bc

A Brand-New Christmas For Luis

book_age16+
344
FOLLOW
1K
READ
independent
confident
boss
drama
sweet
bxg
office/work place
slow burn
sassy
like
intro-logo
Blurb

"I'm moving on. I want to love someone else. And I want it to be you."

Paano ba mag-move on? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano magiging madali kay Luis iyon kung mula pagkabata niya ay wala siyang ibang minahal kundi si Lara? Minahal nga siya nito sa bandang huli pero kung kailan huli na ang lahat. Maigsi na lang ang sandali para sa kanilang dalawa.

Pero gusto niyang mag-move on pa rin. Sa kabila ng sakit ng pagkabigo, alam ni Luis na kailangan niyang ipagpatuloy pa rin ang buhay niya. He wanted to love again.

At hindi naman niya kailangang ilayo masyado ang tingin. There was Grace, ang sekretarya niyang ubod ng ganda at may mina yata ng self-confidence. Palagi pa nitong ipinagmalaking "dikit" ito sa big boss. Ang kaso ay may pagka-misteryosa din ang babaeng iyon. Kung kailan handa na siya para ligawan ito ay saka naman ito biglang nawala.

At ang susi lang para mahanap niya si Grace ay ang big boss niyang si Kevin--- guwapo, mayaman at isa sa most sought after eligible bachelor in town. And Kevin was over-protective of Grace.

Pero desidido na siya. Kahit harangan pa siya ng big boss, hahanapin niya si Grace.

chap-preview
Free preview
Part 1
Masuyong pinagmasdan ni Luis ang dala niyang bulaklak. Alam niyang magandang-maganda na iyon pero gusto pa rin niyang tiyakin na perfect ang bouquet bago iabot sa espesyal na taong pagbibigyan niya. He took a deep breath. Bagaman alam na ng lahat ang totoong layunin niya kay Lara ay hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa tuwing haharap siya sa mga ito na bakas ang buong intensyon niya. Anak ka lang ng katulong. Hindi na niya kayang bilangin kung ilang beses iyon na lumabas sa bibig ng kanyang ina. At sa tuwina, hindi lang sa tono nito, mas lalo’t higit sa anyo nito mababakas niya ang gusto nitong maintindihan niya. And he understood it perfectly. Oo, anak nga siya ng katulong. Hindi niya mababago ang katotohanang iyon pero sana dumating din ang araw na maintindihan ng kanyang ina na hindi naman niya ikinakahiya ang pinagmulan niya. Amo nila ang pamilya ni Lara. Nakagisnan na niyang ang pamilya nila ang katiwala ng mga ito sa pagmamantina ng mansyon nito. Ang ama niya ang responsable sa lahat ng gawaing mas magagawa ng lalaki at ang ina naman niya ang sa pag-aasikaso ng bahay at pagluluto. Nakalakhan na rin niyang tumutulong sa mga magulang niya kahit may iba pang kawaksi. Bata pa siya ay itinanim na sa isip niya na huwag siyang tatamad-tamad. Na kailangan pa rin nilang makisama. Para sa mga magulang niya, suwerte na nila na maging amo ang mga Castillo. Bihira na daw sa panahon ngayon ang ganoong mga amo. Libre sila sa lahat. Mayroon silang maayos na tirahan sa bandang likuran ng bakuran ng mansyon. At sinagot din ng mga ito ang kanyang pag-aaral. Lahat ng iyan, hinding-hindi niya makakalimutan dahil parang sirang-plaka na sinasabi ni Aling Celing--- ang kanyang ina. At ganoon na lang din ang gulat nito nang aminin niyang may pagtingin siya kay Lara. Hindi nito matanggap. Na ano na lang daw ang sasabihin ng mga amo nila? Na para siyang langaw na natuntong sa kalabaw? Na napakataas ng pagtingin niya sa sarili niya para gustuhin si Lara? Maraming beses din siyang nagpaliwanag sa ina na hindi ang katayuan o yaman ni Lara ang ginusto niya. Hindi ganoon kadaling naintindihan ni Aling Celing kung paanong mula pagkabata nila ay nagkaroon na siya ng special feeling kay Lara. Bago pa dumating sa mansyon si Rachelle, silang dalawa na ni Lara ang palaging magkasama. Magkalaro at minsan magkaaway din; makatuwang sa pag-aaral ng leksyon kahit na sa magkaibang eskuwela sila pumapasok. He was always there for Lara. At kahit na pumasok na sa eksena si rachelle, hindi niya kailanman pinagpalit si Lara para kay Rachelle. Magkakasundo silang tatlo. Pero hindi matitibag ng kahit na sino ang puwestong pinaglugaran niya kay Lara sa puso niya. He took another deep breath before he did a warning knock. Nang bumukas ang pinto ay si Rachelle ang agad na nakita niya. Naging maluwang ang ngiti nito nang bumaling ang tingin sa bulaklak niyang dala. “Pasok ka,” sabi naman sa kanya ni Albert, ang ama nina Lara at Rachelle. “Magandang araw po sa inyo, Tito Albert, Tita Loi,” pagbibigay-galang niya sa mag-asawa at nginitian din niya si Rachelle. Bahagya siyang tinanguan nito bago lumapit sa kama ni Lara. Sa sulok ng mata niya ay alam niyang nakatingin sa kanya ang lahat. Lahat ng naroroon ay kasama na niya sa buong buhay niya. Hindi niya kailangang mag-overacting. Kilala na ng mga ito ang kilos niya. Itinuon niya ang atensyon kay Lara. Nakatingin din ito sa kanya pero wala halos emosyon ang mukha. Maybe she was not really feeling well. O maaari ding napapangunahan ito ng bagsak na emosyon. He could feel it. Nang malaman niya ang tungkol sa sakit nito, pakiramdam niya ay gugunaw ang mundo niya. Hindi ganoon kadaling tanggapin ang sakit na cancer. Alam niya, sa kabila ng makabagong medisina, mataas pa rin nag bilang na naigugupo ng sakit na iyon. Iniyakan niya nang palihim ang kaalamang iyon. Hindi siya agad na nagpakita kay Lara. Gusto niyang matatag siya kapag humarap dito. At nang akala niyang handa na siya ay nagdesisyon nga siyang bumisita. Bisita na kunwari ay karaniwang sakit lang ang mayroon si Lara at itinutuloy lang niya ang panliligaw niya. Pero mahirap pala. Isang sulyap lang niya kay Lara ay halos matunaw na ang puso niya. Gusto niyang umiyak. Pero pinigilan niya ang sarili at sinikap na maging matatag. Malaking kahihiyan na mag-iiyak siya doon. Dapat makita ni Lara na mahina pala siya. Mas kailangan niyang ipakita dito na matatag siya. At masasandalan nito. “Lara...” Halos hindi lumabas sa bibig niya ang salitang iyon. Pakiramdam niya ay mabubulunan siya sa pinipigil na emosyon. Tila maiiyak na siya kahit anong pigil nag gawin niya sa sarili. Humigpit ang hawak niya sa bungkos ng iba’t ibang kulay na gerbera na tila doon siya kumukuha ng tatag ng loob. Habang ang isang kamay naman niya ay nangahas na humawak sa kamay ni Lara. Isang matipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lara. Langit na iyon para sa kanya. Hindi siya makaapuhap ng sasabihin. Isang ngiti pa ang ibinigay nito sa kanya bago pumikit. Nagdikit ang mga ngipin niya. Bakas sa buong mukha nito na pinapahirapan ito ng sakit. Hindi niya alam ang mga detalye. Kapag nasa bahay sila at nagkukuwento si Aling Celing, hindi halos pumapasok sa utak niya ang sinasabi ng ina. May iba siyang iniisip. Mayroon din siyang kinatatakutang mangyari dahil sa taglay na sakit na iyon ni Lara. Paano kung hindi na ito gumaling? Paano na sila? Paano na siya? Yumuko siya. Pumikit siya nang mariin at umusal ng panalangin para sa paggaling nito. “Lara.” Narinig niyang sabi ni Tito Albert. Nang mag-angat siya ng paningin ay magkatabi sina Albert at Loi sa kabilang side ng kama. Kagaya niya ay itsura din ni Loi na waring pasan din ang mundo. “She’s getting worse,” halos hindi lumabas sa bibig ni Loi ang mga salitang iyon. “Sabi ng mga doktor, mas pinapahirapan siya ng mga bukol na nag-metastasize na sa baga niya kaya ganyan na nahihirapan siyang makahinga. Dumadami na ang kumplikasyon sa sakit niya.” Naikuyom niya ang palad. “She’s in constant pain,” bagsak na bagsak ang emosyon na sabi pa ni Loi. “Parang lalong umiigsi ang mga nalalabi niyang araw. Paano mo natitiis ang kapatid mo sa kalagayan niyang iyan?” Napakunot ang noo niya. At noon niya napagtanto na si Rachelle ang kinakausap ni Tita Loi. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon. Sinulyapan niya si Rachelle na parang natulala lang sa kinauupuan. Hanggang sa lumabas ng kuwarto ang mag-asawa ay hindi nakapagsalita si Rachelle. Siya naman ay parang tuod lang na nakatayo doon. Hindi niya alam kung tama bang tanungin si Rachelle o pampamilyang usapin ang bagay na iyon at wala siya sa lugar para magtanong. --- itutuloy ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

Owned by Shade (TAGALOG-R-18)

read
228.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook