. Iniwan na nga ako pinagalitan pa nya ako. F L A S H B A C K Pagkatapos ko mag pasalamat sa kaibigan ni kuya na nabunggo ko kanina na Clyde pala ang pangalan, hinintay ko muna syang makaalis bago pumasok sa loob. Pag ka pasok ko naabutan ko si kuya na nakaupo sa may sala at masamang naka tingin saakin. "Sino yung nag hatid sayo?" Tanong nya saakin Naiinis ako kay kuya kasi iniwan nya ako, pano nalang diba pag walang dumating na mag hahatid sakin? Hindi ako marunong mag commute mag isa. Pano pag naabutan ako ng gabi sa may parking lot ng mag-isa? Madilim "Pake mo?" Inis na sabi ko tapos agad na akong umalis at pupunta na sana ako sa taas ng biglang may humigit sa braso ko kaya napaharap ako kay kuya. "Problema mo!?" Parang may topak kasi, Kung naiinis sya dun sa babae kanina sana wag nya akong idinamay diba? "Tinatanong kita sino yung nag hatid sayo?" Kalmado nyang tanong pero parang nag babanta. "Si Clyde. Okay na? Pwede na akong pumunta sa taas?" Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sa braso ko at tinalikuran ko na sya. "At kailan pa kayo nag ka kilala bukod kanina? Bakit ka nya hinatid?" Inis ko syang hinarap "Ano bang problema mo kuya? Malamang iniwan mo ako don at nakita nya ako at dahil mabait yang kaibigan mo inalok nya ako na ihatid. Tatanggi pa ba ako eh sa iniwan mo nga ako at alam mong hindi ako marunong mag commute mag isa diba? At kaibigan mo naman sya kaya pumayag ako" bwisit daming tanong kung di nya sana ako iniwan di walang problema. "Sa susunod wag ka agad sasama sa hindi mo naman kilala, hindi dahil kaibigan ko sila pag kakatiwalaan mo na. Matuto ka kasing tumayo sa sarili mo at hindi yung umaasa ka sa ibang tao" nagulat ako sa sinabi ni kuya. Nasaktan ako sa totoo lang, kaya ko naman tumayo sa sarili ko ah sadyang hindi ko lang talaga kaya mag commute ng mag isa. Ano bang problema nito? Kung ako lang naman masusunod kaya ko maiwan mag isa sa states. "Problema mo?" Hindi ko alam pero parang naiiyak ako. Napansin ata ni kuya kasi nag bago yung reaksyon nya na kaninang seryoso ngayon parang na guilty na sya sa mga sinabi nya. "L-look Princess hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko. N-nabigla lang ako sorry" Hindi ko nalang sya sinagot tumalikod nalang ako at nag madaling umakyat papuntang kwarto. Narinig ko pang tinawag nya ako kaso hindi ko na sya nilingon. E N D O F F L A S H B A C K After nung nangyari sinubukan akong kausapin ni kuya once at sabi ko okay lang yon kaso kasi nasaktan talaga ako sa mga sinabi nya kaya hindi ko maiwasan na magtampo sakanya at pagkatapos non hindi na ulit kami nag usap. Hindi naman na nya ulit ako kinausap kaya hindi ko nalang din sya kinausap at baka kung ano nanaman masabi nyang masasakit na salita. Sabay naman parin kami pumasok at umuwi kaso walang kibuan. Minsan napapansin ko na parang may gusto sya sabihin kaso hindi nya naman tinutuloy. Papasok na kami ngayon ni kuya, luckily hindi napapansin nila mama ang alitan namin kasi busy sila sa work nila. Habang nasa byahe kami papunta sa school naka tingin lang ako sa labas ng bintana. Minsan talaga iniisip ko na may sama ng loob si kuya sakin, minsan naman sweet sya, madalas masungit. Hindi ko alam pero ang hirap nyang basahin. Andito na kami ngayon sa school at pag ka parada nya ng sasakyan agad akong bumaba at nauna ng nag lakad papasok. Malapit na ako sa gate ng makita ko si Leighton kaya naman binilisan ko ang pag lalakad para masabayan sya. "Leighton!" Sigaw ko, kasi naman ang bilis nyang mag lakad. Nilingon nya naman ako at tumigil sya sa pag lalakad kaya naman nahabol ko nadin sya at sabay na kaming nag lakad papuntang classroom. Sa loob ng Isang linggo mabilis ko silang na kasundo at sila lagi ang nakakasama ko. Masaya sila kasama. "Aga naman natin ngayon" natawa ako sa sinabi nya, maaga nga naman kasi ako ngayon unlike last week na natatanghali ako ng gising kaya medyo malapit lapit na akong malate. Medyo lang naman. "Maagang nagising eh" lately kasi puyat ako lagi, kakanood ng Kdrama o nag babasa ako kaso natapos ko na lahat kaya maaga akong nakatulog kagabi. "Mamaya na pala ang opening at registration ng mga club. Saan mo balak sumali?" Hala mamaya na pala yon? "Required ba na may salihan?" Tanong ko "Hm hindi naman. Bakit wala kang balak sumali?" Hindi ko naman kasi alam na ngayon na yun, di ako nakapag paalam baka hindi din ako payagan sumali. "Meron naman kaso baka hindi ako payagan" lalo na si Daddy "Bakit naman?" "Kung sasali kasi ako, sports club ang sasalihan ko. Ang kaso baka hindi ako payagan kasi baka mag ka problema sa schedule ko" gaya noon, dahil sa pag lalaro bumaba ako sa ranking kaya pinatigil ako nila Mama na mag laro. Pano pa ngayon na graduating ako? "May proper time naman para sa mga practice na approved by Principal and teachers" paliwanag ni Leighton. "Edi maganda kung ganon, try ko muna mag paalam" sana payagan nila ako kung sakali. Nakarating na kami sa room at kahit maaga pa madami na kami kasi yung Adviser namin meron syang kasabihan na We should not just on time pero dapat a head of time and We, Abm students don't just rule, We double rule. Dumeretso na kami sa third row at oo nga pala Lumipat na silang tatlo dito sa third row nakipag switch sila ng upuan sa dati kong katabi except kay Franz na minsan kasa-kasama din namin. Dahil maaga pa naman naisipan kong tawagan sila Mama para mag paalam na kung pwede akong sumali sa sport's club. Madalas ayaw nila na napapagod ako at hindi ko alam kung bakit ganon sila saakin samantalang kay kuya okay lang naman. Agad akong tumayo at lalabas na sana para tawagan sila mama. "Saan punta mo?" Tanong ni Ashley "Diyan lang sa labas, tatawagan ko lang sila Mama para mag paalam about sa pagsali sa mga clubs" Sabi ko at tumango naman sila kaya agad na akong lumabas. I dialed mama's number at naka tatlong ring bago sagutin ni Mama, ayoko kay daddy mag paalam kasi mahihirapan ako bahala na si mama mag paliwanag in case na payagan nya ako. "Hello Yannah, is there anything wrong?" Bungad ni mama "Wala naman po Mama. Gusto ko lang po sana mag paalam. Opening na kasi ng mga club mamaya gusto ko sana sumali sa sports club" paalam ko, sana pumayag "Hindi kaba mahihirapan anak? Baka mag ka problema yung schedule mo gaya ng dati" Yan din problema ko kanina mama "May proper schedule naman daw po ang practice and approved po sya ng mga teachers" paliwanag ko "Sure ka anak? Baka mapagod ka, Alam mong ayaw ng Daddy mo na masyado kang madaming ginagawa. Baka magabihan ka din" si daddy masyadong strikto. Daddy's girl ako noon, kaso nag bago kasi lagi ko syang sinusuway noon. Actually sinadya kong gawin na suwayin