I'm not friendly but I treasure friendship the most
-Zeyannah, ALLTR
Zeyannah
"Excuse me" bigay pansin ko rito kaya nilingon nya ako "kanina ka pa rito?" Tanong ko at natawa naman sya "what's funny?" Hindi ko mapigilang mainis sa lalaking ito.
"Stop pretending na hindi mo ako kilala" nakangiti nyang sabi kaya kumunot naman ang noo ko.
"I'm not pretending, who are you?" Hindi ko naman talaga sya kilala tapos sasabihin nya ako na stop pretending?
"Oh I see hindi mo na ako kilala. Ang bilis mo namang makalimot" sabi nya at ngumiti
Mas lalong kumunot ang noo ko sa Sinabi nya.
"Sige ganito, let's start again" ano bang sinasabi nito? "kanina lang tayo nag kita nakalimutan mo na agad, Ako yung kanina na kausap ng kuya mo" paliwanag nya ng mapansing naguguluhan ako tinitigan ko sya at sya nga.
"Oh Its you. Sorry, hindi ko kasi natandaan yung mukha mo and kahinaan ko talaga mag tanda ng mga tao lalo na pag hindi malapit sakin" hingi ko ng paumanhin at napayuko naman sya
May nasabi ba akong mali?
"May mali ba akong nasabi?" Tanong ko. Muli nya akong tinignan at ngumiti.
"Wala naman, boyfriend mo?" Napakunot ako ng noo ko sa tanong nya
"Who?" Takang tanong ko dahil wala naman akong ibang kasama
"Yung kausap mo kanina" sabi nya. Ah yun pala.
"Oo Boy Friend ko sya" sagot ko at napatango nalang sya
"Ganun ba? Ang swerte nya siguro sayo"
"Pano mo naman nasabi?" umupo ulit ako sa may swing at ewan ko pero parang magaan ang loob ko dito sa lalaki na'to.
"Kaibigan ko ang kuya mo at na kwento nya sakin mabait at mapag mahal ka daw"Oo nga kaibigan pala sya ni kuya
"Ah Swerte rin naman ako sa kanya" sagot ko
Tumayo na sya at nginitian ako
"Franz nga pala" sabi nya at inalok nya ang kamay nya para makipag kamay
"Yannah" inabot ko ito at nakipag kamay
Nang bumitiw kami sa pakikipag kamay ay muli syang ngumiti
"Sana mag tagal kayo at tungkol sa pag uusap nyo kanina sorry dahil hindi ko sinasadyang marinig pero sana wag mo na ulit syang biruin na nakiki pag hiwalay ka dahil baka seryosohin nya." Sabi nya at umalis na
Wait, Narinig nya nga lahat at ano yung sinasabi nyang sana mag tagal kami hahaha akala nya siguro boyfriend ko si hanz ang ibig kong sabihin ay Boy Friend. Lalaking kaibigan hindi Boyfriend na karelasyon.
Tatawagin ko sana yung lalaki na Franz pala ang pangalan kaso hindi ko na sya makita kaya naisipan kong bumalik narin sa bahay.
Habang nag lalakad ako pabalik sa bahay ay bigla nalang akong naka ramdam ng hilo kaya mas binilisan ko ang pag lalakad.
Nang makarating ako sa Bahay ay nag pakita lang ako kay kuya para malaman nya na andito na ako bago ako pumunta sa Kwarto ko para uminom ng gamot.
Madalas akong makaramdam ng hilo kaya naman sanay na ako sa ganito. Matapos kong uminom ng gamot ay nakarinig ako ng papasok na sasakyan kaya tinignan ko ito mula sa bintana. Nakita ko sila mama na bumama dito.
Agad akong bumaba at nadatnan ko na sa loob sila Mama na halatang Galing nanaman sa trabaho. Yung company nila sa states ay may branch din pala dito. Mataas ang posisyon nilang pareho kaya naman sobrang hectic ng schedule nila. Sa totoo lang kay Lolo yung kumpanya na pinag t-trabahuan nila kaya naman si Daddy sobrang tutok sa work nya kasi It's either sya o ang kapatid nya ang papalit kay Lolo.
Nakita kong may bitbit si Manang na Supot ng Jollibee kaya agad ko syang nilapitan
"Manang pahinge naman" Sabi ko sabay silip sa laman at shet favorite ko. May Float, meron ding tuna Pie, Burger steak, may isang bucket chicken at may Burger pa. Ang dami gusto ko na lantakan lahat waaaah favorite ko lahat to eh!.
"Naku tong Batang to talaga Basta Jollibee" Sabi ni manang at tinawanan pa nila ako! Gutom nga ako bakit ba
"Ehh Dali na manang gutom na ako" Sabi ko at kinuha na yung ibang bitbit nya at nauna na akong pumunta sa kusina. Narinig ko pa silang tumawa. Sige tawanan nyo ako uubusin ko to!
Naupo na ako at nilabas lahat ng nakuha ko at kumuha ako ng Plato at sinalin yung burger steak.
Hindi pa naman ako nag sisimula ng umupo na din sila mama sa hapag kainan at nilagay na ni Yaya yung ibang pagkain sa mesa kaya hinintay ko nalang sila para sabay na kaming kumain kahit na gustong gusto ko na sumubo.
"Ginutom ka ba ni kuya mo sa pinuntahan mo kanina at takam na takam kana sa Jollibee" natatawang Sabi ni Mama
"Ang dami nya kayang kinain kanina at halos maubos na ang perang dala ko" tinignan ako ng masama ni kuya kaya agad akong yumuko at nag kunwaring kumakain haha kakain nalang ako! "Matakaw lang talaga Yan" diko nalang sya pinansin, Totoo naman eh hehe
"Kamusta pala lakad nyo kanina?" Tanong ni Daddy
"Masaya po Daddy at alam nyo ba may himala ata kasi nanlibre si kuya" excited na kwento ko sa kanila. Nilingon ko naman si kuya at parang nahihiya, namumula pa yung tenga nya!
"Nanlibre ka Akhi?" Tanong ni Mama, Alam kasi nila kung pano kadamot si kuya at talagang Isa itong milagro na nanlibre sya!
"Una na po muna ako" biglang sabi ni kuya at tumayo.
"Hindi kana kakain?" Tanong ni Mama
"Kuha nalang po ako sa taas ko na kakainin" Bago sya umalis kumuha sya ng isang burger, Float at yung Tuna pie! YUNG TUNA PIE KOOO!
"Kuya akin yang tuna pie!" Iisa lang kasi yung tuna pie na nakita ko huhu
Hindi nya ako pinansin at umalis na at narinig kong tumawa si Daddy kaya naman nilingon namin sya.
"Problema mo Kiro at tumatawa ka bigla?" Tanong ni mama
"Mukhang alam ko na kung bakit umalis yung anak mo" natatawa paring sabi nya Hala nabaliw na si daddy
"Bakit ba at tawang tawa ka?" Mukhang curious na si Mama
"Hindi naman kasi sya yung nang libre kay Yannah, binigyan ko sya kanina ng Pera pang bili nila" nagulat naman ako sa sinabi ni Daddy, kala ko pa naman may milagro na! Yun pala binigyan pala sya ni Daddy. "At nag text sya sakin kanina at nag sumbong. Sabi nya masyado daw magastos si Yannah at nag abono pa sya, kailangan ko raw syang bayaran" at dahil sa narinig namin nag tawanan kaming tatlo HAHAHAHA naku kuya kahit kailan talaga!
~•~
Napaka bilis ng araw at ilang linggo narin pala ako rito at ngayon na ang araw ng pasukan namin.
Since bago palang ako kaya hindi pa ako nag uniform dahil mamaya ko pa makukuha. School ang mag p-provide ng school uniform namin kasi nabayaran na din ito sa may tuition namin.
Nag suot lang ako ng hanging shirt at jeans at nag dull shoes hindi na ako nag abalang ayusin ang buhok ko at hinayaan ko nalang itong naka lugay. Nag apply lang ako ng lipgloss and Powder then I check myself in my mirror and I look presentable naman na kaya okay na'to.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako at nadatnan ko sila mama at daddy na kumakain na pero wala pa si kuya.
"Good Morning po" bati ko sa kanila
"Good Morning Anak" sagot ni mama at tinanguan lang ako ni Daddy
"Asan po si kuya?" Tanong ko sabay kuha ng pagkain
"Nasa kwarto pa nya" sagot ni Daddy kaya pinag patuloy ko nalang ang pag kain. Nakakalahati ko na ang kinakain ko ng bumaba si kuya.
"Oh kumain ka na din Akhi" pag aya ni Daddy kay Kuya
"Hindi na ako kakain Dad baka malate pa kami, mag babaon nalang ako ng sandwich"sagot ni kuya at nag lagay ng 2 sandwich sa bag nya
"Oh sya sige at baka nga ma late pa kayo, yannah bilisan mo kumain" nilingon ako ni daddy kaya naman mas binilisan ko kumain
Natapos na ako sa pagkain kaya naman agad akong tumayo "Punta na po kami" paalam ko
"Sige Anak, mag ingat kayo" sagot ni mama at tanging tango nanaman ang sagot ni daddy kaya agad na akong pumunta sa labas at andoon na si kuya sa labas ng gate at hinihintay ako.
Sumakay na ko at agad na kaming umalis papuntang school. Tahimik lang kami ni kuya habang papunta sa School at hindi naman gaano kalayo ang school sa bahay dahil ilang minuto lang ay naka rating na kami. Agad akong bumaba at hinintay na makababa si kuya dahil mag papahatid ako sakanya sa classroom ko dahil wala akong kaalam alam sa papasukan ko all I know is ABM student ako.
Pagpasok na pag pasok namin ay kapansin pansin na pinag titinginan nila kami ni kuya. Dahil siguro hindi ako naka uniform at alam kong sikat si kuya dito sa school dahil varsity player sya. Soccer player at Hindi lang player dahil balita ko MVP sya last year.
Malawak at malinis
Madaming mga buildings
May malawak na ground sa gitna na mukhang dito nag lalaro ang mga athlete
Yan ang bumungad sa paningin ko pag kapasok.
Sinusundan ko lang si kuya hanggang sa makarating kami sa isang building na sa palagay ko ay building ng mga senior high school 4 stories na may tig-4 na maluluwang na classroom per floor.
Sa harap nito may isa pang building na kaparehas ng building na'to at napapagitnaan lang ng mga oblong na table na sementado at may mga upuan din na sementado at may bubong din sya na nag mukhang cottage ang itsura. Sa kabilang building nakalagay ang grade 12 area So I guess dito ang grade 11 area.
Sa first floor nakalagay ang 'humss area' pag dating sa second floor ay 'stem area' at sa third floor naman ang unang room ay for Abm students at dito ako hinatid ni kuya kaya hindi ko na alam kung ano ang nasa ibang room at sa may fourth floor.
Pag pasok ko sa loob ng room ay madami na akong classmate kaya nag hanap ako ng vacant chair, may apat lang na row at kakaiba ang ayos ng mga upuan, vertically. Mukhang madami kaming mag kakalase. Nakakita akong vacant chair sa may 3rd row kaya agad akong lumapit don at umupo. Nakakailang dahil may nakaupo na sa katapat ko at nakatingin sakin kaya nginitian ko nalang at yumuko nalang ako.
Habang hinihintay ang lecture teacher namin ay nag basa muna ako ng libro, good thing dala ko yung bagong bili na libro ko.
Habang nag babasa ako ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko nalang pinansin.
Hindi rin nag tagal ay dumating na ang lecture teacher namin kaya tinago ko na libro ko.
"Oh it's you again" narinig kong nag salita ang katabi ko kaya nilingon ko ito.
"Franz?" Patanong kong banggit sa pangalan nya dahil baka nag kaka mali lang ako.
"Hindi ka sure?" Natatawang tanong nya kaya tumango nalang ako "Ang bilis mo talagang makalimot" sabi nya pero parang may pinang huhugutan sya.
Hindi ko nalang sya pinansin at baka mapagalitan pa kami ng lecture teacher namin na ngayon ay nag papakilala na pala.
"Good morning student welcome back sa mga dati nang nag aaral dito at sa 2 Transferee welcome din sa inyo. Gaya ng nakasanayan na ginagawa tuwing first day of class mag papakilala muna tayo sa isat Isa. For sure kilala na ako ng karamihan sainyo but I'm glad to introduce myself, I'm Christine Keith Soriano and I will be your class adviser and you can call me Ma'am tin" Mukha naman syang mabait "So unahin na natin kilalanin ang dalawang transferee" sabi ni ma'am at nauna nyang tinawag si Franz, sya pala yung transferee na isa hindi ko napansin dahil naka complete uniform na sya.
"Good morning I'm Franz Timothy Peralta 17 galing akong Province but I found a reason enough for me to transfer here" nag bulungan naman yung mga kaklase kong babae naku babae nga naman binibigyan agad ng meaning. Pero infairness hindi sya mukhang probinsyano pero pano kaya sila nag kakilala ni kuya kung hindi naman pala sya taga dito?
"May I know that reason?" Tanong ni Ma'am
"I can't tell ma'am" nakangiti nyang sabi kaya naman pinaupo na sya ni ma'am at tinawag na nya ako kaya pumunta na ako sa harap para mag pakilala and I admit that I hate doing this.
"I'm Yannah Akhira Alcaldeza 17 years Old you can call me Yannah and I'm from states" pakilala ko at bumalik na ako agad sa upuan ko bago pa makapag tanong sakin si ma'am
"Thank you Yannah" Sagot ni Ma'am at nag tawag na ng iba pang students pero hindi na ako nag abalang makinig dahil hindi ko din naman maaalala, I want to know them by my own.
"Thats all for today and dahil may meeting kami ngayon maybe mamayang hapon na ang resume ng Class nyo " tapos na pala lahat mag pakilala, umalis na din si ma'am at nag simula ng mag silabasan ang mga kaklase ko. Pano na ako? Wala pa akong alam dito bahala na nga. Tumayo na ako para lumabas ng biglang may tumawag sakin.
"Yannah" napalingon ako sa tumawag sakin, si Franz pala
"Why?" Sagot ko
"A-Ah Nothing" parang nahihiyang sabi nya kaya tumango nalang ako at lumabas na
Pagkalabas ko ay agad akong bumama para sundan ang iba kong classmate hehe sana sa canteen kayo pupunta.
Nakakapagod bumama jusko bakit kasi sa taas pa ang room namin eh nag iisa lang pala kaming mga abm edi sana sa baba nalang kami. Sa kabilang hagdan sila bumaba kanina kaya doon din ako bumaba at napansin ko na ang ibang room ay hindi na kabilang sa academic track dahil under TVL na ito dahil yun ang naka lagay kanina, nabasa ko lang.
Nang maka rating na kami sa baba ay patuloy ko parin silang sinusundan hanggang sa makarating na kami sa canteen 2, yan ang naka sulat eh, baka may iba pang canteen. Malapit lang ito sa room namin lumabas lang kami sa Senior's area at konting lakad lang at canteen na.
Pumunta ako sa Area ng mga pagkain na nakakabusog at pumili lang ako ng sandwich tapos isang buscuit at tubig. Sana pala kumuha nalang din ako ng sandwich kanina sa bahay.
Self service pala dito sa canteen nila and babayaran mo nalang bago ka makalabas sa area ng mga pagkain and pag kalabas mo andun yung mga upuan at lamesa na pag kakainan, very organize.
Madami pa namang vacant space dahil hindi pa naman break time kaya hindi ako nahirapan pumili ng pag uupuan kaso biglang may sumigaw.
"Miss Dito!" Napalingon ako sa sumigaw at napansin kong ako pala ang tinatawag kaya lumapit nalang ako "Dito ka nalang umupo" sabi nya pag kalapit ko kaya umupo nalang ako sa tabi nya.
"Thank you" nahihiyang sabi ko, at least may makakausap ako habang kumakain.
"Ako nga pala si Audrey" Pakilala nung tumawag sakin. Maganda sya, mestisa, blonde ang kulay ng buhok nya at medyo matinis ang boses
"Ako naman si Ashley" Pakilala naman ng isa na ang amo ng mukha at may mahinhin na boses "at ito naman si Leighton" Pakilala nya naman sa nag iisa nilang kasama na lalaki at tinanguan lang ako nito
"I'm Yannah" pakilala ko
"Actually kilala ka na namin" sabi ni Ashley kaya nag taka naman ako
"How?" Takang tanong ko
"Classmate kaya tayo" sagot naman ni Audrey
"Naku sorry hindi ako nakikinig kanina" natatawang sabi ko
"Naku okay lang yan hindi karin naman namin makikilala kung hindi dahil kay Leighton" Sabi ni Ashley at napalingon naman ako kay Leighton na naka yuko at pinag mamasdan lang ang pagkain nya
"Sya nga pala sa States ka galing diba?" Maya maya'y tanong ni Ashley
"Yup" sagot ko habang kumakain
"Siguro may naging boyfriend ka na don no, gwapo ba mga tao don?" natawa naman ako sa tanong ni Audrey
"Ahem" napalingon naman kami kay Leighton na biglang nabilaukan at masamang tumingin kay Audrey
"Oh ano nanamang problema mo sakin?" Tanong nya pero hindi na nag salita si Leighton "Ano Yannah meron na?" Tanong nya ulit at napailing na lang ako sa tanong nya.
"Ibig sabihin Wala?" Sabat ni Leighton
"Wala" sagot ko
"Sa ganda mong yan?"Nag kibit balikat nalang ako sa tanong ni Ashley. Hindi naman ako maganda eh, nag patuloy na lang ako sa Pagkain.
Habang kumakain daldal nang daldal si Audrey na minsan sinasabayan ni Ashley at nakikinig lang ako sa kanila at si Leighton tahimik lang din minsan sumasabat din kagaya ko, mukhang masaya naman sila kasama.
Pag katapos namin kumain ay nag pasalamat nalang ulit ako sa kanila dahil kahit papano hindi ako naging lonely.
"You're always welcome and if you want sama ka na samin always" natuwa naman ako sa sinabi ni Ashley
"We can be your friends if you want" sabat ni Leighton kaya naman mas lalo akong napangiti. I'm not friendly but I treasure friendship the most.
"Sure"Nagulat nalang ako ng bigla akong niyakap nila Ashley at Audrey kaya napangiti nalang ako at niyakap din sila. Tatangi ba pa ako kung ganito sila kasaya kasama at I feel comfortable with them.
"Sali ka Leighton?" Natawa naman ako sa sinabi ni Audrey habang si Leighton naman napailing iling nalang habang nakangiti.
Maybe this is a great start