"You're not sensitive, you're not overacting. If it hurts, it hurts"
-Zeyannah, ALLTR
Zeyannah
"Ano ba kase ang nangyari?"
"Bakit parang kanina pa sya balisa?"
"Kanina nga nung lumabas yung result sa mga clubs at pasok tayong lahat hindi man lang ata sya masaya"
"Oo nga, ni hindi nga ata nakikinig satin kanina nung kinakausap natin eh. Tulala lang sya, parang nababaliw na Hahahaha"
"Uy wag ka namang ganyan, pero totoo bakit ganon sya? Anong nangyari don okay pa naman yun kahapon. Nag kausap pa naman kami ng matino sa cellphone"
"Same here"
Kanina pa salita nang salita si Audrey at Ash at panay ang tanong nila kung anong nangyari kay Leighton.
Simula kasi nung pumasok sya ay tahimik lang ito at mukhang matamlay. Kinakausap nila Ash pero tulala lang sya o minsan mukhang balisa na ewan. Nakita na din namin ang resulta ng mga sinalihan naming club at lahat kami nakuha pero wala, tulala lang sya.
Hindi ko naman masabi kung anong problema nya dahil wala naman akong karapatan. Pero sa totoo lang nangangati na akong sabihin sakanila kasi hindi impossible na may alam sila about sa childhood friend nya. Hayst bahala na nga.
"Hoy Yannah!"
"Ano ba! Bakit mo naman ako sinigawan" Nagulat naman ako sa pag sigaw ni Audrey sa mismong tenga ko. Katinis tinis ng boses nya tapos sisigawan nya ako?.
"Kanina pa kami salita nang salita dito hindi ka naman ata nakikinig" sabi ni Ashley.
"Nahawa ka na ata kay Leighton, tulala ka na rin girl" natatawang sabi ni audrey saakin.
"May alam ba kayo tungkol sa childhood friend ni Leigh?" Tanong ko sakanila.
"Ah yung kaibigan niyang ghoster" natatawang sagot ni Audrey.
"Na k-kwento sya lagi ni Leigh noon, bakit?" Sagot naman ni Ashley. Kung na k-kwento sya lagi ni Leigh sakanila noon siguro madami silang alam tungkol sakanya.
"Kwentuhan nyo naman ako tungkol sa kaibigan nya" curious talaga ako hindi ko alam kung bakit.
"Bakit parang nag ka interest ka bigla sa kaibigan nya? Don't tell me sya ang dahilan kung bakit nag kakaganon si Leighton?" Nahuhulahan na tanong ni Audrey.
"Ganon na nga" tatango tangong sagot ko sakanila at nag simulang ikwento ang mga nangyari kahapon.
"Sabi ko na nga ba eh!" Malakas na sabi ni Audrey at napatayo pa.
"Anong ibig mong sabihin Audrey?"
"Diba Ash matagal ng tumigil sa pag tugtog ng gitara si Leigh simula nung biglang nawala yung kaibigan nya" Bigla kong naalala yung naging reaction ni Audrey ng mabanggit kong sa Music club nag audition si Leighton.
F L A S H B A C K
"Kamusta Audition?" Tanong ni Ashley.
"Nakakapagod" sabi ko sabay subo ko sa binili kong pag kain.
"Ako masaya, alam nyo bilib sila sa acting skills ko" sino pa ba? Edi si Audrey.
"Yeah, magaling ka naman talaga umarte" hindi ko alam kung compliment ba yung sinabi ni Leighton o pang aasar.
"Ako pa" confident na sabi ni Audrey.
"Nga pala di nyo sinabi saakin na Magaling pala mag gitara si Leighton" sabi ko sa kanila.
"Sa music club ka sumali!?" Gulat na tanong ni Audrey. Eh?
"Yeah" sagot ni Leighton
"Bakit may problema ba?" Tanong ko. Akala ko kasi alam nila.
"Tumigil na kasi siyang mag gitara simula nung- sabi ko nga tahimik na ako" tinignan kasi sya ng masama ni Leighton kaya napatigil.
E N D O F F L A S H B A C K
Kaya pala ganon yung naging reaction ni Audrey. Kaya pala nagulat sila nung nalaman nilang bumalik na sya sa pag tugtog ng gitara. Now, sobrang curious na talaga ako sa kaibigan nya. Hindi ko matukoy kung anong dahilan bakit iba ang pakiramdam ko.
"Sinasabi ko na eh. Kaya pala sya sa music club sumali!" Malakas ulit na sabi ni Audrey, tumatama ang tono.
"Kung bumalik na nga sya, baka sa pag kakataong ito makita at makilala na natin sya Audrey" sabi ni Ashley.
"Ibig sabihin hindi nyo pa sya nakikilala o nakita man lang?" Tanong ko sa kanila.
"May idea kami sa kanya dahil lagi syang na k-kwento ni Leigh noon pero hindi namin sya ganon kakilala at never pa namin syang nakita" paliwanag ni Ashley.
"Ako nakita ko na!" Malakas na sabi ni Audrey.
"Nakita mo na? Saan? Bakit hindi mo sinabi sakin?" Sunod sunod na tanong ni Ashley kay Audrey.
"Mm nakita ko na, kaso sa picture lang sa may wallet nya pero bata pa sila noon at hindi ko na maalala yung itsura ng babae" meron pa kaya sa wallet ni Leighton yung picture? Masilip nga minsan.
"Nasan na nga ba si Leighton?" Tanong ni ashley. Saan nga ba yun?.
"Baka nasa Bestfriend na nya" masungit na sabi ni Audrey.
"Tayo yung bestfriend nya ah" si ashley.
"Duh, Ibig kong sabihin sa childhood friend nya" masungit paring sabi nya.
"Ang bitter mo naman sa Childhood friend nya" puna ko sakanya. Problema nito? Dapat nga maging masaya sya eh.
"Nako Yannah kung alam mo lang hahaha" natatawang sabi ni Ashley saakin.
"Alam ang ano?"
"Nako Tara na nga Yannah! Wag kang maniniwala kay Ashley" sabi nya at hinila na ako paalis.
"Wala pa nga akong sinasabi!" Rinig kong sabi pa ni Ashley habang natatawa.
"Tumahimik ka Ashley! Hanapin nalang natin si Leighton" sabi nya at binitawan na ako at nauna ng umalis.
"Mag hiwalay hiwalay nalang tayo at baka kung saan na nag susuot yun. Free time naman natin" sabi ko.
"Mabuti pa nga at baka sungitan lang din ako ni Audrey hahaha" sabi ni Ashley at umalis na din.
Sinabi kong mag hiwalay hiwalay muna kami dahil parang may idea na ako kung saan sya pupunta. Ayoko na guluhin nila si Leighton kaya hindi ko sinabi sa kanila. Knowing them, mag tatanong at mag tatanong sila.
Nag lakad na ako papuntang AVR kung saan andun yung mga Instrument ng music club, nag babakasakaling tama ang hinala ko na doon sya nag punta.
Pag ka dating ko ay agad akong sumilip sa loob at tama nga ang hinala ko dahil mula dito sa pintuan ay kitang kita ko ang lalaking nakaupo sa sahig sa pinaka gilid ng silid ng AVR. Nakayuko ito sa kanyang mga braso na naka patong sa kanyang mga tuhod.
Agad akong pumasok ng dahan dahan at dahil naka yuko ito hindi nya namalayan ang pag pasok ko.
Nang makalapit ako nakita ko ang gitara sa may tabi nya.
"Leigh.." mahinang tawag ko sakanya at tinapik sya ng mahina pero tulog ata dahil hindi manlang gumalaw. "Leigh gising na" pag gising ko ulit sakanya.
"Hmm?" Daing nya batid kong pa gising na siya.
"Leigh si Yannah to" unti unti syang bumangon sa pag kakayuko nya.
"Yannah?" Bagong gising na sabi nya "anong ginagawa mo dito?" Tanong nya pa at tumingin tingin sa paligid.
"Kanina ka pa wala, kaya hinanap ka na namin" sabi ko.
"Sorry, diko namalayan na nakatulog ako" nag kamot ulong sabi nya.
"Naku okay lang, pero dahil ba to sa childhood friend mo kaya ka nag mumukmok mag isa?"tanong ko sakanya kahit alam ko na ang sagot. Napayuko sya sa sinabi ko at dahan dahang tumango.
"Ganon na nga" mahinang sabi nya "hindi ko lang matanggap" sabi nya pa.
"Hindi mo matanggap na bumalik na sya?" Tanong ko. Nag angat sya ng tingin sakin at ngumiti ng malungkot.
"Hindi" sagot nya "Hindi ko matanggap na ang lapit lapit na nya saakin pero parang ang layo layo naman nya" malungkot na sabi nya .
"Leigh.." wala akong masabi!
"s**t! Sorry masyado na akong sensitive at overacting sa nangyayare" natatawa kunwaring sabi nya eh halata namang paiyak na sya. Simula kahapon nakita ko na ang soft side ni Leighton. Kahinaan nya ang childhood friend nya. Inlove to!
"You're not sensitive, you're not overacting. If it hurts, it hurts" sabi ko sakanya na ikinangiti nya ng konti. (Konti lang naman).
"Salamat sa pag intindi" sabi nya at tumayo na, binitbit ang gitara. "Tara na?" Aya nya sa akin kaya tumayo narin ako.
Lumabas na kami at nangunguna siyang nag lalakad sakin kaya sinusundan ko nalang sya kung saan sya pupunta.
Hindi nag tagal alam ko na kung saan kami papunta. Papunta kami sa may mini garden ng school.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya nang makaupo na kami sa may damuhan.
"Mag papahangin"
"Kagagaling lang natin sa AVR, may aircon naman dun ah" papahangin daw eh ang lamig lamig sa AVR? Baliw na ata si Leigh.
"Mas masarap ang sariwang hangin" sariwa eh air poluted nga.
"Sabi mo eh" kibit balikat na sagot ko.
"Bakit pala hindi mo kasama si Ash at Audrey?" Tanong nya.
"Hinanap ka namin, nag hiwalay kaming tatlo. Swerte ko ako nakahanap sayo" natatawang sabi ko.
"Bakit nyo naman ako hahanapin, hindi naman ako nawawala" kunot noong sabi nya.
"Gusto nila kwentuhan mo kami sa nangyayari sayo"
"Nangyayari sakin?" Takang tanong nya.
"Nasabi ko kasi na bumalik na yung childhood friend mo" nanahimik sya sa sinabi ko. "Uy galit ka ba? Sorry nasabi ko"
"Hindi ako galit, pero ayoko muna sanang pag usapan" sabi nya at tumayo na "tara uwi na tayo, wala naman ng klase" sabi nya at nauna ng nag lakad. Kaka punta palang namin dito eh, uuwi na agad? Kasi naman Yannah eh, sabi ng wag mong sabihin yan tuloy!.
Agad akong sumunod sakanya papuntang parking lot. Malapit na palang mag alas singko ng hapon, hindi ko alam kung umuwi na si kuya o hindi pa. Half day lang kasi kami ngayon dahil ginamamit ang pang hapon na klase sa pag announce at pakita ng mga list sa nakuha sa bawat club.
Pag ka dating sa parking lot nakita ko yung kotse ni kuya. Buti naman at hindi pa siya umuwi.
"Hatid na kita" napatingin naman ako kay Leighton na nasa harap ko pala.
"Naku, hindi na sabay kami ni kuya ngayon umuwi" tanggi ko.
"Sigurado ka?" Tanong nya at tumango naman ako "Sana sinabi mo at sa loob mo nalang siya hintayin. Konti nalang ang sasakyan dito at mga studyante" baka maagang nag siuwian. Bat nga naman ako sumama sakanya palabas? Balak ko kasing kausapin si kuya. Tagal na kaming di nag papansinan eh.
"Naku okay lang dun nalang ako sa may waiting shed mag hihintay" sabi ko
"Sige, mauna na ako" sabi nya at nag lakad na papuntang sasakyan nya. Galit kaya sya?
Nag lakad nalang ako papunta sa waiting shed hindi kalayuan dito sa may parking lot at nag hintay.
Habang nag hihintay nag labas muna ako ng librong mababasa. Bagong bili ko lang to at ngayon ko lang uumpisahan basahin.
Inumpisahan ko ng basahin ang librong binili ko. Hindi naman sya ganon kakapal kaya baka matapos ko to hanggang bukas o baka mamaya pag walang tulugan haha.
Matagal tagal na akong nag babasa nang mapagod na ang mata ko kaya itigil ko na ito, naka dami din ako ha!
Inilagay ko sa bag ang libro ko saka ko lang napansin na makulimlim pala. Hala mukhang uulan pa, bakit biglang dilim naman ng langit.
Tinignan ko kung anong oras na at s**t! malapit na palang mag alas sais ng gabi. Wala na din akong makitang mga studyante. Nakauwi na kaya si kuya? O baka nasa loob pa? May practice kaya sila ngayon? Makikita naman nya ako kapag dumaan sya dito eh.
Agad akong tumayo at nag lakad papuntang parking lot para tignan kung nandoon pa ang kotse nya. Dahil makulimlim at pagabi na talaga, tanaw kong medyo madilim sa parte ng parking lot. Nag sisimula na akong kabahan.
Nang maka rating ako sa may parking lot ay agad akong nag lakad papunta sa kotse ni kuya na sa pag kakatanda ko ay nasa bandang gitna. Tanging ilaw nalang ang nag bibigay liwanag dit--
"s**t!" Napasigaw nalang ako ng hindi ko pa nakakalahati ang pag lalakad sa loob ng parking lot ay biglang namatay ang ilaw at saktong kumulog.
Napaupo nalang ako sa kinakatayuan ko dahil sa takot at nag simula ng manginig. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Eto nanaman ako, nang hihina at walang magawa kundi ang umiyak. Nahihirapan na akong huminga. Hindi ako maka hingi ng tulong. Hindi ko din alam kung may tutulong ba saakin ngayong gabi na at ako nalang ata ang tao dito.
"Kuya asan kana?"
Nanghihina na ako, ang bigat sa pakiramdam.
"YANNAH!" papikit na ako nang bigla kong narinig ang pangalan ko, pero wala na akong lakas para alamin kung sino ito.
"Andito ako" mahinang sabi ko, humihingi ng tulong pero maski ako ay halos hindi ito marinig.
Ramdam ko na ang pag bigat ng mga talukap ng mata ko, wala na akong lakas para labanan ito at imulat.
"Yannah!" Rinig ko pang sigaw ng kung sino ito at naramdaman kong may yumakap saakin.
"Shh, andito na si Kuya"