Chapter 3

1663 Words
Im not with you right now so please be safe -Hanz, ALLTR Zeyannah Nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at naka tingin saamin? Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. "K-kuya" kinakabahan talaga ako sa hindi malamang dahilan. "Bakit?" Tanong nya pero hindi ko sya nilingon at nanatili akong naka tingin dun sa lalaki na hindi ko makita ang kabuuan ng mukha nya pero pamilyar sya sa akin. "Yannah?" Tawag ulit sa akin ni kuya at this time nilingon ko na sya "may Problema ba?" Tanong nya "Look oh" Turo ko sa lalaki at tinignan naman ito ni kuya "Kanina pa nya ata tayo tinitignan" sabi ko "Don't mind him" sabi nya at nag iwas tingin ng nilingon ko. "Kilala mo ba sya kuya?" Tanong ko Pero hindi nya parin ako tinitignan "kuya?" tawag ko ulit sa kanya. "N-No!" Nagulat ako ng tumaas konti ang boses nya "I mean don't mind him okay? Hindi ko sya kilala sadyang madami lang ang mga ganyan dito sa subdivision natin kaya wag na wag ka masyadong lumabas dito at mag iingat ka lagi" Sabi nya "S-sige" sagot ko sakto naman ng bumukas ang gate at pumasok na kami ni kuya. Dumeretso kami ni kuya sa kwarto ko at inilagay doon lahat ng pinamili kong gamit na mandami din pala kahit libro at notebook Lang ang pinili ko kanina madami pala syang ibang kinuha para saakin kanina. Pagkatapos nyang ayusin sa kwarto ko lahat ng pinamili namin ay agad syang nag paalam. "Una na muna ako" paalam nya parang may mali kay kuya. Kanina nasigla naman sya. "Sige Kuya" sagot ko at aalis na sana sya pero naalala ko di pa pala ako nakapag pasalamat "Kuya wait" tawag ko sakanya kaya naman napalingon ulit sya "Salamat pala kanina" sana lagi ka nalang manlibre kuya hehe. Lumapit sya sakin at ginulo ang buhok ko "wala yon ano kaba, tagal nating hindi nag bonding eh" oo nga, minsan lang kasi kung makadalaw si kuya sa states. Nang tuluyan ng umalis si kuya ay nag bihis lang ako bago pumunta sa kama ko at naisipan ko munang matulog dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nagising ako at 6 na pala ng hapon. Madaling araw na sa states kaya naman naisipan kong tumawag dahil miss ko na mga kaibigan ko. Inuna kong tinawagan si Jenny kaso naka off naman ang phone nya kaya sunod kong tinawagan si Fritzy kaso naka ilang ring na hindi parin sinasagot. Bakit hindi ko sila ma contact tulog pa kaya sila? Eh sila ang maagang nagigising samin, usually ganong oras sa states gising na ang dalawang yun. Dalawa lang sila na kaibigan kong babae and puro boys na. Hindi na ako nag abalang tawagan sila dahil tulog mantika ang mga yon. I really miss them. Pumunta nalang ako sa may kusina para sana uminom kaso nasa tapat palang ako ng kusina ng marinig ko si kuya na may kausap sinilip ko sya pero wala naman syang kasama at may hawak lang syang cellphone, may katawag lang pala. "Ano nanaman ang kailangan mo!?" Parang galit si kuya sa kausap nya sa kabilang linya dahil hindi naman sya ganyan makipag usap. Natural na ang pagiging kalmado nya sa lahat ng bagay pero this time alam kong galit sya "Diba sabi ko naman sayong tigilan mo na sya. Binalaan na kita noon pa pero hindi ka nakinig hanggang sa sinaktan mo lang sya at kinailangan nya pang lumayo para lang makalimutan ka tapos ngayong okay na sya bigla kanalang babalik!?" Galit na sabi ni kuya sa kausap nya. Sino kaya ang kausap nya at sino rin ang tinutukoy nya "Ito ang tatandaan mo" muling nag salita si kuya "Sa oras na makita o malaman kong ginugulo mo nanaman sya kalimutan mo ng naging kaibigan mo ako!" Ganon ba kalala ang away nila para humantong pa sa pagkasira ng pag kakaibigan nila? Nakita kong papalapit na si kuya sa kinaroroonan ko kaya dali dali akong tumakbo papuntang sala na hindi kalayuan sa kusina at nag suot ng headphone na nakuha ko lang kung saan. "Y-yannah kanina ka pa dyan!?" ramdam ko ang gulat sa boses ni kuya pero nag panggap lang ako na hindi ko sya naririnig "Yannah?" Muli nyang tanong pero hindi ko parin sya nililingon. Naramdaman ko nalang ang pag lapit nya at tumabi sya sa akin kaya nilingon ko na sya. "Kuya andito ka pala kanina ka pa dyan?" Tanong ko kunwari mukhang importante kasi yung kausap nya and ayoko naman na sabihin nyang nakikinig ako sa usapan ng may usapan. "A-Ah no kababa ko lang galing sa kwarto ko. Ikaw?"Liar "Hindi naman masyado matagal. Kababa ko lang rin kanina" sagot ko nalang at mukha namang naniwala sya dahil napabuntong hininga sya, nang biglang may kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni kuya. "Ako nalang" sabi nya at agad na tumayo at pumunta sa may pintuan. Napansin kong matagal na simula ng umalis si kuya at hindi parin sya bumabalik kaya naman sinundan ko na sya. Nakita ko si kuya na nakatayo sa labas ng pintuan at parang may kausap sya sino kaya yun. Dahil sa kagustuhan kong malaman kung sino ang kausap nya ay sinilip ko na sila. Malapit na ako sa kanila kaya naman naririnig ko na ang pinag uusapan nila. "Diba sabi ko sayo wag kang pupunta rito" Mahinang sabi ni kuya "Pero alam mong gagawin ko ang lahat diba?" Tanong ng lalaking kasama nya Tuluyan na akong lumapit sa kanila. "Kuya bakit Hindi kayo sa loob mag usap?" tanong ko sa kanila at halata sa mukha nila ang gulat. "Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ni kuya kaya umiling nalang ako "Nope" Sagot ko "Aalis narin naman sya diba?" sabi ni kuya na tinanong pa ang kasama nya at tanging tango nalang ang naisagot nito "Sige na kita nalang tayo." Sabi pa nito kaya bumalik nalang ulit ako sa may sala ng biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan. ~Calling Hanz~ Agad ko itong sinagot at napag isip isip kong mag lakad lakad muna sa labas. "San ka pupunta?" Tanong ni kuya ng makasalubong ko sya na pabalik ng sala. "Ah diyan lang sa labas mag lalakad lakad at mag papahangin" "Mag iingat ka, umuwi ka bago tuluyang gumabi" sagot nya at tumango na lamang ako at lumabas na ng bahay. "Hello, aga natin ah?" Sagot ko kay Hanz at nag lakad lakad dito sa may labas ng bahay namin at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Good thing hindi pa masyadong madilim dagdag pa na sobrang daming street lights dito sa labas. "Ako pa" natawa naman ako, Isa kaya sya sa tulog mantika at 4am palang sa kanila no "Sino yung kausap mo kanina? May lalake kana agad diyan? Pano na ako? Diba sabi mo ako lang?" Sunod sunod na tanong nya kaya napa tawa nalang ako. "Hanz wag ka sanang magagalit ha?" Pag sakay ko sa trip nya at namalayan ko na lang na nasa park na pala ako. Malapit palang ang nilalakad ko ibig sabihin sobrang lapit lang ito sa bahay namin. Umupo ako sa may swing "Spill it" "I'm breaking up with you" seryoso kunwaring sabi ko pero sa loob loob ko gusto ko ng masuka sa pinag sasabi sabi ko. Hanz is my closest friend at normal na saamin ang ganitong biruan. "Sabihin mo anong pag kukulang ang nagawa ko?" Pag dradrama nya ang kyut nya talaga mag tagalog. "Naku ayoko na Hanz nandidiri na ako sa pinag sasasabi natin" natatawang sabi ko at narinig ko rin ang pag halakhak nya. "You're not beaking up with me anymore?" Natatawa paring tanong nya "I'm not B-Breaking up with you anymore hahaha" hindi ko na talaga mapigilan ang pag tawa ko dahil sa mga biruan namin."bakit ka nga pala napatawag?"pag iiba ko ng usapan "Wala naman gusto ko lang makausap yung bestfriend ko bawal ba?" "Wala ka nanamang magawa at pati ako dinadamay mo sa kalokohan mo?" Tanong ko "Yeah" natatawang sagot nya "By the way how are you?" "Okay lang naman ako Ikaw?" Balik na tanong ko "Mmm Okay lang but mas okay sana if andito ka parin" sabi nya at napangiti naman ako "oh natahimik ka kinilig ka no?" Mapang lokong tanong nya. "Wow! Ang hangin" sabi ko at tumawa naman sya "Where are you?" Tanong nya "Park" sagot ko "Kaya pala mahangin" natatawa nyang sabi at natawa naman ako. "Tinawagan ko sila Jenny kanina but hindi ko sila ma contact" kwento ko sakanya "Parang di kana nasanay sa dalawang yon, always na naka silent ang phone nila diba? And balita ko may event silang pinuntahan kagabi baka napuyat" naku gala talaga sila sana kasama ako eh. "Gumala nanaman sila, Ako kahit gustuhin ko natatakot ako dahil mag isa lang ako" naalala ko kasi ang sabi ni kuya "I'm not with you right now so please be safe" biglang seryosong sabi nya kaya naman napangiti ako. "Of course, I will mag ingat ka rin" hindi ko alam pero naalala ko yung lalaki kanina na nakatingin samin ni kuya na hindi ko matandaan yung mukha. Tama nga naman sya, Wala sya dito, sila, na lagi kong kasama kahit saan ako pumunta at tagapag tanggol ko kaya dapat doble ingat na. Hindi ko naman kaya na ipagtanggol ang sarili ko, that's weak I am. "I will end up this call tinatawag lang ako ni mommy, umuwi kana din at mag gagabi na sa inyo. Bye Zeya i miss you and I love my self" natawa naman ako sa sinabi nya "Bye hanz, I miss you too and I love myself too" sagot ko at pinatay ang Call. Sabi ko nga he has a sweet and caring personality at never syang nabigo na pangitiin ako. Joker sya eh Tatayo na sana ako para bumalik sa bahay ng mapansin kong may ibang tao palang nakaupo sa katabi kong swing at mukhang kanina pa sya dito at nakikinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD