Chapter 10

2158 Words
Moving on doesn't mean you forget about things or people, It just means you have to accept what happened and continue living. -Leighton, ALLTR Zeyannah Aish ano ba naman to! Buti linggo palang ngayon at wala pang klase. Matapos namin sumakay kahapon sa flying fiesta no choice kami kundi umuwi. Swear sobrang nahilo talaga ako at hanggang ngayon parang may hang over pa ako. Daig ko pa uminom ng alak eh. "Yannah anak?" Biglang may kumatok sa pinto ko. "Pasok po, bukas yan" sabi ko habang hinihimas yung sentido ko. Bat ba kasi ang bilis bilis ko mahilo? Buti nalang sanay ako mag byahe. "Yannah may nag hahanap sayo sa baba" si manang pala. "Sino daw po?" "Si Leighton" sabi ni manang. "Eh? Bakit daw?" Wala naman syang sinabi na dadalaw sya. Wala naman kaming group works sa pag kakatanda ko? "Wala naman syang nabanggit anak" sabi ni manang "ah yannah anak kung pwede wag kayo mag tatagal dito" nag taka naman ako sa sinabi ni manang. "Bakit naman po manang?" "Andito pa kasi sila Mama mo baka makita nila na may kasama kang lalake" eh? "Naku manang Leighton is just my friend. At sya yung tinutukoy ko kila mama na nakatira malapit lang dito sa atin" baka iniisip ni manang na Boyfriend ko si Leighton kaya ganyan sya Hahaha. "Baka magalit sila?" Patanong na sabi pa nya. "Naku manang believe me hindi yan. Gusto nga nila makilala mga kaibigan ko eh. Sanay na din sila Mama na may lalaki akong kaibigan" "Hay ikaw bahala, o sya sige mag ayos kana at baka mainip na si ijo" sabi nya bago mag paalam na umalis. Kahit na parang may hang over pa ako pinilit kong mag ayos ng sarili bago bumama at nadatnan ko syang naka upo sa may sala. "Yannah" nakangiting bungad nya saakin. "Napadalaw ka?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako. "Tinawagan ko kanina sila Ash at Audrey, masama parin ang pakiramdam nila. Kaya naisip ko lang na kagaya nila masama parin pakiramdam mo?" Patanong na sagot nya saakin. Well, 'di sya nag kakamali. "May hang over pa" natatawang sabi ko sakanya. "Kumain ka na ba? May dala akong pagkain. Take out, galing kasi kaming Jollibee naisip ko na idaan to sayo" kamot ulong sabi nya. "Halaa Jollibee? Sakin?" Natuwa naman ako nung itaas nya yung dala nyang plastic na may laman ngang Jollibee. "Ayaw mo ba?" Tanong nya. "Naku hindi ah, favorite ko ang Jollibee. Akin na hehe Salamat ha?" Nakangiting inabot ko yung dala nyang plastic. Sinilip ko ang laman at pang umagahan pala. May pancake, may burger din, hot choco at meron ding rice na ewan kung ano yung kasama "ang dami naman nito?" Natutuwang tanong ko pero may halong hiya. "Alam ko naman na gusto mo lahat basta galing sa jollibee" nagulat naman ako sa sinabi nya "Biro lang. Diko kasi alam kung ano gusto mo" natatawang sabi nya. "Naku ikaw talaga. Pero salamat Leigh ah" sabi ko. "Naku wala yun. Jollibee lang eh" natawa naman ako sa sinabi nya. Rk ehh hahaha. "Yabang neto. Well yeah salamat sa pa Jollibee pero ang ibig kong sabihin yung kahapon" aish naalala ko nanaman kung gaano kasama ang pakiramdam ko kahapon matapos sumakay sa letseng flying fiesta na yun. Diba pag fiesta dapat masaya? Kaya siguro may flying kasi lumipad yung dapat fiesta. Sobrang laking tulong na hindi sumakay si Leighton kahapon kasi sya yung nag asikaso saamin nila Audrey, sya nadin nag hatid saamin. Si Franz? Ayun may tama din kasi. "Tigas kasi ng ulo nyo eh" sabi nya. Makikinig na talaga ako sakanya lagi hehe. "Samahan mo nalang ako kumain" aya ko kahit na alam kong kumain na sya. Aba may hiya din naman ako no. "Yannah sino yang kausap mo?" Bigla ay narinig ko si Mama. Naka talikod kasi ako at natatakpan ko si Leighton. Humarap naman ako at tumabi para makita nya si Leighton. "Leighton?" Biglang tanong ni Mama. Kilala nya si Leigh? "Kilala mo sya Mama?" Tanong ko sa kanya. Gulat namam nya akong tinignan. "Ah He's my Friends son" sagot ni Mama. Woah, nice to hear that huh. "Mabuti kung ganon Mama. Sya nga pala yung na kwento ko sainyo na kaibigan ko. Yung malapit lang dito saatin" masayang paalala ko. "A-ah ganon ba? Good to hear that Anak" sabi nya saakin at nilingon si Leighton at nginitian ito. Hmm medyo pilit ata? "Hi po tita. Goodmorning po, I just brought some food for Yannah kasi I know she's not feeling well" nakangiting sabi ni Leighton kay Mama. "What's wrong with you yannah? Anong nararamdaman mo?" Tanong ni Mama. "Hang over?" Tanong na sagot ko. I don't know the exact word na pwedeng gamitin eh. "Did you drink liquor?" Gulat na tanong ni Mama na agad kong ikina iling. "No mama that's not what I mean. Yesterday kasi we go to the mall and ride on a flying fiesta. Nahilo at sumama pakiramdam ko dahil don. And now, may hang over pa" paliwanag ko. "Bat kasi sumakay ka sa ganon?" Bumuntong hininga si Mama. "Excuse me po Tita, Yannah ahm I need to go na po" naihiyang singit ni Leighton. "Eh kakain pa tayo" baling ko sakanya. "Maybe next time nalang" sabi nya. So may next time pa na Jollibee? Hahaha okay yun ah. "Sige na nga. Thank you ulit ah?" Sabi ko at nginitian nya lang ako at nag paalam ulit. Aalis na sana sya ng pigilan sya ni Mama. "Leighton ijo, can we talk?" Pigil ni Mama. Ano naman pag uusapan nila? Baka ikakamusta yung kaibigan nya "Sure po tita" sagot ni Leighton "Excuse us Anak. Go and eat your food. mag uusap lang kami saglit ni Leighton" sabi ni Mama kaya pumunta nalang ako sa kitchen para kainin 'tong binigay ni Leighton. Isinalin ko lang sa Pinggan ang mga pagkain bago nag simulang kumain. Ang sarap talaga ng Jollibeee! Ewan ko ba, bukod sa strawberry, jollibee ang isa sa pinag kaka adikan ko pag dating sa pagkain. Basta hindi ako mag sasawa kumain ng Jollibee. Hehe. Medyo madami din itong binigay ni Leighton lalo na't mag isa lang akong kumakain. Ang sarap talaga huhu. Subo dito, subo diyan. Hala sige kain yannah! Halos maubos ko na ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Lumingon ako sa papasok dito sa kitchen at tama nga ako dahil andun si Leighton at nakatingin sakin. Wala eh, malakas pakiramdam ko. Kaya TH ako lagi eh. "Uy andiyan ka pala. Hala sorry ah paubos ko na yung binigay mo" kala ko kasi uuwi na sya pag katapos nilang mag usap ni Mama. "O-okay lang" sabi nya. Tinitigan ko sya. Kasi naman para syang umiyak? Lumapit ako sa kanya at tama nga ako! Medyo nag r-red pa mata nya. "Hala anong ginawa ni Mama? Anong sinabi nya? Umiyak kaba? Halaaa" natatarantang tanong ko. Hindi naman kasi sya mukhang umiyak kanina bago sila mag usap ni Mama. "Walang kasalanan si tita" natawang sabi niya. Hala baliw na ata si Leigh. Kagagaling sa iyak tapos ngayon tumatawa? "Kanina pa kami tapos mag usap. It's about my Friend. Childhood friend" ngumiti sya ng pilit "I miss her" shet nangingilid nanaman luha nya! What's wrong with him? "Can I hug you Yannah?" Tanong nya. "Eh?" Bakit naman ako yung yayakapin nya? "I really miss her. I-imagine ko nalang na ikaw sya" na meke pa sya ng tawa pero mas lalong nangilid luha nya kaya niyakap ko nalang sya. Naramdaman ko naman na niyakap nya ako pabalik. Mahigpit. Sobrang higpit. At naramdaman ko na namasa na sa may bandang balikat ko. Really? Si Leighton na tahimik? Na hindi masyadong nag papakita ng emosyon? Umiiyak? This is not the Leighton I know. But one thing that I surely know this time, Nasasaktan sya. Siguro sobrang miss na nya ang childhood friend nya. Bakit parang ramdam ko sya? Naramdaman ko na unti unti ng lumuluwag ang pag kayakap nya saakin hanggang sa bumitaw na nga sya. "Ah Sorry" biglang sabi nya at agad pinunasan ang mata bago ako tignan. "Naku okay lang. Ahm pwede mag tanong?" Curious kasi ako sa Bestfriend nya eh. Ano bang nangyare at naiiyak pa sya? "Sige, ano yun?" "Ano bang nangyari? Bat ka umiiyak? Yung sinabi mo bang childhood friend mo same ba sa taong binanggit mo kahapon? Yung kasama mo sumakay sa flying fiesta?" Sunod sunod na tanong ko. Natawa naman sya bago nag salita. Kita mo to baliw na talaga. "Easy, isa isa lang mahina kalaban" natatawa nyang sabi "Eh curious ako. Dali na" pangungulit ko. Inaya ko sya sa may sala para dun mag kwento "So, ano na?" Tanong ko pagkadating namin sa sala. "Ang kulit mo ngayon" natatawang sabi niya. Bigla naman akong nahiya. Baka nag o-overreact na'ko. Aish ano ba Yannah dimo man lang ba naisip na baka masyadong personal yung mga tanong mo? "S-sorry hindi mo naman kailangan sagutin yung mga tanong ko. Na curious lang ako" nahihiyang sabi ko. "Sa kulit mong yan? Sa tingin mo matitiis kong di sagutin ang mga tanong mo?" Natatawang sabi nya. Parang kanina lang naiiyak to ah. Bilis mag bago ng mood? "Yung nabanggit ko kahapon na childhood friend ko, at yung ngayon parehas lang. Nakilala ko sya bago ako mag start ng kinder. I think 3 years old palang kami noon. Kung iisipin sobrang bata pa namin that time pero you know naging playmate ko sya at naging kaibigan. My first bestfriend, my first crush, and my first puppy love" umpisa nya "Go on, Im listening" sabi ko naman. Tutok na tutok sakwento nya. "Same school kami simula nung nag kinder kami hanggang elementary. Mag kaklase kami lagi. Kagagawan ng magulang namin yan para daw mabantayan ko sya kaya naman naging sobrang close kami. Mag ka kilala din ang parents namin kaya maski weekend mag kasama kami, nag lalaro, namamasyal and so whatever. Sobrang bait nya, maganda, mag ka vibes kami. Siya lang ang kaibigan ko noon" tinignan ko sya habang nag k-kwento. Parang ang saya nya habang inaalala ang mga sinasabi nya. "Nasaan na sya ngayon?" Diko na napigilan ang mag tanong. "Pag katapos ng graduation namin ng elementary, kinailangan namin lumipat dito dahil sa trabaho ni Daddy. Dito nadin ako nag patuloy mag aral. Hindi ako nag paalam sakanya kasi alam kong iiyak sya. Iyakin yun eh" ngumiti sya "Sa video call nalang ulit kami nag usap at nag kikita simula no'n. Unang tawag nya gaya ng inaasahan ko umiyak sya ng umiyak. Nagtampo sakin, buti at napatawad din ako. Then ganon nalang ang gawain namin. Hanggang sa nakilala ko sila Audrey na naging kaibigan ko. Dumating yung time na bihira nalang kami mag usap. Nagulat nalang ako isang araw tumawag sya, umiiyak. Pinagalitan daw sya ng parents nya dahil may boyfriend na sya"natawa sya. Na may halong lungkot? "Grate 7 sya unang nag ka boyfriend!?" Hala ang bata naman, malamang papagalitan sya. "Nagulat din ako nung sinabi nya" natatawang sabi niya "Nalaman ko na isa sa kaibigan ng kuya niya ang naging boyfriend nya. Yung crush nya noong bata pa kami. Masaya naman ako para sakanya. Pero kung ako ang tatamungin? Ayoko sa lalaking yun. Mayabang umasta yun. Kaso anong magagawa ko? Kailangan ko nalang tanggapin. Dun sya sasaya. Kahit na masakit, tinanggap ko" natahimik sya saglit bago nag salita "Minsan na lang kami mag usap. Nawawalan na siya ng time sakin. Tapos pag mag uusap kami puro sya yung boyfriend ko ganto, ganyan. Sya lagi pinag uusapan namin. Ang sakit lang" nameke sya ng tawa "bata palang kami crush na crush ko na sya. Minahal ko nga ng diko namamalayan. Kaso hindi ko nalang pinaalam. Hanggang sa dumating yung time na Grade 8 na kami. Bigla nalang kami nawalan ng communication. As in wala. Kaya nung nag karoon ng pag kakataon na bumisita ako sa probinsiya namin. Sinamantala ko na. Kaso huli na, wala na sila doon" "Grabe naman. Walang paalam? Biglang nag laho?" "Ganon na nga. Simula no'n inalagaan ko ng mabuti sila Audrey at Ashley. Ayoko na mawalan ng kaibigan. Pakiramdam ko kasi napabayaan ko si- yung childhood friend ko. Halos wala nga akong naging kaibigang lalake. Natatakot ako na baka bigpang pumorma kila audrey" natatawang sabi niya. "Buti na kaya mo? I mean diba ang hirap mawalan ng kaibigan. Hindi lang basta kaibigan kasi childhood friend mo yun eh. Ako kasi wala naman akong childhood friend kaya hindi ko alam ang pakiramdam" sabi ko. Lonely nga kasi ako gaya ng sabi nila Mama. Pero noon yun. "Nag move on nalang ako" Malungkot akong nginitian ni Leighton. "Nag move on? So kinalimutan mo sya ganon?" Tanong ko pero agad syang umiling. "Moving on doesn't mean you forget about things or people, It just means you have to accept what happened and continue living" sabi nya "Acceptance kumbaga" "Kung naka move on kana, bakit ka umiyak kanina? Bakit miss mo nanaman sya? Ano bang nangyari pag katapos niyong mag usap ni Mama?" "Bumalik na sya"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD