Light is greater than darkness
-Zeyannah, ALLTR
Zeyannah
Nakakasilaw na ilaw ang bumungad sakin pag ka mulat ko ng mga mata ko hanggang sa unti unting luminaw ang paningin ko at nakita ko sa tabi ng kama ko si Mama at Daddy, nasa may paanan ko naman si Kuya at naroon din si Leigh.
Anong nangyare?
"Yannah anak! Buti gising kana" emosyonal na sabi ni Mama.
"Anong nangyari, Ma?" Nanghihinang tanong ko.
"Inatake ka nanaman ng sakit mo" si kuya ang sumagot, napatingin naman ako sakanya. Bigla ko namang naalala yung nangyari kanina.
Parang biglang bumalik yung kaba na nararamdaman ko kanina, naiiyak nanaman ako!.
"Shh wag ka nang umiyak, anak andito na kami" emosyonal paring sabi ni mama.
I have a Nyctophobia since I was a kid. Kaya ayoko sa dilim, takot ako sa dilim. Bigla bigla nalang akong nanghihina kapag nasa dilim ako, kinakabahan, nanginginig, natatakot, hindi makahinga ng maayos at umiiyak. Kailangan ko lagi ng liwanag, kapag nasa madilim ako dapat may konting liwanag para malabanan ko ang takot ko, dapat may ilaw kahit konti manlang o dapat may kasama ako.
I know na Light is greater than darkness. Kaya kahit konting ilaw lang, nalalabanan ko kahit papano yung takot ko.
I tried many times to cope up with this phobia pero nabibigo lang ako kaya hindi ko nalang pinilit ulit.
"Yannah, I'm sorry" napatingin ulit ako kay kuya nang mag sorry sya.
"Bakit ka nag s-sorry?" Tanong ko.
"It's my fault, hindi ko nasabi sayo na maaga akong umuwi" hindi sya makatingin saakin.
"Pero andon pa yung kotse mo" sabi ko.
"Anak, maiwan na muna namin kayo" biglang singit ni Mama.
"Mag uusap pa tayo mamaya Akhi" seryosong sabi ni Daddy kay kuya.
"Leighton tara muna sa labas" aya ni Mama, teka bakit nga ba andito si Leigh?
"Leigh ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko bago sila makaalis pero tinignan nya si kuya.
"Ako na ang mag papaliwanag" sabi ni kuya kaya tumango nalang si Leigh at nag paalam na umalis.
"Kuya.." na miss ko si kuya!
"Princess" yan lang sinabi ni kuya pero alam kong okay na kami. Yan yung tawag nya saakin dahil ako lang ang kapatid nya at prinsesa ang turing nya saakin nung bata pa kami, hanggang ngayon.
Agad akong lumapit sakanya at niyakap siya. Hindi ko alam pero umiiyak nanaman ako.
"Tahan na Princess, andito na si kuya" sabi nya habang hinahagod ang likuran ko.
"Sobra yung takot ko kanina, buti dumating ka kuya" hindi ko na alam kung anong nangyare sakin kanina kung hindi siya dumating. Humiwalay sya sa pag kakayakap at tinignan ako.
"You should say that to Leighton, siya ang nag sabi na hinihintay mo ako sa may parking lot" sabi nya.
"Nag uusap kayo?" Kailan pa sila nag uusap, close sila?
"Sira yung kotse ko kaya nakisakay nalang ako sa kaibigan ko kaso may pinuntahan pa kami bago nakauwi kaya It's late na ng makauwi kami sakto nang makita ako ni Leighton sa harap ng gate at sinabi nya na nandon ka pa" paliwanag nya. "Since sira yung sasakyan ko, nag offer si Leighton na samahan ako gamit ang sasakyan nya.Wala na akong nagawa kundi pumayag. Malapit na kami sa School nang bigla nalang namatay ang mga ilaw, Sorry nahuli si kuya" sabi nya pa.
"Hindi mo naman ginusto yun kuya" sabi ko sakanya.
"Still, I'm sorry" sinserong sabi nya.
"Napaka drama mo naman kuya eh!" Pag papagaan ko sa sitwasyon, nababakla si kuya eh. Drama drama, kailan lang inaaway ako nakooo.
"Okay ka na nga, nang aasar ka na eh" masungit nanamang sabi nya Haha.
"Ako pa, strong to kuya" kinindatan ko si kuya, ayoko mag palamon sa takot at kabang nararamdaman ko. Kailangan kong tulungan ang sarili ko kahit papano.
"Tch basta andito lang ako pag kailangan mo" sabi nya at tumayo na "gusto mong kausapin si Leighton?" Tanong nya bago sya makalabas kaya tumango naman ako "Papasukin ko nalang sya, tch papagalitan pa pala ako nila Daddy" inis na sabi nya. Bakit kaya?
Hindi naman nag tagal ay pumasok na si Leighton, umupo sya sa may kama ko.
"Okay kana ba? May masakit pa ba sayo?" Tanong nya pag ka upo nya.
"Okay na ako, strong ata to" sagot ko at pinakita ang braso ko na kunwaring may muscle, natawa naman sya.
"Sabi ko naman kasing sumabay ka na saakin kanina. Dapat hindi kita iniwan mag isa doon, sana hindi yan nangyari sayo" napa kunot naman ako sa sinabi nya.
"Ano ba kayo, wala kayong kasalanan. Hindi naman natin ginusto lahat yung nangyari" sabi ko. Kanina si kuya sinisisi nya ang sarili nya, ngayon si Leigh naman. "Pero Leigh salamat ha" naalala ko hindi pa pala ako nakapag thank you sakanya.
"Para saan?" Kumunot yung noo nya.
"Nasabi na ni kuya kung bakit kayo mag kasama, kung hindi dahil sayo baka kung ano na nangyari sakin kanina" baka walang nakakita sakin sa parking lot, baka hanggang ngayon wala pa sana akong malay.
"Wala yon, para saan pa't mag kaibigan tayo" ginulo nya ang buhok ko at inakbayan, sakto naman bumukas ulit yung pinto.
"Yannah anak kakain na tayo" si Mama pala "Join us Leighton" dagdag nya.
"Nako Tita hindi na po, pagabi na rin baka hinahanap na ako saamin" sagot nya at tumayo na.
"Ganon ba? Oh sya sige kung ganon, Salamat ulit ha at pakamusta nalang din ako sa Mama mo" sabi ni Mama.
"Wala pong anuman tita, ipaparating ko po kay mama" nakangiting sagot nya.
Sabay sabay na kaming lumabas at hinatid ko muna si Leigh sa may labas bago ako sumunod kila Mama.
"Come here, anak let's eat" tawag ni Mama at tinapik yung tabi nyang upuan.
"So gano nyo katagal gustong ilihim samin yung alitan nyo?" Pag uumpisa ni daddy na ikinakaba ko. Napatingin naman ako kay kuya na nakayuko lang.
"Akhi" seryosong tawag ni Daddy kay kuya kaya napatingin si kuya kay Daddy
"Yes, Dad?"
"Ikaw ang nakakatanda sainyo, inaasahan naming ikaw yung mag aalaga sa kapatid mo kaya nga namin sya pinasok sa parehong paaralan mo para mabantayan mo sya diba? Pero ano itong ginanagawa mo?" Pagalit na sabi ni Daddy kaya napayuko nalang ulit si kuya. Bigla naman akong naawa kay kuya.
"Daddy, wala namang kasalanan si Kuya sa nangyari sakin kanina. Wala namang may gusto" pag tatangol ko.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko, Yannah" seryoso paring sabi nya.
"Ano ba kayo? Can we just eat first? I respeto nyo naman kung nasan tayo" pag aawat ni Mama kaya naman natahimik na si Daddy at nag simulang kumain.
Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa matapos na kaming kumain ay nag salita na si mama.
"Akala nyo siguro matatago nyo samin yang hindi nyo pag papansinan? Madalas man kaming wala ng Daddy nyo napapansin namin na may mali sainyong dalawa. Hinihintay lang namin na sabihin nyo saamin" sabi ni Mama. Medjo na guilty naman ako.
"Matatanda na kayo pareho, you should be matured. Nakatira kayo sa iisang bahay pero parang hindi kayo mag kakilala. Normal lang naman na magkaroon ng tampuhan pero hindi sa puntong may kailangan pang mapahamak bago kayo mag kaayos" dagdag ni Daddy pero hindi na pagalit ang tono nya, nangangaral lang.
"Sorry, Dad" sagot ni kuya.
Tinignan lang sya ni Daddy bago tumingin saakin at tumayo.
"Let's talk" sabi nya bago umalis.
Tinignan ko naman si Mama. Humihingi ng tulong.
"Sundan mo na sya. Baka lalong magalit yung Daddy mo" sabi nya at hinawakan ang kamay ko. Mas lalo lang ako natakot eh.
"Baka pagalitan nya nga ako eh" pag tutol ko.
"Hindi yan, basta pumunta kana nang makapag usap kayo" sagot ni Mama.
Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Daddy sa taas.
Pumunta ako sa may office nya. Yes, ganon sila ka workaholic. Pati sa bahay may office sila.
"Daddy" katok ko sa may pintuan ng office nya.
"Come in" sagot nya kaya binuksan ko ang pinto at pumasok.
Naabutan kong nakatanaw sya sa may bintana. Lumapit naman ako sakanya at nakitanaw.
"Daddy, I'm sorry po sa nangyari" basag ko sa katahimikan kaya napatingin sya saakin.
Nagulat nalang ako sa sunod nyang ginawa. Bigla nalang nya ako niyakap!
"Daddy, whats wrong?" Tanong ko sakanya.
Humiwalay sya sa pag kakayakap sakin kaya napansin ko na naluluha sya.
"Daddy anong nangyari sayo? Why are you crying?" Nakakabigla naman kasi.
"Nothing, anak. I just really miss you" sabi nya. "I just really want the best for you. Pero napasobra na pala yung pag hihigpit ko sayo na pati yung dating samahan natin nasira ko na pala" sabi nya pa.
"Daddy naman"
"I'm sorry, Anak. I promise na babawi ako sayo. You don't know how much I worried about nung nalaman ko yung nangyari sayo. Na realize ko na masyado ko nililimitahan yung galaw mo. I want to bring back the old us anak. Pwede pa ba?" Wala akong nagawa kundi yakapin si Daddy. God knows how long I've been waiting for this time. I know na hindi magiging madali na ibalik yung dating samahan namin pero we'll work for it. We will.
"I missed you so much, Dad" sabi ko habang nakayakap parin sakanya.
"Me too, my princess" napangiti nalang ako sa narinig ko.
Sa buong buhay ko, takot na takot akong atakihin ng sakit ko, pero ngayon nag papasalamat akong inatake ako ng sakit ko.
I've realized na kahit pala yung kinakatakutan kong mangyari ay may magandang dulot sa buhay ko.
At yun ay ang mag kaayos kami ni kuya lalo na si Daddy.
I really appreciate the saying, Everything happens for a reason.
Alam kong unti unti nang may babalik ang dating samahan namin ni Daddy.
Darkness is not always about the literal meaning that we know. But Darkness can also be the Anger, hatred, Sadness and so on that we have in life.
And Im happy that me and my Dad is okay now.
We spend time for each other. Nag kwentuhan kami, random topics. About sa mga kaibigan ko sa States, na alam daw pala nyang tumatakas ako tuwing wala sila, about sa mga new friends ko ngayon, sa study ko, and even my Love life.
"Daddy naman. Wala ngang nanliligaw sakin" pag tatangol ko.
"Are you sure?" Tanong nya parin.
"Wala talaga, i promise" sabi ko.
"What about Hanz?" Natawa naman ako sa tanong nya.
"Really, Dad? Si Hanz pa talaga pinag dudahan mo. He's just my Bestfriend" sagot ko.
"I think He likes you" pag pipilit nya parin.
"I'll assure you, Dad. No hard feelings between us. Bestfriend lang kami" pag sisiguro ko.
"Bestfriend..?" Mukhang hindi parin sya kumbisido.
"Okay, fine. Naging Crush ko sya. Pero noon yun at hindi nya naman nalaman" pag aamin ko.
"Oh akala ko sya nag kagusto sayo, ikaw pala" hindi ko alam kung nag aasar si Daddy o ano.
"Ay ewan ko sayo Daddy. Baba na nga ako" sabi ko at tumayo na. Nandito parin kami sa office nya pero nakaupo na kami.
"Pikon yung prinsesa ko" pang aasar nya pa. Pano kasi pinag pipilit nya na may something samin ni Hanz. How many times do i have to tell them na we're just Bestfriend. People around us keep on teasing us even nung nasa states pa kami.
Yes, he's really sweet to me. But that's just his personality, he's naturally Carrying, sweet and yes, a Boyfriend material.
But I promised to myself na whatever happens, hanggat pwede ay iiwasan kong Ma inlove sa kaibigan ko.
Kasi I don't want to ruin my relationship with my friends in case na hindi mag work as a romantic relationship.
"Hindi ako pikon, Dad. I just really need to go. May mga tatapusin pa ako" kung pwede lang mag stay pa kami ng ganto eh. I really want this to happen.
"If thats so. Madami pa namang next time" sabi nya.
"Thank you for this moment, Dad"pag papaalam ko.
Matapos mag paalam ay agad akong bumaba. Excited akong ibalita kila Mama na ayos na kami ni Daddy.
Sakto naman na nasa sala sila ni kuya kaya agad akong tumakbo palapit sa kanila.
"Mama!" Pag agaw ko ng pansin.
Sa sobrang excited ko napa yakap nalang ako sakanya.
"What's wrong, Yannah pinagalitan ka ba ng Daddy mo?" Tanong nya kaya humiwalay ako sa pag kakayakap.
"No, Ma ayos na kami ni Daddy" masayang sabi ko.
"What do you mean Ayos?" Tanong pa nya. Maybe di din sya maka paniwala.
"He apologized to me, Ma sobrang saya ko!" Sabi ko.
"Oh my Gosh, really? I'm so happy for the both of you. Finally, natauhan na yang daddy mo" sabi nya at niyakap pa ako.
"I'm so Happy for you, Princess" sabi naman ni kuya kaya nilingon ko sya.
I mouthed 'Thank you'
I may not be able to face the darkness alone but Im happy that one of the darkness of my life was touching by Light.