I want something unexpectedly good to happen right now
-Zeyannah, ALLTR
Zeyannah
Kasalukuyan na ngayon ang klase namin at hindi gaya kanina ang nangyare na puro pakilala lang ang ganap pero this time mga do's and don't naman ang sinasabi ng lecture teacher namin.
Sa lahat ng pumasok na teacher ngayon si sir lang ang naka kuha ng attention ko dahil sa mga sinasabi nya.
"Nabanggit ko na halos lahat ng mga do's and don't na dapat sundin during my class pero sa lahat ng nabanggit ko may gusto sana akong idagdag at ito ang pinaka importante sa lahat. Lahat tayo dito ay pantay pantay, studyante ko man kayo at teacher nyo ako, may mga mataas man na position dito, mayayaman o scholarship student, or kahit ano at sino ka pa isa lang ang gusto ko ang magkaroon ng respect. It is important na respetuhin natin ang bawat isa dahil kahit gaano kaganda ang mga rules natin kung wala tayong respeto do you think it will work? Kaya sana kung gusto nyo marespeto, respetuhin nyo din ang mga kapwa nyo" I agree sa sinabi ni sir, Respect is very important and powerful.
May pag ka boring si sir mag salita dagdag pa na last subject namin sya pero I know I will love this subject because I'm willing to give my attention sa mga taong ma sense kung mag salita and I know I will learn a lot from him.
Tumunog na ang bell at since last subject na ito ay agad na kaming nag silabasan matapos i dismiss ni sir ang klase
"Class dismiss, see you tomorrow" nauna ng lumabas si Sir at sinundan naman namin.
Bago ako lumabas linapitan ko muna sila Ashley na nasa 1st row pala.
"Guys una na ako" Sabi ko sa kanila
"Sure, ingat ka ha" si Audrey ang sumagot
"Sige ingat din kayo, uwi na ako" Sabi ko at nauna ng lumabas
Hindi ko alam kung saan ko kikitain si kuya. Sa parking lot ba? O sa room nila? Di naman kasi ako sinabihan.
Nag lalakad na ako ngayon pababa sa building namin at good thing nasa second floor ang room nila kuya kaya madadaanan ko. Kung andun pa sya, Kung wala edi sa parking lot na ako dedererso.
Kung nag tataka kayo bakit nasa same building kami ni kuya ganito kasi yon, Grade 11 din sya pero 2 years older sya saakin kaso nung bata si kuya, nung grade 1 sya sabi nila Mama nag kasakit si kuya at kung ano man yon hindi nila nabanggit saakin pero feeling ko malala kasi kinailangan nyang tumigil para mas maalagaan sya. Tapos hinintay muna nila akong mag grade 1 bago pinag patuloy ni kuya ang pag-aaral nya para daw sabay na kami. Kaya kami same ng grade ngayon.
Nandito na ako ngayon sa tapat ng room nila at buti naman nasa loob pa si kuya at may kinakausap na babae. May Girlfriend sya? Eh allergic ata yan sa babae, mapili masyadong choosy.
Pinag masdan ko ang babae at sa tingin ko hindi sya ang tipo. Hindi sa judgmental ako ha kasi naman maarte talaga si kuya. Maganda naman yung babae kaso parang ginawang coloring book yung mukha sa kapal ng make up, Sayang ganda. At ang mga ganyan ay ayaw ni kuya.
Sakto napalingon si kuya sa gawi ko kaya naman napansin nya na din ako. Ibinalik nya lang ang tingin sa kausap nya na sa tingin ko ay nag paalam na sya dahil kinuha na nya ang bag nya at tama nga ako kasi ayan na si kuya nag lalakad papunta saakin.
"Sino yon? Diko alam nag bago na taste mo kuya" bungad ko sakanya na ikinakunot ng noo nya at ng maintindihan nya ang sinasabi ko ay agad sumama ang tingin nya saakin.
"What are you talking about? She's not my type. Nag uusap lang kami for upcoming opening ng mga clubs" natawa ako sa itsura nya, parang nandidiri kala mo naman kung sino. Kaarte
"Okay fine kaya ka tumatanda agad eh, sungit sungit" bulong ko na sa tingin ko ay narinig nya dahil inambahan nya ako ng batok kaya naman agad ko syang tinakbuhan kaso mali ata ako ng naisip dahil hindi nga ako nabatukan ni kuya sinalo naman ng sahig yung pwet mo huhu ang sakit.
"Miss okay ka lang?" Tanong ng naka bangga sa akin. Mukha ba akong okay!?
Inis kong tiningala yung naka bunggo saakin at shet ang gwapong nilalang Naman nito. Ay ano na yan galit dapat ako! Ang sakit kaya ng pwet ko.
"Do I look like okay?" Inis na sabi ko at sinubukan tumayo kaso ang sakit talaga ng pwet ko. Buti nalang at tinulungan ako ni kuyang gwapo na nakabangga saakin.
"I'm sorry miss, masyado ka kasing mabilis tumakbo kaya di ako naka ilag sa dadaanan mo" parang ako pa ang nahiya sa sinabi nya nakakainis naman kasi si kuya ehh.
"Hands off sa kapatid ko" napalingon naman ako sa kuya ko na masamang naka tingin saamin. Binitawan naman ako ni kuyang naka bangga saakin.
"Easy ka lang bro, tinulungan ko lang syang tumayo" natatawang sabi nya Kay kuya na hanggang ngayon hindi parin maipinta ang mukha nya. Panget.
"Hayaan mo yan, lampa lang yan" aba siraulo tong kapatid ko na to ah, ang sakit na nga ng pwet ko, nabunggo na nga ako sinabihan pa akong lampa. Ang saya saya kuya.
"Siraulo ka ah problema mo?" Inis na tanong ko kaso nauna na syang nag lakad paalis aba iwan daw ba ako eh hinintay hintay ko pa.
"Kapatid mo pala si Akhi" andyan pa pala yung naka bunggo-- nabunggo ko pala hehe.
"Kuya ko" Sabi ko at tumango naman sya
"Kaibigan ko sya, pag pasensyahan mo na at nag susungit naaalidbaran sya dun sa kaklase namin na dikit ng dikit sa kanya. Alam mo naman yun may allergy ata sa babae" kaya naman pala di maipinta mukha nya eh
"Bakla kasi" natatawang sabi ko
"Sinong bakla?" gulat akong lumingon sa likod ng kausap ko at shet bakit andyan si kuya? Umalis na sya ah "bilisan mo kumilos at baka nakakalimutan mong nakikisakay ka lang sakin. Gusto mong maiwan?" Sabi nya at umalis na ulit kaya agad ko syang sinundan
Lakad takbo ang ginawa ko masundan lang si kuya na ang bilis bilis mag lakad. Kaya ng makarating sa parking lot ay hinihingal na ako dahil sa pagod.
Nakita kong sumakay na si kuya kaya binilisan kong lumapit sa sasakyan nya at baka iwan nya pa ako. Bubuksan ko na Sana yung pinto ng bigla akong napasigaw kasi biglang pinaandar ni kuya yung sasakyan at walang pasabing pinaharutot ito paalis. Buti at hindi ako ganon kalapit kundi nako baka nadali na paa ko. Pero pano na ako ngayon? Bakit nya ako iniwan!?
Napaupo nalang ako sa kung saan. Paano ako uuwi ngayon? Wala akong pantawag kila mama, Hindi din naman ako marunong mag commute ng mag isa, I want something unexpectedly good to happen right now. Sana mag milagro at bumalik si kuya at isabay na ako pauwi o di kaya Sana may maawa sakin at ihatid ako pauwi sana--
"Hey" natigil ako sa kaka sana ng biglang may nag salita sa harap ko at dahil naka upo ako paa ang nakita ko kaya tumingala ako at sya yung lalaki kanina na nabungo ko "Nakita ko yung kotse ni Akhi, kakaalis Lang" Alam ko! Dimo kailangan ipamukha sakin na iniwan ako "s**t! Don't tell me iniwan ka nya" ay hindi andon ako sa kotse ni kuya naka upo at kasabay sya sa pag uwi habang masama parin ang itsura at etong nasa harap mo kaluluwa ko lang to naiwan, siraulo tong lalaking to nakita na nga akong andito tatanong pa kung iniwan ako. Bwisit malas kang lalaki sa buhay ko! Kung dimo sana ako binunggo-- I mean pag di sya paharang harang diko sya mabubunggo sana hindi ako nag sabi ng kung ano ano tungkol kay kuya edi Sana pauwi na ako ngayon! bwisit ka bwisit.
"Ang sama naman ng tingin mo sakin parang balak mo na ako patayin sa isip mo" natatawang sabi nya kaya napanguso nalang ako kainis kasi pano na ako uuwi buti sana kung may mag magandang loob na ihatid ako pauwi Bwisit ka kasi! "Hatid nalang kita pauwi" agad ko syang tinignan at natawa naman sya sa naging reaksyon ko. Tama ba yon ihahatid nya daw ako shet makakauwi na akooo.
Binabawi ko na po mga sinabi kong masasama tungkol sa lalaking nasa harap ko ngayon hehe mabait po talaga sya at hulog ng langit. Gwapo pa hehe