sila para mapansin nila ako kasi puro nalang sila trabaho kaso diko naman alam na mawalan ng tiwala si Daddy saakin at masakit yun kasi nakasanayan ko na parang mag best friend kami kaso ayun nag bago. Minsan nakikipag biruan parin pero ramdam kong may gap na saamin. "Hindi naman po siguro kami gagabihin pag may practice saka Mama mag pa register palang ako, dipa sure pag makukuha" natawa naman si mama "Ikaw pa ba anak?" Napangiti naman ako, bilib talaga sila saakin kaya ayoko makagawa ng bagay na ika disappoint nila. "Pwede na ako sumali mama?" Tanong ko "May magagawa pa ba ako? pero make sure na hindi mo papagudin masyado yang katawan mo ha? Be on time sa pag uwi, pero kakausapin ko kuya mo na hintayin ka lagi since member din naman sya ng sports club" oo nga pala soccer player si kuya, mabuti narin para in case nga na magabihan may kasama ako. "Thank you mama, ikaw na bahala kay Daddy ha?" Baka kasi mag bago desisyon pag kinausap ko pa si Daddy. "Ako nanaman lagot sa daddy mo" natatawang sabi nya "Oh sya sige na anak at baka mag start na din ang klase nyo" Sabi ni mama at nag paalam lang kami sa isa't isa bago ako pumasok ulit sa classroom. Pag pasok ko nakatingin ng masama saakin si Audrey. Problema nito? "Ang sama ng tingin mo sakin" natatawa kong Sabi. "Ikaw ang masama!" Kahit kailan talaga ang ingay talaga ni Audrey ang tinis pa ng boses. "Anong ginawa ko?" Tanong ko "Ang tagal na naming nag friend request sayo hindi mo parin pala na accept" nagulat naman ako sa sinabi nya at bigla itong napalitan ng tawa, grabe. "Sige tawa pa" busangot na sabi nya "Sorry na hindi pa ako nag open eh" natatawa paring sabi ko "Akala ko naman hindi mo lang talaga in-accept" nakangusong sabi ni Audrey ang cute nya "Nag uumpisa nanaman yung may topak" natawa naman ako sa sinabi ni Ashley "Sinong may topak, ako? Aba matino 'to" tinawanan nalang namin sya, saaming apat si Audrey ang pinaka maingay, makulit at palabiro. Si Ashley ang Shy type pero pag saamin lumalabas din ang pag ka madaldal nya. Si Leighton? Masungit na tahimik pero madalas na namin syang nakikita na ngumingiti at tumatawa unlike dati na sabi nga nila na hindi siya madalas kung ngumiti lalo na ang tumawa. "Saang club pala kayo sasali?" Tanong ko "Music club ako!"excited na sabi ni Audrey. "Naku manonood ako mamaya ha?" San kaya sya magaling? Sa Instuments ba o sa pag kanta? O both? "Sure na sure" masayang sabi pa nya pero biglang tumawa si Ashley at Leighton. "Sure na sure na hindi matanggap"natatawang sabi ni Ashley "Aba ang sama mo!" Sigaw ni Audrey kay Ashley. "Gusto nyo mag sample ako" Sabi nya at tumikhim pa kaya napa tingin na samin ang ibang classmate namin na nakarinig. "Naku maawa ka sa tenga namin at sa ganda ng panahon" agad na tinakpan ni Ashley ang tenga nya at si Leighton naman ay nag suot ng earphone nya. Okay gets ko na. "Sayang na Sayang laaang ang pag ibig ko ?" tumayo pa si Audrey at papikit pikit habang kumakanta. "Laan pa naman ang puso ko sa'yo" Natawa naman ako ganon din ang mga kaklase namin dahil sa tinis ng boses nya. "Naalala ka kung nag-iisa, Sa pangarap ko ay kasama kitaaaa" pag tapos nya sa chorus ng kanta at nag bow pa ang Loka. "Ayos ba guys? Papasa na ba ako sa music club?" Confidence pa na sabi nya na mas lalong ikinatawa namin "Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah" nag mamaktol na sabi nya at umupo na. "Ang tinis ng boses mo, pangpagising ng natutulog tss" Sabi ni Franz na katabi ko na kanina lang ay tulog pero ngayon ay gising na. "Aba Isa ka pa! Sino ba kasing nag sabing pwede kang matulog dito" tinignan lang sya ni Franz at umayos na ng upo. Sakto naman ng dumating si Ma'am tin. Nakinig nalang ako kay ma'am tin pero minsan lumulutang yung isip ko at hindi maintindihan ang tinuturo ni ma'am. Hindi ako masyadong maka pag focus ngayon. Buti nalang at yung iba naming lessons ay na pag-aralan na namin nung grade 11. "Mamayang hapon wala na kayong klase" ring kong nag hiyawan ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Ma'am. Tinignan ko ang oras at halos mag time na pala. "The reason why you don't have a class this afternoon is because the time will be using for registration and audition of the clubs. Kaya kailangan nyo paring pumasok"dagdag ni ma'am at madami paring natuwa pero meron ding na disappoint. Umalis na si Ma'am at sakto naman ang pag dating ng susunod na mag tuturo. Nakatingin lang ako sa harap habang daldal ng daldal ang teacher namin. Hindi naman talaga ako palakinig sa mga teachers pag nag tuturo eh. Mas gusto ko mag self study kasi madalas mas nalilito pa ako pag nakikinig ako ng mabuti. Ang weird lang no? Dahil lumulutang ang isip ko hindi ko na namalayan ang oras. Bumalik nalang ako sa katinuan nung mag ring ang bell at sign na ng break time. "Ikaw Yannah saan mo balak sumali?" Tanong ni Ashley, papunta kami ngayon sa Canteen. "Sa sport's club" sagot ko "Anong sports?" Tanong ni franz. Oo kasama namin sya. Nakasanayan na din namin minsan sasama sya saamin pero hindi naman masyadong palasalita. Madalas silang mag barahan ni Audrey kasi ayaw ni franz sa boses nya, matinis daw masyado. "Volleyball" sagot ko sa kanya Pag ka dating namin sa canteen bumili lang kami ng meryenda at naupo na sa may puwesto namin. Nakasanayan na namin na umupo sa may bandang gitna, malamig kasi sa part na to. "Yannah panoorin mo ako mamaya ha?" Ayan nanaman si Audrey. "Tigilan mo na mangarap" Sabi naman ni Franz na inirapan naman ni Audrey. "Alam mo napapansin ko sayo lagi mo akong binabara. Crush mo ako no?" Bigla naman nabilaukan si Franz na kasalukuyang umiinom dahil sa sinabi ni Audrey. "Pinag sasabi mo?" Kunot noong tumingin si Franz kay Audrey. "Sus kunwari ka pa, wag ako"Sabi nya pa kay Franz. Natawa nalang kami sa kanila. "Ewan ko sayo, siraulo" Sabi ni Franz at pinag patuloy ang pagkain. "Aba ako pa siraulo ngayon!" Ang ingay talaga ni Audrey Kumain nalang ako habang busy pa sila mag sagutan. Sila lang halos ang nag sasalita saamin, minsan na ngalang maging maingay si franz makikipag barahan pa. Hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang nang kumain, bahala sila dyan. Matapos namin mag meryenda ay bumalik na kami agad sa room namin. Gaya kanina hindi parin ako nakapag focus at hinihintay ko lang matapos ang mga klase. Pumasok lang ata ako ngayon para sa mga clubs at hindi para mag aral eh. Hindi ko na namalayan ang oras at uwian na pala. Ibig sabihin opening na ng mga clubs. Kumain lang muna kami ng lunch pag katapos ay nag ready na kami para pumunta sa mga clubs na sasalihan namin. Nag lalakad na kami pababa ng building namin at papunta na sa kanya kanya naming club na sasalihan. "Leigh saan ka pala?" Tanong ko kay Leighton. Kanina pa kami nag tatanungan pero wala pa palang sumasagot sa kanila ng matino. Nag kibit balikat lang si Leighton. "Wala kang balak salihan?" Tanong ko "You'll see" Yan lang ang sagot nya. "Eh kayo?" Tanong ko naman kay Audrey at Ashley. "Sa journalism ako" Sabi ni Ashley. Oo nga pala hilig nya ang pag susulat ng kung ano ano. "Sa music club nga ako"Ayan nanaman si Audrey. Tinawanan lang namin sya na kinabusangot nya naman."We have our own flaws, let's embrace ourself and shine by our own" napatahimik naman kami sa sinabi nya. "Oo na sa theater club talaga ako" seryosong sabi nya at nag pauna ng mag lakad. Problema nun? Galit ba sya? Pero in fairness ang ganda ng sinabi nya ha. May Pinag huhugutan ang loka. "Oh sya sige na mag hiwahiwalay na tayo. Kita nalang tayo mamayang uwian" Sabi ni Ashley at nag hiwalay na nga kami. Mag kakaiba kasi kami ng way. Sa Gym kasi ang sports club at sa Open field sa harap. Samantalang yung Theater at Music club naman ang mag kalapit, sa AVR gaganapin. Samantalang ang journalist ay sa junior room makikita. "Yannah!" Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko naman si Franz na tumatakbo papalapit saakin kaya huminto ako para hintayin sya. "Bakit?" Tanong ko ng makalapit na sya saakin "Sabay na tayo pumuntang Gym" Sabi nya at sabay na kaming nag lakad papuntang Gym. "Saan ka sa sports club?" Malamang sport club sya sasali kasi yun lang naman ang meron sa Gym. "Sa soccer ako" sagot nya, so parehas sila ni kuya? Kaya siguro naging mag kaibigan sila. "Bakit sa Gym ka pupunta? Eh sa open field sa may harap ang soccer diba?" Alangan naman mag soccer sila sa loob ng gym? "Ah oo, kaso sa Gym daw mag papalista ang mga sasali bago pumunta sa Open field" Sabi nya Malapit na kami sa may Gymnasium ng biglang makasalubong namin si kuya na nakatingin din saamin. "Pwede ba kita makausap?" Tanong nya na nakatingin kay Franz. Kaya naman nauna na akong maglakad, Hindi naman sa galit ako kay kuya. Nag tatampo lang ako dahil sa mga na sabi nya. Dahil malapit na kami kanina sa Gym, Hindi nag tagal ay nakarating din ako dito kaso bago ako makapasok biglang may sumabay sakin at paglingon ko si Franz pala. "Yannah" tawag nya saakin "Hindi nga daw pala makakasabay ang kuya mo mamaya" sabi nya "Bakit daw?" "Baka matagalan daw kasi sya umuwi, sya ang naka assign mamili ng mga isasali sa team nya" bakit si kuya? May coach naman eh pero kung sabagay, captain at Mvp sya eh. "Ganon ba?" sagot ko na lang pano ako uuwi hindi nga ako sabi marunong mag commute kainis naman. Naalala ko nanaman mga sinabi ni kuya. "Kung gusto mo ihatid nalang kita" nilingon ko ulit si Franz "Naku wag nalang" nakakahiya naman "No I insist, tutal madadaanan ko rin naman yung bahay nyo" pag pipilit nya "Sigurado ka?" Pag sisiguro ko kasi baka mamaya napipilitan lang sya. "Oo naman" naka ngiting sagot nya kaya tumango nalang ako. "Sige, salamat ha?" ayoko naman mag lakad at diko naman sya pinilit eh. Hindi ko nalang ipapaalam kay kuya para hindi magalit. Sure ako magagalit Yun, tsk. "Wala yon, don't worry hindi ko ipapaalam sa kuya mo dahil alam kong magagalit sya. Hintayin mo nalang ako mamaya sa parking lot" mabait naman pala si Franz eh mukhang suplado nga lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD