Part 12

1134 Words
MALIKSI na ang pakiramdam ni Luis. Naisip niyang sinisingil lang siya ng sobrang puyat at abuso niya sa katawan nitong nagdaang araw at talagang kulang din siya sa tamang pagkain kaya hindi nakakapagtakang sumakit ang ulo niya. Pero matapos ang masagana nilang tanghalian ni Grace, bumuti ang pakiramdam niya. Come on, masarap kasing kasama si Grace. Aminin mo. Napangiti na lang siya. Hindi na niya kokontrahin ang tila panunudyong iyon. Totoo din naman kasi. Masarap itong kasalo sa tanghalian. Maganang kumain. Kaswal na kaswal lang na umorder ng extra rice para sa kanilang dalawa. Hindi kagaya ng iba na tamilmil sa pagkain. Pero may sakit naman si Lara. Kahit gusto niyang kumain nang marami, hindi niya magawa. Hindi naman siya dating ganoon. Naipilig niya ang ulo. Hindi niya pini-pin point si Lara. He was talking about women in general. Oh , well, at least mga babaeng nakakasama niya. Karamihan sa mga iyon ay parang bilang na bilang ang subo. Na parang konting sobra sa kakainin ng mga ito ay makadaragdag agad sa lapad ng bewang nga mga ito. Kinuha niya ang wallet niya. Picture nilang dalawa ni Lara ang nandoon. Lumang picture na puno ng buhay. Debut party noon ni Lara. At langit sa kanya na isinali siya nito sa eighteen roses. Noon pa lang ay malalim na ang pagmamahal niya dito. Ito ang inspirasyon niya para lalo siyang magsikap sa buhay. Gusto niyang dumating ang araw na hindi nakakahiyang aminin niya nag pag-ibig niya dito. Pero masyadong maigsi ang oras na binigay sa kanila ng tadhana. He sighed with a heavy heart. Itinabi na niya ang wallet at saka itinuloy ang trabaho. Hindi niya namalayan ang oras. Na-distract lang siya nang sumimoy ang aroma ng kape sa office niya. “Break time na,” sabi ni Grace at ibinaba nito sa mesa nito ang kape. “Hindi pa naman ako humihingi.” Sinulyapan niya ito ng nagpapasalamat na tingin. “Marunong naman akong magkusa. Pero kung ayaw mo, ako ang iinom. Sayang naman.” “Iinumin mo kahit ganyan kapait?” “Mapait na ang buhay pati ba naman kape ko papayagan ko pa ring bitter? Siyempre lalagyan ko ng asukal saka cream. Iinumin mo ba ito o reretokehin ko na lang para sa akin?” “Nag-meryenda ka na?” he suddenly asked. “Sa dami ng nakain natin kanina? Busog pa ako. Oh, gusto mo ng snack? Sandwich?” “Busog pa rin ako. Iwan mo na iyang kape diyan. Tama na sa akin iyan. Thank you.” Hindi pa ito agad tuminag. “Hindi na masakit ang ulo mo?” “Hindi na. At salamat din sa iyo.” “Thank heavens!” At saka maluwang itong ngumiti. “Ano kaya ang kakaibang nakain mo? Ang sipag mo nang magpasalamat ngayon. Saka hindi ka rin masungit.” “Siguro dahil busog naman ako.” “Dapat pala palagi kang busog.” “Ah, Grace, I sent you some files. Open and study it. Kapag may hindi ka naiintindihan, itanong mo na lang sa akin.” “Okay.” Kinuha niya ang kape at ininom iyon. He was watching her leave above the rim of the cup. Malakas talaga ang dating ng mahuhubog nitong legs sa kanya. NANLAKI ang mga mata ni Grace nang makita ang files na pinadala ni Luis sa kanya. Hindi niya trabaho ang files na iyon kaya bakit niya pag-aaralan? She scanned them. Wala siyang makita doon na kailangan niyang pag-aralan. Tumayo siya at bumalik sa opisina nito. “Luis.” “Hmm?” Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatutok ito sa screen ng computer. She was seeing his side view profile. Malakas makaagaw ng pansin ang matangos na ilong nito lalo na sa ganoong anggulo. His brows were thick but in a nice, manly shape. He had dark circles under his eyes. Isang bagay na hindi nakakapagtaka base sa sitwasyon nito ngayon. He had a good frame of jaw. And he had nice lips, too. She wondered if those lips were wonderful in kissing. Parang nagulantang siya sa naisip. Why would she think about kissing? “Mary Grace.” Bumaling ang tingin niya dito. Tinawag siya talaga nito sa buong pangalan niya? “I’m asking you. May kailangan ka ba?” “Ah, yes,” sagot niya na parang noon lang natauhan. “About the files you sent me. Na-wrong send ka yata.” “Hindi ako puwedeng magkamali ng send, Grace. Highly confidential files ang mga iyon,” seryosong sabi nito. He made few clicks on his computer. “Ito ang tinutukoy mo, di ba?” “That’s it!” ayon niya. “Did you intentionally send me the file?” “Hindi ba’t iyon nga mismo ang ginawa ko?” “It’s not part of my job,” may diin na wika niya. “At sino naman ang may sabi sa iyo niyan?” Nagsukatan sila ng tingin. Tumikhim ito. “Kung iniisip mong sumusuweldo ka dito para lang magtimpla ng kape, you’re wrong. There’s more to you job description, Grace. And I know you’re too smart just to make me coffee.” “Trabaho ba ng personal assistant ang mga iyon?” protesta pa rin niya. “That. And more.” Inayos nito ang tila nalihis na neck tie. “Mayroon ka bang hindi naiintindihan sa mga files na iyon?” “To tell you honestly? Lahat! I don’t understand them.” Ngumisi ito. “Hindi ako naniniwala sa iyo. Company profile pa lang ang pinadala ko sa iyo. Plus some confidential details.” “Why do I have to know that?” “Part of your job?” tila nauubusan ng pasensya na sabi nito. “Sige na, basahin mo na uli. Kapag naman ginusto mong maintindihan ang isang bagay, tiyak na maiintindihan mo talaga.” Gusto niyang magpapadyak doon pero alam niyang childishness iyon. Masama ang loob na bumalik siya sa mesa niya. Ilang sandali na parang ayaw tanggapin ng isip niya ang nga impormasyong nasa harapan niya. Pero naisip niya, tama nga din naman si Luis. Sa laki ng salary grade niya doon bilang personal assistant nito, hindi sulit ang suweldo niya kung aabangan lang niya kung kelan ito magpapagawa ng kape sa kanya. She concentrated on understanding the files. At unti-unti ay na-hooked siya sa mga impormasyong naroroon. Wala siya talagang kaalam-alam sa kumpanya ng tiyo niya. Ang alam lang niya ay magaling ito sa pagma-manage ng pera. Pero hindi niya alam na to the highest level ang galing nito doon. Malalaking mga kompanya at korporasyon ang nagtitiwala sa investment firm nito. She was impressed. “Five na,” untag sa kanya ni Vina. Nakaimis na nag mesa nito at handa nang umuwi. “Mauna ka na,” tugon niya dito. “Ingat ka.” “Ikaw rin. Bye!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD