Story By Jasmine Esperanza
author-avatar

Jasmine Esperanza

ABOUTquote
Hello, there! I am Jasmine Esperanza. I am the author of the classic romance Just Mine, Wedding Girls series, Class Picture series and many other romance novels published by Precious Hearts Romances.
bc
Pahiram Ng Isang Pasko
Updated at Jan 14, 2023, 00:27
“I don’t want to touch you because I’m afraid, I won’t be able to let you go...” Sino ang magpaparaya? Sino ang masasaktan? Sino ang liligaya? Paano pagbibigyan ni Rachelle ang hiling ni Lara na maranasan sanang mahalin ni Jake sa huling sandali ng buhay nito? At paano din papayag si Jake gayong si Rachelle lang ang tanging mahal niya? At paano din ipagpipilitan ni Lara ang gusto nito gayong alam niyang sina Rachelle at Jake ang tunay na nagmamahalan?
like
bc
La Casa de Amor - Hector
Updated at Aug 29, 2022, 22:00
Mahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa't isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga ay ay isang lalaking kapantay nito ang estado ng buhay. Mayaman, sa madali't sabi. At dahil naging constant sight na sa tabi ni Gemma si Greg-ang lalaking gusto ng mama nito para dito, nagpasya siyang gawin ang karaniwang ginagawa ng mga kabataang sinisiil. Nagtanan sila. Subalit binawi din si Gemma ng mama nito. Wala siyang nagawa. Twelve years later, nagkita silang muli. At sinalubong siya ng mga mata ni Gemma na puno ng poot. Gemma Mauricio-his first and only love, his first and forever heartache... Wala na kayang second chance ang pag-ibig nila? ***** Is love really lovelier the second time around? Iyon ang gustong paniwalaan ni Gemma. Pagkatapos ng muling pagtatagpo ng landas nila ni Hector at paghupa ng galit ay natuklasan niyang mahal pa rin niya ito. Siguro ay iyon na ang pagkakataon niyang lumigaya. Pero natuklasan niyang nakatakda na palang ikasal si Hector sa iba. Masasaktan na naman kaya siyang muli?
like
bc
Sometimes You Just Know - Volume 4
Updated at Aug 17, 2022, 01:30
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa ibalik nito ang paningin sa kanyang mukha. She was shivering. A delicious kind of shiver that made her knees go weak. "Queenie, we have established a passionate tension between us. We never know what will happen next," kaswal ang tonong sabi nito. Passionate tension, by golly! Napailing siya. He had chosen a delicate term at parang gusto niyang tawanan na lamang iyon. But he was serious. "Queenie, kung wala namang mabigat na dahilan ang pagpunta mo rito, I'd like you to go. Hindi dahil itinataboy kita kung hindi dahil sa sitwasyon nating dalawa. You are just a door away." "So...?" Kumunot ang noo nito, halatang napikon sa sinabi niya. "You know what will happen next. You see this?" Itinaas nito ang isang kamay; ang hintuturo at hinlalaki ay halos magkadikit. Bahagyang-bahagya lamang ang awang sa pagitan ng mga daliri. "I'm this close to taking you!" "So, bakit hindi mo ginawa?" hamon niya. "Queenie!" anito sa pagitan ng pagtatagis ng mga ngipin. "Sinusubukan mo ba ako?" ***** Katrina was a wedding gown designer. Wala pa man sa isip niya ang pag-aasawa pero may dinesenyo na siya para sa sarili na kino-consider niyang perfect wedding gown. Just for her, take note. At dahil tuwang-tuwa sa sarili niyang design at hindi naman siya naniniwala sa pamahiin, isnukat niya iyon. Habang suot niya ang traje de boda ay may isang makisig na lalaking walang abog na pumasok sa kanyang opisina. Wala siyang kaalam-alam na kanina pa pala siya nito pinagmamasdan habang kandahirap siyang sa pag-aabot ng zipper sa likod ng gown. "Let me help you..." At bago pa man siya makakibo at naramdaman naniya ang pagdaiti ng daliri nito sa kanyang likuran. It was Jude.
like
bc
Forever And Always (Class Picture Series)
Updated at Aug 9, 2022, 23:30
"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
like
bc
The Spoiled Brat and The Bad Boy (Class Picture Series)
Updated at Aug 7, 2022, 04:30
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto. Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her. At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw! Forever And Always "Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
like
bc
La Casa de Amor - Nathaniel
Updated at Aug 6, 2022, 01:00
"Hindi ako mahilig mag-aksaya ng panahon. Gusto kong sabihin ko na sa iyo ang talagang pakay ko. I want to marry you, Hannah..." Ilang araw na siya sa bahay na iyon sa San Miguel. Dati-rati, ang mga alaala nila ng taong nag-ampon sa kanya ang naiisp niya pero ngayon, okupadong-okupado ni Hannah ang buong isip niya. Nagkatagpo sila si Hannah sa isang sitwasyong hindi niya inaasahan. Pero ang sitwasyong ding iyon ang nagbigay sa kanya ng isang karanasang titimo sa kanyang isip sa habang panahon. Hindi iilang beses na naisip niyang balikan ito. Ayaw din niyang matukso na tawagan si Hannah. Napakadali kung gusto niya itong kumustahin kahit sa telepono man lang. Pero hindi nga niya ginawa. Hangga't maaari ay umiiwas siya sa mga kumplikadong bagay. At alam niya, si Hannah sa simula pa lang ay isa nang malaking kumplikasyon.
like
bc
Finding Treasure... Finding Love (Class Picture Series)
Updated at Aug 5, 2022, 23:30
Kasabay ng pagbabakasyon ni Elisa, sinubukan din niyang puntahan ang lugar na ayon sa journal ng kanyang lolo ay may nakatagong kayamanan. At sa lugar na iyon, nakilala niya si Art, ang tumulong sa kanya nang bigla siyang mawalan ng malay sa daan. Dinala siya ng lalaki sa villa na pag-aari ng pamilya nito. Nakalimutan bigla ni Elisa ang pakay sa lugar na iyon. Na-focus ang atensiyon niya sa binata at sa bawat paglipas ng araw ay lalo silang nagkakalapit. Ni hindi nito inilihim ang pagkakagusto sa kanya. Masaya si Elisa na kasama si Art. Sa maikling panahon ay natutuhan niya itong mahalin. Pero hindi siya sigurado kung ganoon din ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya, lalo at nalaman niyang kagagaling lang nito sa isang failed relationship. At iyon ang nagpapagulo sa kanyang isip.
like
bc
January For August (Class Picture Series)
Updated at Aug 4, 2022, 02:00
"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you." Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reunion ng klase nila noong high school. Hindi niya inasahang ang binata ang magiging daan para matupad ang pangarap niya na maging isang singer. August was one hell of a handsome guy. Napakabait din. At hindi maikakaila ang attraction nila sa isa't isa. Ganoon na lang ang kasiyahang naramdaman ni January nang sa wakas ay magtapat si August ng pag-ibig sa kanya. Akala niya, hindi magkakaroon ng gusot sa kanilang relasyon. Hanggang sa sumulpot ang isang babae na nagsasabing paglalaruan lang siya ni August.
like
bc
Places and Souvenirs - BORACAY 1 - Perfect Chance
Updated at Aug 3, 2022, 05:22
Matigas na matigas ang leeg ni Avery para lingunin si Jake, ang lalaking sinasabi ni Maia na makaka-partner niya sa trabaho. May feature assignment siya sa Boracay at ang lalaki ang underwater photographer na kinontrata ni Maia. Late ang lalaki sa usapan, bagay na nagpapangit ng impresyon niya dito. Lumapit muna siya, sabi pa niya sa sarili habang nakaismid. I don't like your name. I don't like all Jake in this world! Para sa kanya ay tila isang multong gumagambala sa kanya ang pangalang iyon. Subalit sa likod ng isip niya ay malakas ang ahon ng kuryusidad na tingnan ang lalaki. His voice was somewhat familiar. Tumikhim si Maia. "Avery, I'd like you to meet Jake." Gayunman ay taas pa rin ang mga kilay niya nang dahan-dahang lumingon. Sa isang sandaling simbilis ng kisap-mata ay kagyat na napalitan ng pagkabigla ang mataray na ekspresyon niya. Tila tumigil ang inog nang mundo nang magtagpo ang mga mata nila ng lalaki. Jake? Jake Maravilla! Ang lalaking mismong dahilan kung bakit hindi siya kumportable sa pangalang Jake...
like
bc
Places And Souvenirs - Ilocos Trilogy
Updated at Aug 2, 2022, 21:51
Book 1 - Cherilu - Something New In My Life Book 2 - Sandra - Tomorrow You'll Be Mine Book 3 - Jessica - No Flirtation, No Motives
like
bc
High School Flame (Class Picture Series)
Updated at Jul 29, 2022, 01:15
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal. At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?
like
bc
Wedding Girls - Caroline
Updated at Jun 30, 2022, 04:30
“You’re in love. Kayo na ba ni Mr. Villa Verde Resort?” Hindi niya alam ang eksaktong sagot sa tanong ng kapatid niya. Mahigit isang buwan na silang palaging magkasama ni David—ang binatang nagmamay-ari ng resort na napuntahan niya. Pero hindi pa nila pinag-uusapan kung ano nga ba ang relasyon nila sa isa’t isa. Hindi na niya naiisip na magtanong dahil bukod sa wala siyang lakas ng loob na magtanong ng tungkol sa estado ng relasyon nila ay kuntento naman siya sa nangyayari sa kanila. Masaya sila palagi. Hindi sila nag-aaway. Sa bawat date nilang dalawa, pinapatunayan ng binata sa kanya ang pagiging romantiko nito. Ang totoo, hindi niya inaanalisa ang damdamin niya para kay David. Ni ayaw niyang isiping in love siya sa binata. Pakiramdam niya, kapag natanto niya ang bagay na iyon ay magiging problema lang niya. Baka maging demanding lang siya sa binata na suklian din nito ang pag-ibig niya. And yet, itinatanggi pa rin niyang mahal niya ito. She must be crazy. At napangiti niya. Yes she was crazy. She was crazy in love with him. At lumuwang ang ngiti niya. Inamin din niya sa sariling in love nga siya sa binata. “Ate, luka-luka ka na ba? Ngumingiti ka nang mag-isa?” sita sa kanya ni Megan. “Sabagay, mahirap talagang ipaliwanag ang kilos ng in love,” tudyo nito sa kanya at iniwan na siya.
like
bc
Sometimes You Just Know - Volume 3
Updated at Jun 22, 2022, 04:30
Walang salitang pumasok si Riza sa kuwarto. Halos balyahin pa nga niya ang pagkakabara ni Roi sa pinto. Isa lang ang concern niya: ang daluhan ang batang alaga niya. Matapos palitan ng diaper ay sinubuan na rin niya ng dede ang sanggol. Ipinaghele pa niya ito bago tuluyang napayapang muli. Roi was indeed stunned. Hindi nito malaman kung ano ang iisipin sa yaya ng anak. She was not wearing an ultra-sexy negligee. Napalunok si Roi. He had been celibate for more than six months. Seeing the nanny of his son, nang-aakit man ito o hindi ay isa lang ang epekto sa kanyang katawan. The mere sight of her made him hard. Damn! galit na mura niya sa sarili. Pakiramdam niya ay pagtataksil sa alaala ng namatay na asawa ang nangyayari sa kanya ngayon. Or maybe, he could blame it on the wine. *** Bata pa si Marra ay natanim na sa isip niya na walang masamang bagay na gugustuhin ang kanyang amang si Pepito Legaralde para sa kanya. Nang sabihin nitong ipinagkasundo siya ay pikit-mata siyang sumunod. Joseph Thadeus "Tody" Ledcsma was the man. At mabilis na naitakda ang kanilang kasal. She became a woman in his arms. And every time she was with him, she felt how it was to become a baby. To become a girl. Then a lady. And finally, a woman. And before the honeymoon was over, she realized she had fallen in love with him. But being in love with Tody was not enough to make their marriage work. He seemed to need her only physically. She wanted to be loved...
like
bc
Wedding Girls - Julianne
Updated at Jun 16, 2022, 03:23
Hindi inaasahan ni Julianne na sa kanya ipapamana ni Mildred Sunico ang lahat ng kayamanan nito sapagkat hindi naman siya kadugo ng matanda. Subalit hindi ganoon kadali ang magiging pagsalin sa kanya ng kayamanan nito. Kailangan muna niyang sumunod sa kondisyon nito. Ang mag-asawa siya sa loob ng anim na buwan. Tamang-tama naman na nag-alok na sa kanya ng kasal si Tim Pozzorubio. Parang dobleng suwerte iyon sa buhay niya. Matutupad na rin ang pangarap niyang maging bride at may mamanahin pa siya. Pero paano kung matuklasan niyang si Tim ay konektado sa isang taong malaki ang interes sa kayamanang mamanahin niya?
like
bc
Please Be Mine
Updated at Jun 8, 2022, 03:30
Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, well, hindi siya nag-iisa. Crush ng halos lahat ng kolehiyala si Neil. Walang balak magpasapaw si Alodia sa iba. Kaya gumawa siya ng hakbang para sabihin sa binata ang tunay na nararamdaman niya. Pero, sorry na lang siya. Dead-ma sa kanya si sir. Sa sobrang sama ng loob niya at pagkapahiya na rin, umalis siya hindi lang sa unibersidad na iyon. Nagpunta siya sa Amerika at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. At wala na rin sana siyang balak na magbalik pa kahit na nang maka-graduate siya. Pero hindi niya matitiis ang sariling ama na naglalambing sa pag-uwi niya. At isang sorpresang malaman na ang taong dahilan kung bakit ayaw na sana niyang magbalik pa ay kadikit pala ng kanyang ama. At ngayong nagbalik na siya, halatang-halata naman niyang attracted sa kanya si Neil. Puwes, manigas ka ngayon. Wala na akong gusto sa iyo, saloob-loob niya. Kaya?
like
bc
Sometimes You Just Know - Volume 2
Updated at May 19, 2022, 20:45
Ipinagkasundo sina Bernadette and Juniel ng mga inang matalik na magkaibigan. At kung hindi pa nag-apura ang mga ito na matupad ang kasunduan ay hindi nila malalaman. Gustong magrebelde ni Bernadette. Masunurin siyang anak. Pero hindi niya ma-imagine na hanggang sa ganoong punto ay susunod siya. Pero paano niya tatanggihan si Juniel na kung makatitig sa kanya ay tumitibag sa kanyang depensa?
like
bc
My Lover, My Best Friend (Class Picture Series)
Updated at May 1, 2022, 21:52
Nakipagkita si Amor kay Joel para magpatulong sa binabalak niyang class reunion ng high school batch nila. Pero may hihingin din pala itong pabor sa kanya. Humingi si Joel ng tulong para maitaboy ang babaeng habol nang habol dito. Well, she could do that. Basta ba tutulungan din siya nitong ayusin nag reunion nila. Pero imbes na class reunion ang asikasuhin nila ay nauwi iyon sa isang kumplikadong sitwasyon. Sa pagtataboy niya sa babaeng ayaw tantanan si Joel ay nahuli sila ng pamilya nito sa isang napaka-intimate na eksena. At halos kasabay niyon ay nabalitaan din iyon ng madla. At alam na alam nila ang susunod na mangyayari. Ipipilit ng mga partido nila na magpakasal sila. Abot ang tanggi ni Amor. At dapat lang naman dahil engaged to be married na siya sa iba. Pero paano si Joel na parang willing na willing naman na pakasalan nga siya?
like
bc
Wedding Girls - Jenna
Updated at Apr 26, 2022, 08:28
"Ang babae nga pala ay nililigawan muna at saka pa lang pasasagutin. Can we be a bit different, sweetheart? Puwede bang sagutin mo na muna ako at saka na lang kita liligawan? Isang taong panliligaw, puwede na kaya? One whole year kasabay ng engagement period..." Seryoso si Jenna sa kanyang karera bilang wedding planner. Naniniwala siyang kakambal ng propesyon niyang iyon ang matatag na kredibilidad upang lalo siyang makilala sa mundong pinasok niya. Pero parang tuksong dumating sa kanya ang isang lalaki—na handang mabayad ng kahit limang milyong piso upang sirain niya ang isa sa mga kasal na inihahanda niya para sa kanyang kliyente. Tiyak siya sa kanyang sarili, gaano mang kalaking halaga ay hindi niya ibebenta sa lalaking iyon ang kontartang pinirmahan nila ng kanyang kliyente. Hinding-hindi siya masisilaw sa kaway ng salapi. Iyon nga lang, tila masisilaw naman ang puso niya sa taglay na kaguwapuhan ng lalaking si Jaime dela Merced.
like
bc
Sometimes You Just Know - Volume 1
Updated at Apr 22, 2022, 19:56
Hindi sila magkasintahan ni Benedict pero nagpakasal sila dahil sa manipulasyon ng kanyang ama. Ayaw ni Mariel na isipin ni Benedict na pinikot niya ito kaya siya ang tumatanggi sa kasalan bago pa man. Ngunit sa tingin niya, sa lahat ng pinipikot, si Benedict ang willing victim. He had his own reasons, sabi sa kanya ni Roselle. Ang secretly, she wished na sana'y kasama sa mga dahilang iyon ng lalaki ang pagmamahal sa kanya dahil kahit na sinong babae ay hindi tatanggihan ang lalaking kagaya nito. ***** Frederick and Roselle were close friends. Kahit na madalas ay nag-aasaran silang dalawa,alam nilang sa huli ay maasahan nila ang isa't isa sa gitna ng kagipitan. Tinanggap ni Roselle ang pakiusap ni Frederick na magpanggap na misis nito para lang maiwasan ang isang babae. While pretending, enjoy na enjoy ang guwapong binata sa mga panakaw na halik sa kanya? At bakit nang matatapos na ang pagpapanggap ay may kakaibang takot sa puso ni Roselle?
like
bc
My Secret Crush And Fantasy (Class Picture Series)
Updated at Apr 8, 2022, 22:55
After high school graduation, expected nang makahiwa-hiwalaysina Fatima Mae at mga kaklase niya. Wala na siyag naging balita sa mga ito hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo at magtrabaho sa sarili nilang kumpanya. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang makasabay sa eroplano si Alejo. Hinding-hindi makakalimuta ni Fatima Mae ang dating kaklase. He had been, after all, an inspiration in her life. At sa muli nilang pagkikita, na-realize niya na gaano man katagal ang panahong lumipas ay nanatili itong nasa puso niya. Pero mukhang may mabigat na dinadala sa dibdib si Alejo. Nakikita iyon ni Fatima Mae sa malungkot na mga mata ng lalaki. Maybe she could do something to erase that pain... with all the love she had for him.
like
bc
Wedding Girls - Jamaica
Updated at Apr 7, 2022, 05:29
"Shit! Ano ba?" angil niya nang mabunggo niya ang paparating na lalaki. Pakiramdam niya ay isang pader ang nabangga niya. Mabangong pader dahil mabilis na nanuot sa pang-amoy niya ang samyo ng Hugo Boss. "Huwag kang mataray, miss. Ikaw na nga itong nakabunggo sa akin," sagot ng lalaki, tila galit din. "So, ako pala ang may kasalanan?" "Obviously," matabang na tugon nito. "Then sorry!" tila mas tumaray pa ang tono niya. Hinagod niya ito ng tingin saka matalim na umirap bago nagpasyang ituloy ang paglakad. "Sandali, miss," habol na tawag nito. Huminto siya at nilingon ito. Naghintay siya ng sasabihin nito pero ang nakita niyang ginawa nito ay ang paghagod din nito ng tingin sa kanya. "Aba't..." "Ganti-ganti lang, miss." Ngumiti ito ng nakakaloko. "Hindi kasi ako sanay na sinusukat ako ng tingin. Gusto ko lang ding malaman kung ano ang meron sa iyo para tingnan mo ako mula ulo hanggang paa." "Arogante!" gigil na wika niya. "Suplada."
like
bc
Wedding Girls - Veronica
Updated at Apr 7, 2022, 05:19
Veronica was a hopeless romantic. Kaya nga niya piniling propesyon ang pagiging modista ng mga damit-pangkasal ay dahil sa palagi siyang nangangarap ng mala fairy tale romance. Pero paano matutupad ang sarili niyang istorya ng fairy tale kung kasapi siya ng NBSB society. Meaning, no boyfriend since birth. At ang nag-iisang lalaking pinag-uukulan niya ng lihim na pagtingin ay ikakasal na sa iba. Lalo na kaya siyang wala nang pag-asa? Paano na ang pangarap niyang magdisenyo ng sarili niyang wedding gown?
like
bc
Wedding Girls - Haidee
Updated at Apr 7, 2022, 05:09
Problemado si Haidee. Kailangang dumating siya sa isang espesyal family dinner nila. At kailangan ding kasama niya ang kanyang fiance. Ang problema, ni boyfriend nga ay wala siya, fiance pa? Kasalanan din naman niya iyon. Naghabi siya ng istorya na mayroon siyang fiance upang matahimik na ang kalooban ng kanyang stepsister na puno ng insecurity sa katawan palibhasa ang lalaking pinakasalan ay ex-boyfriend niya mismo. It was a good thing she met Tim Ongpauco again. Ang Intsik na schoolmate niya noong college. Guwapo na ang lalaking puro taghiyawat ang mukha noon. At pareho silang miyembro ng Theater Club. Maning-mani lang sa kanila ang magpanggap na magkarelasyon...
like
bc
Wedding Girls - Imee
Updated at Apr 7, 2022, 04:56
Gusto niya sanang mag-isip pero sa halip na makapag-isip siya ay ang halik ni Janus ang pumupuno sa balintataw niya. At hindi lang iyon. Kinakapa rin niya ang tunay na damdamin niya para kay Janus. Could it be possible that she was also in love with him all along? Na akala lang niya ay platonic lang ang pagtitinginan nila pero ang totoo ay wala lang nangangahas na magkaroon ng kakaibang lalim ang kanilang relasyon? She remembered their kiss again. She could still feel the fire in their kiss. Kung iyon ang pagbabatayan ay imposibleng hanggang platonic lang ang turingan nila. Besides, inamin na ni Janus na mahal siya nito. Sarili naman niya ang tatanungin niya ngayon. Mahal din ba niya ang binata?
like
bc
Wedding Girls- Sydney
Updated at Apr 4, 2022, 08:14
Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at nauuwi lang sa hiwalayan. Kaya ang mauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay hindi inaasahan ni Sydney na mangyari. Dahil lang sa maliit na problema ay nagkahiwalay sila. At noon na-realize ni Sydney kung gaano niya kamahal ang binata. Gusto niyang habulin si Paolo. Mahal na mahal niya ito pero paano siya makikipagbalikan dito kung may iba na itong girlfriend. Mabuti na lang at sa kanya pa rin boto ang ina at kapatid ng binata. Tutulungan siya ng mag-ina para magkabalikan sila ni Paolo. Effective naman kaya?
like
bc
Wedding Girls - Sienna
Updated at Apr 4, 2022, 08:13
Hindi maganda ang nakilalang imahe ni Sienna bilang playgirl. At aware si Sienna doon. Wala siyang pakialam kung maya't maya man ay nagpapalit siya ng karelasyon. She hated commitment, ganoon kasimple. Kapag nagpipilit na ng commitment ang isang lalaki, nakikipaghiwalay siya agad. Pero ang tunay na dahilan ay si Cris-ang lalaking tangi niyang minahal subalit iniwan siya at nagpakasal sa iba. Wala na siyang tiwala sa pag-ibig kaya hindi siya nagseseryoso sa isang relasyon. Pero pagkalipas ng maraming taon ay nakita niyang muli si Cris. Umahon ang galit niya rito ngunit kasabay din niyon ay ang pagkatanto niyang sa kabila ng lahat, si Cris pa rin ang kaisa-isang lalaking minamahal niya.
like
bc
Wedding Girls - Maxine
Updated at Apr 4, 2022, 08:09
“I realized that I love you too. Siguro, natabunan lang iyon ng marami pang klase ng pagmamahal na iniukol ko sa iyo mula’t mula pa. Pero hindi na ito iyong pagmamahal na parang sa isang kapatid o kaibigan. I mean, I’m also in love with you, Maxine.” Si Maxine, all her life si Xanderr ang kasama niya. Kalaro, kaibigan at parang kuya. Kung paano siya bigla na lamang na-in love dito ay hindi niya alam. Basta ang alam niya, hindi niya iyon sinasadya. Si Xanderr, all his life, si Maxine ang kasama niya. Pero ni minsan, hindi niya inisip na iibig siya dito. She was a playmate to him, a friend and a shock absorber. Sa dami ng mga babaeng nagdaan sa buhay niya, magtagumpay man siya o mabigo, si Maxine ang kapiling niya. Isang araw bago ikasal si Xanderr, natuklasan nito ang pinakatatagong lihim niya. Pero hanggang doon na lang ba iyon? O may pag-asa pa para sa kanya naman mabaling ang pag-ibig ni Xanderr?
like
bc
Wedding Girls - Charity
Updated at Apr 4, 2022, 08:05
“Wala akong pakialam kung kanina lang tayo nagkakilala o noong isang linggo. Basta ngayon, mas sigurado na ako. Mahal kita. At gasgas man ang linya ay gagamitin ko pa rin. I want to spend the rest of my life with you.” Labis na nasaktan si Charity nang matuklasan niyang niloko lang siya ng boyfriend niya. Iniwan niya ang kanyang career bilang wedding emcee at nagpasyang magbakasyon muna sa Gonzaga, Cagayan. Doon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Edmund, isang lalaking nakilala naman niya sa isang kasalan. Everything happened too soon. Natuklasan na lamang nilang umiibig sila sa isa’t isa. Or so she thought. Sapagkat isang beses, narinig na lamang niyang tinatawag ni Edmund ang isang babae na bahagi ng nakaraan nito. At masakit niyon para sa kanya… Pero bakit ba kahit na ganoon ay mahal pa rin niya si Edmund?
like
bc
Wedding Girls - Faith
Updated at Apr 4, 2022, 07:57
Napakaganda ng plano ni Faith at Patrick para sa kinabukasan nila. Pagkapasa ni Patrick sa board exam para sa mga civil engineers ay magpapakasal na sila. Pero nang araw na lumabas ang resulta ng exam ay bigla na lang nawalang parang bula si Patrick. Hinanap ni Faith ang binata. Hindi siya sumuko dahil mahal na mahal niya ito. At ganoon na lamang ang sakit na naramdaman niya nang malaman niyang sumama din ito sa ina patungo sa America upang ganap na mailayo sa kanya. Pagkatapos ng anim na taon ay muling nagtagpo ang landas nina Faith at Patrick. Kapwa may taglay na galit sa isa’t isa. “Naaksidente ako. Kritikal ang kondisyon ko. Faith, sa bawat pagkakataon na magkamalay ako, ikaw ang tinatawag ko. Ikaw ang gusto kong makita. Pero wala ka.” Agad na napuno ng luha ang mga mata niya. “A-ang mama mo,” mahinang sabi niya. “I realized that my mother manipulated us. Nagawa niyang dalhin ako sa America upang doon na rin ipagpatuloy ang pagpapagamot ko. But I didn’t recovered fast. Ang sabi ng doktor, napakahina ng will ko para gumaling. And it was because of you. Wala talaga akong balak na mabuhay pa dahil wala ka naman sa tabi ko.” Napahikbi siya. “I love you, Patrick.” Tumigas ang anyo nito. “Really?” sarkastikong wika nito. “Kaya ba nagpakasal ka agad sa iba?” “Patrick, may mabigat akong dahilan. H-hindi ko gagawin iyon kung hindi dahil—”
like
bc
Wedding Girls - Adrienne Blythe
Updated at Apr 4, 2022, 07:50
Madalas ay nakatitig si Andie sa kabilang bahay. Kung mansyon ang turing niya sa bahay na pinagbabakasyunan niya, mas mansyon ang sa kabila. Naalala niya ang kuwento tungkol kay Jesse—ang may-ari ng kabilang bahay. One of the most sought-after bachelors in the city. Ang angkan ay isa rin sa pinakamayaman sa Baguio. And so? Tahimik na react niya na may kasali pang pagtataas ng kilay. Bakasyunista siya. Hindi siya naghahanap ng lalaki. He’s rich. At hindi lang basta guwapo. He had the face, the stance, the personality. Kahit na suplado ito, tila nakakadagdag pa iyon sa karisma nito. He definitely had the elements to be tagged as one of the most sought-after bachelors in the city. And so again? Bakit ba ang lalaking iyon ang iniisip niya? Kungsabagay, attractive namang talaga ang lalaki. “But I’m not attracted to him,” sabi niya sa sarili. Yeah, hindi ka nga attracted. Kaya nga ganoon na lang kung makatitig ka sa katawan ni Jesse. Ano na nga iyong naisip mo kanina? He’s sexy.
like
bc
Wedding Girls - Nicole
Updated at Apr 4, 2022, 07:46
Kissing her was like a once-in-a-lifetime event that he should not miss… Strong attraction at first sight. Iyon ang naramdaman nina Artemis at Nicole sa isa’t isa nang una silang magkita. At gagamitin din nila ang atraksiyon na iyon para makamit ang sari-sariling agenda. Nicole was serious about her business expansion. At pirma ni Artemis ang magbibigay-katuparan sa plano niyang iyon. Until she heard what he wanted in return—ang maging ina siya ng anak nito. Ganoon na lang ba kadaling pumayag kahit ang kapalit ay sampung milyong piso? ​ “I’ll give you two weeks to think about it, Nicole,” sabi ni Artemis. “For curiosity’s sake, how will I conceive the child? Artificial insemination?” Umiling ang binata. “I would prefer if we do it the traditional and passionate way.” Ang usapang iyon ay parang isang dambuhalang alon na umuga sa huwisyo ni Nicole.
like
bc
Wedding Girls - Ysabelle
Updated at Apr 4, 2022, 07:45
Si Ysabelle, maganda at dagsa ang manliligaw. Pero ni minsan, hindi pa nagka-boyfriend. Paano, bago kilatisin ang lalaki, inuuna pang magtaray at mang-basted. Tanging siya lang ang nakaalam kung bakit. Enter the Mr. Tall, Gorgeous and Playboy. Si Jonas Sta. Ana. Hindi pa man niya ito nakikilala ng personal, alam na niyang palikero ito. Bakit hindi, kaibigan yata niya si Shelby na kapatid nito na siyang nagsasabi kung gaano kahilig sa babae si Jonas. Siyempre, basa agad ang papel nito sa kanya. Kaya nang una niya itong makita, kahit unat na unat ang barong nito bilang best man sa kasal ni Shelby at nagpapa-cute sa kanya, kibit lang ng balikat ang reaction niya. Pero hindi pala kasing-simple lang ng pagkikibit-balikat ang pag-iwas ay Jonas. Dahil sa pangalawang beses niya itong makita ay natuklasan niyang hindi effective dito ang katarayan niya. At sa pangatlong beses, tila napaulanan na siya ng karisma nito. At bandang huli, sa wari ay lumipad na sa bintana ang sabi niya sa sarili na babastedin niya ang lahat ng lalaking magkakainteres sa kanya. Totoo pala ang kasabihan. There’s always an exception to the rule. Sa kaso niya, si Jonas Sta. Ana iyon.
like
bc
Wedding Girls - Shelby
Updated at Apr 4, 2022, 07:44
Marcus Sandoval was her big crush during her teens. Fifteen si Shelby nang matanggap ni Marcus ang isang valentine card na hindi niya ipinadala subalit ang nakasulat ay ang totoong laman ng puso niya: she wanted Marcus to be her valentine and first kiss. Nasunod ang unang kahilingan niya. Marcus gave her the experience of first date. Subalit hindi siya nito pinatulan upang maranasan ang isang halik. Ang pangako nito: someday, kapag hindi na siya ganoon kabata o kaya ay kapag tumuntong na siya sa disiotso. Sa kondisyon na si Marcus pa rin ang crush niya. Subalit pagkatapos nang gabing iyon ay bumilang ng mahabang taon bago sila muling nagkita. At bagaman natanto niya na si Marcus ay nanatili pa ring espesyal sa kanyang puso, hinding-hindi naman niya magagawang ipaalala dito na mayroon pa siyang isang kahilingan na hindi nito napagbibigyan. Because was now engaged to be married to someone else. Pero bakit buhat nang muli niya itong makita ay siya mismo ang hindi mapakali?
like
bc
Wedding Girls - Scarlett Marie
Updated at Apr 4, 2022, 07:42
Si Scarlett – gagawin niya ang lahat para lang mapansin siya ni Chad O’Hara—para lang matuloy ang obsesyon niya na maging Scarlett O’Hara ang pangalan niya. Si Rod – gagawin niya ang lahat para lang alaskahin si Scarlett. Mientras nakikita niyang napipikon ang dalaga, ang saya-saya niya. Si Scarlett uli – hindi niya kailangan si Rod sa buhay niya. Ni hindi niya ito itinuturing na kaibigan—asungot sa buhay niya manapa. Mula’t sapul ay alaga na siya nitong buwisitin. Hanggang sa isang araw ay sumagad ang pagkapikon niya sa binata at binuhusan niya ito ng isang pitsel ng juice. Hindi nagalit si Rod. Bagkus ay hinalikan siya. And oh, that kiss felt sooo sweet she almost forgot her name. At nagbago ang lahat kina Scarlett at Rod…
like
bc
Wedding Girls - Geraldine
Updated at Apr 4, 2022, 07:38
Sa pagkakaalam ng pamilya ni Geraldine, her fiancé was Matthew Beltran. Handsome, rich, caring, loving at kung anu-ano pang magandang katangian. Of course, her fiancé was the best—dahil gawa-gawa lang naman niya iyon para tigilan na siya ng kanyang pamilya sa pagrereto sa kanya ng kung sinu-sinong lalaki. Kung sino ang nagmamay-ari ng pangalang nabasa lang niya sa isang resibo ay hindi niya alam. Until one fine day. Nakabangga niya si Matthew Beltran. He was handsome. At sa pagdaan ng araw, nadiskubre niya, he was also friendly, caring, and gentle. She thought he was also rich. But was he also loving? She wished he was—kasi nai-in love na siya sa totoong Matthew Beltran…
like
bc
Wedding Girls - Lorelle
Updated at Apr 4, 2022, 07:33
What happened between Zach and Lorelle was a night of magical romance and passion. Nang umagang mahimasmasan si Lorelle ay agad siyang tumalilis at iniwan ang tulog na tulog pang si Zach. Subalit oras lang ang lumipas at nasundan din siya nito. “Sana hindi ka na nagpunta pa rito. Ayaw na kitang makita.” “After what happened?” Kumunot ang noo nito. “Especially because of what happened,” pakli niya. “What if I offer you marriage?” “Huwag kang magpatawa, Zach. Hindi ka nakakatawa,” she laughed blandly. “You don’t really know me. What if committed na rin ako sa iba kagaya mo? What happened was pure recklessness.” “What if I made you pregnant?” he said bluntly. Think, Lorelle. Think fast. “It’s impossible,” wika niya pero kinabahan din. He looked at her intently. “Sigurado ka? If you get pregnant, tell me, okay?” Tumawa siya nang bahaw. “Sinabi na ngang imposible, eh.” “Basta, I want to know.”
like
bc
Wedding Girls - Evelyn May
Updated at Apr 4, 2022, 07:32
Ryan Olivares was handsome. He was tall. He had striking personality that she felt he was making her breathless. He seemed to possess a patent in sex appeal. Wala siyang iniwan sa isang babaeng kulang na lang ay mangatog sa labis na emosyong dumamba sa dibdib niya. Pinangahasan siya nitong halikan. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na pag-isipan kung tama ang nagaganap o hindi. Eve opened her mouth and accepted his kiss. At tangay na tangay na siya ng halik na iyon nang bigla ay matauhan siya. Ikakasal na siya sa ibang lalaki! A year later, isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang asawa. At wala siyang ibang sinisisi kung hindi si Ryan Olivares. At ipinangako niya sa sarili na gaganti siya. Aakitin niya si Ryan at paiibigin. At saka iiwan. And they are now ensnared in the web of seduction game.
like
bc
Wedding Girls - Lynette
Updated at Feb 9, 2022, 03:54
Marriage of convenience, iyon ang solusyon upang mapadaling maisalin sa pangalan ni Lynette ang naiwang pag-aari ng kanyang ama. Ang totoo ay puwede niyang kontestahin sa korte ang tungkol sa kondisyon nito. Pero ang pinakapraktikal na paraan ay ang sundin na lang niya ang gusto nitong magpakasal siya at makisama sa mapapangasawa sa loob ng anim na buwan. At hindi masamang magpakasal kay Dominic Laurente. He was her first love, after all. At mapapatunayan niya sa sarili kung totoo ang sabi ng iba na: first love never dies…
like
bc
Wedding Girls - Samantha
Updated at Feb 9, 2022, 03:51
Bumiling siya ng higa paharap sa puwesto ng higaan ni Joshua. Ilang araw na silang magkasama sa isla. Barkada pa rin ang turingan nila at hindi gumagawa ng anumang kilos si Joshua upang mag-take advantage sa kanya. Sa sitwasyon lang nila ngayon ay isa lang siguro ang maniniwala sa isandaang taong makakaalam na ganito ang setup nila sa loob ng cottage. Hindi raw uubrang walang mangyari sa isang babae at isang lalaki kapag nagkaroon ng pagkakataong magsolo pero napatunayan niya ngayon na hindi totoo iyon. She was confident of herself being a woman. Alam niya, may taglay din siyang karisma pero hindi rin naman niya nararamdamang naiinsulto ang kanyang pagkakababae dahil sa hindi nito pagte-take advantage sa kanila. He was indeed a gentleman. Hindi niya alam kung mayroon pang lalaking kagaya ni Joshua. And she was really attracted to him. Joshua was different from the men she had known. He was friendly and caring. Para bang basta si Joshua ang kasama niya ay tiwala siyang walang masamang mangyayari sa kanya. Tila isa itong knight in shining armor sa kanyang tabi. Hanggang sa mag-agaw tulog si Samantha ay si Joshua ang laman ng isip niya. Tila nahati pa nga iyon sa dalawang bahagi. Ang isa ay nagdidikta sa kanyang aminin ang pagkahulog ng kanyang loob sa binata habang ang isang bahagi naman ay defensive na defensive sa pagtanggi. But then, her heart knew better…
like
bc
Wedding Girls - Alexandra
Updated at Feb 9, 2022, 03:50
Umiikot ang araw-araw sa buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. At kung pakiramdam niya ay kailangan niyang lumabas ng bahay, iyon ay ang oras ng pamamasyal niya sa mall. Her life was such a bore. At tanggap niya iyon at wala naman siyang reklamo. Pero nagbago ang lahat ng makilala niya ang bagong lipat niyang kapitbahay. Guwapo, matipuno, matangkad, moreno. Unang kita pa lang niya rito ay literal na siyang napanganga. Bakit ba hindi ay nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa katawan. He was Alexander. At noong oras pa lang na iyon na nalaman niya ang pangalan nito, malakas ang sapantaha niya ay sila ang itinadhana. Alexander at Alexandra. Pangalan pa lang nila ay bagay na bagay na. Tama naman nga kaya ang kanyang hinala?
like
bc
Wedding Girls - Donna
Updated at Feb 9, 2022, 03:43
Donna Bumalik sa Pilipinas si Jason buhat sa Amerika na nagdurugo ang puso dahil sa relasyong naunsyami. He was very much ready to get married pero tinanggihan lang ito ng babaeng nais pakasalan. At gaya ng nakasanayan, kanino pa ba ito maghihinga ng sama ng loob kundi sa matalik na kaibigan, si Donna. Para kay Donna, tanga ang mga babaeng pinapakawalan si Jason. Jason was a good catch, a self-made man. Guwapo pa at napakaresponsable. Kung mayroong perpektong lalaki, si Jason na iyon. Subalit perpekto pa rin kaya si Jason nang aksidenteng magkaroon ito ng amnesia? At hindi niya alam kung dahil lang sa amnesia nito kaya parang nais tawirin ng binata ang hangganan ng kanilang pagiging magkaibigan patungo sa pagiging magka-ibigan… ***** Veronica Veronica was a hopeless romantic. Kaya nga niya piniling propesyon ang pagiging modista ng mga damit-pangkasal ay dahil sa palagi siyang nangangarap ng mala fairy tale romance. Pero paano matutupad ang sarili niyang istorya ng fairy tale kung kasapi siya ng NBSB society. Meaning, no boyfriend since birth. At ang nag-iisang lalaking pinag-uukulan niya ng lihim na pagtingin ay ikakasala na sa iba. Lalo na kaya siyang wala nang pag-asa? Paano na ang pangarap niyang magdisenyo ng sarili niyang wedding gown?
like
bc
Breath Of Magic, Breath Of Sin
Updated at Feb 7, 2022, 04:30
“Gusto kitang mahalin nang malaya. Gusto kitang mahalin na wala akong tinatapakan.” Hindi akalain ni Raphaella na magkakagusto siya sa isang lalaking balot ng misteryo ang katauhan. Nang bumalik si Timothy, ang asawa ng pinsan niya, mula sa Amerika ay kaagad siyang nakadama ng atraksyon dito. Bagay na labis na nakapagpalito sa puso at isipan niya. Ni minsan ay hindi niya naisip na magkagusto dito. Parang kapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa kaya hindi ganoon kadaling tanggapin na maging attracted siya dito. Sa pagdaan ng mga araw ay nagkaroon siya ng dahilan para maintindihan ang nararamdaman. Kung tama ang kanyang hinala, hindi si Timothy ang kaharap niya, at sa halip ay ang kakambal nitong si Marcus. Ngunit paano sila magkakaroon ng happy ending kung si Marcus ay nakatali sa isang pangako?
like
bc
Second Chance At Love
Updated at Jan 13, 2022, 05:56
"Huwag ka nang magtrabaho, Mommy," ungot nito kanina habang nagbibihis siya. "Hindi puwede, anak. Nakakahiya na kay Tito Ariel mo. Siya pa naman ang nagpasok sa akin." "Dati naman, hindi ka nagtatrabaho," ungol pa ni Mickey. "Malaki ka na at hindi na alagain. Kaya puwede na akong magtrabaho. 'Di ba may mga friends ka na nga na ayaw mong ipakilala sa akin?" kunwa ay sumbat niya rito. Alam niya, nagkakaroon na ng crush si Mickey. At kung hindi pa siya ang nag-ayos ng closet nito ay hindi niya madidiskubre ang pinakatagu-tagong picture ng isang babaeng kaedad nito. The girl was cute. Pamilyar sa kanya. Nakakamatay ang irap na ipinukol sa kanya ni Mickey nang tingnan niya ito mula sa repleksyon ng salamin. "Mommy, ha?" Nanggagalaiti ito. "Why deny her, darling? Wala namang problema sa mommy," madiplomasya niyang tugon. "See, you're growing up. One day, sasabihin mo na lang sa akin, you're getting married. Maiiwan na si Mommy. At least man lang may trabaho ako para hindi naman ako masyadong malungkot, 'di ba?" "You mean, you don't intend to get married again?" Nagban¬gon-sigla si Mickey. Natigilan siya. Matagal na nilang hindi napag-uusapan ng anak ang tungkol sa "pag-aasawa" niya. At matagal na ring hindi iyon sumasagi sa isipan niya. Kung hindi pa iyon nabanggit muli ni Mickey ay lubusan na nga niyang nakalimutan ang tungkol doon. "Mickey, hindi natin alam. 'Di ba, there are things that come unexpectedly?" "Basta. Sa akin, walang kapalit si Daddy." "And who told you na papalitan ko ang daddy mo? No one could replace him, Mickey. Pero, 'di ba, we could give love naman to everybody?" "Basta!" Mas may diin ang tono nito. "I don't want you to get married again."
like
bc
For Better, For Worse, Till Death Do Us Part (Wedding Vows)
Updated at Jan 13, 2022, 05:42
--- For Better, For Worse --- Puno ng pag-aalinlangan ang puso ni Annalor pero determinado siyang mamalagi sa Paraiso Almonte para kay Dave. At para na rin sa kanya. "You are invading my privacy. Hindi na allowed ang guests sa lugar na ito." Parang dagundong ang boses na nagmula sa kanyang likuran. Napalunok si Annalor. Kahit na hindi lingunin ay hindi niya maipagkakamali sa iba ang boses na iyon. Buwan ang inabot mula nang huli niyang makita ang asawa. Bigla ang pag-iinit ng sulok ng kanyang mga mata. Ang nasa harap niya ay malayo sa Dave na nakilala noon. Hapis na hapis ang anyo nito. Ikinurap ni Annalor ang mga mata. Gaano man kalaki ang pagbabago sa anyo ng asawa ay hindi pa rin nawawala ang pag-ibig niya rito. At ganoon na lang ang pagpipigil niya para huwag itong abutin at yakapin nang mahigpit. "Dave..." Halos bulong na lang ang boses na lumabas sa lalamunan ni Annalor. Pero parang dinala iyon ng hangin sa pandinig nito. Seryoso itong tumingin sa kanya at saka nagtagis ang mga bagang. "Sino ka?" mariing tanong ni Dave. ----- - Till Death Do Us Part - Madalas sabihin ni Maris na hindi sila bagay ni Rommel. That they had nothing in common. Pero nang minsang mapagmasdan niya ang lalaki ay parang gusto na niyang kalimutan ang palaging sinasabi sa sarili. The man had class! And with Rommel, pakiramdam ni Maris ay parang naglaho ang lahat ng mga alalahanin niya sa buhay. Kaya kahit ilang beses na idinidikta ng kanyang isip na hindi sila bagay, ganoon din ang dami ng beses na itinatanggi iyon ng kanyang puso. And now she was having second thoughts...
like
bc
A Brand-New Christmas For Luis
Updated at Dec 27, 2021, 09:14
"I'm moving on. I want to love someone else. And I want it to be you." Paano ba mag-move on? Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Paano magiging madali kay Luis iyon kung mula pagkabata niya ay wala siyang ibang minahal kundi si Lara? Minahal nga siya nito sa bandang huli pero kung kailan huli na ang lahat. Maigsi na lang ang sandali para sa kanilang dalawa. Pero gusto niyang mag-move on pa rin. Sa kabila ng sakit ng pagkabigo, alam ni Luis na kailangan niyang ipagpatuloy pa rin ang buhay niya. He wanted to love again. At hindi naman niya kailangang ilayo masyado ang tingin. There was Grace, ang sekretarya niyang ubod ng ganda at may mina yata ng self-confidence. Palagi pa nitong ipinagmalaking "dikit" ito sa big boss. Ang kaso ay may pagka-misteryosa din ang babaeng iyon. Kung kailan handa na siya para ligawan ito ay saka naman ito biglang nawala. At ang susi lang para mahanap niya si Grace ay ang big boss niyang si Kevin--- guwapo, mayaman at isa sa most sought after eligible bachelor in town. And Kevin was over-protective of Grace. Pero desidido na siya. Kahit harangan pa siya ng big boss, hahanapin niya si Grace.
like
bc
To Have and To Hold, From This Day Forward (Wedding Vows)
Updated at Apr 4, 2021, 01:00
To Have And To Hold Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay isang salita lang ang kanyang naisip: wonderful! Ipinagpipilitan ni Vince na kasalanan niya ang isang aksidenteng nangyari eight months ago. He was a thirty-four-year-old widower at ang kaisa-isang anak nito ay namatay pa sa aksidenteng iyon. Vince wanted her to pay for it. Ayaw ni Maurin na mademanda. She was a teacher at reputasyon niya ang nakataya. Hindi rin naman balak ni Vince na dalhin pa sa korte ang problema. There was only one solution in his mind. "You killed my son," sabi nito na puno ng akusasyon. "You must bear me another son." From This Day Forward Theirs was a whirlwind romance. Nasa kanila na yata ang titulong "Shortest Engagement of the Entire Romance History." Pakiramdam ni Kristel ay wala nang pinakatama pang gawin kundi ang pumayag sa alok na kasal ni Alex. They both fell in love with each other in almost an instant. At hindi nga sila nag-aksaya ng sandali. Nagpakasal sila Soon they discovered each other's fault. Iniwan ni Kristel si Alex sa farm sa pag-asang susuyuin siya nito at hihimuking bumalik doon. Subalit nagkamali siya iba ang naiuklasan niya Alex was busy seeing his childhood sweetheart. Alex is mine! protesta ng puso niya.
like
bc
The Wedding Garter Promise
Updated at Oct 2, 2019, 02:00
Kitkat dropped a lacy garter on his lap. Naniningil na siya. She wanted a two-week long of an all-out adventure with him. Iyon ang hinihingi niyang kabayaran sa pag-iwan nito sa kanya noon. “Linawin natin ito. Iyong dalawang linggong hinihingi mo, are we going to be together round the clock?” sindak nito sa kanya. “Ayaw mo ba?” she asked in a challenging tone. Napasipol si Dominic. “Alam na alam mo kung ano iyong naabala mo kanina. I’m very active, Kat. In more ways than one, so to speak. And if we will be together for two weeks, ngayon pa lang sabihin mo na sa akin kung kasali iyan sa activity natin for two weeks or kakailanganin kong mag-excuse ng konting oras para iraos ko iyan sa iba,” he said blatantly. “s*x is one of my regular activities. It’s a natural thing for me. Imposibleng lumipas ang dalawang linggo na wala ako niyan.” Her heart skipped another beat. Pero hindi siya nagpahalata. “We almost did that ten years ago, Dom. Ikaw ang nagpamalay sa akin sa mga bagay na wala akong kaalam-alam dati. Let’s start that two weeks. And let’s wait and see if we are going to do it. If the occasion calls for it. So be it.” His eyes locked on hers. It was filled with burning passion. “Mukhang hindi naman kailangang maghintay pa. I will make sure that we’ll have an occasion to call for it.” Oh, dear, she felt a liquid heat pooled between her thighs. Masusulit ang dalawang linggong pangarap niya…
like
bc
BE MY HONEY (Be My Valentine)
Updated at Sep 7, 2019, 09:00
Simpleng babae si Missy. Simple lang din ang buhay. Wala siyang ibang hinangad kung hindi ang matulungan ang biyudang ina na makaraos sila sa araw-araw na buhay. Kahit kailan, hindi niya ikinahiya na tindera siya ng tinapa sa palengke. Ang mahalaga sa kanya ay ang kumita para pambili ng pagkain nila at pambili na rin ng gamot ng nanay niya. Tinanggap niya ang oportunidad na makapagtrabaho sa isang resort sa isla. Hindi niya akalain na doon niya makikilala si Ico Abella. Si Ico Abella na bukod sa guwapo ay sikat pang chef sa TV show. Pero hindi siya starstruck sa kaguwapuhan nito dahil ubod ito ng suplado at sa unang pagtatagpo pa lang nila ay parang may masama na itong iniisip laban sa kanya. Pero himala ng mga himala! Nakipaglapit sa kanya si Ico. Sobrang pakikipaglapit na lubhang nakakalula. At hindi siya manhid para hindi maapektuhan ng mga paglalambing nito. Sino nga ba siya para magustuhan nito. And so, she fell in love with him. Hard. Kaya naman nang masaktan siya ay labis din. Hindi niya akalain na pansamantala lang ang relasyong iyon. Sugatan ang puso niya na nilisan niya ang isla. Pero hinanap siya ni Ico. Paano ba magtitiwala uli ang puso niyang minsan lang umibig ay nasaktan pa nang lubos?
like
bc
Narito Ako
Updated at Aug 29, 2019, 22:46
“I owe you a wedding night…” Hinagod nito ng tingin ang buong mukha niya. Kung ibabase niya sa paraan ng pagtingin ni Luke ang sinasabi nitong praktikalidad sa alok nitong kasal, parang mayroon pang ibang dahilan. “Pero paano ang sarili mong buhay? Kung pakakasalan mo ako, magiging malaking responsibilidad mo ako, Luke. Hindi mo na magagawa ang dati mong ginagawa mo.” Payak itong ngumiti. “Huwag kang mag-alala. This is my life. Ako ang bahala sa sarili ko.” “Pero hindi ba, kung magpapakasal ako sa iyo, hindi lang ikaw ang magkakaroon ng karapatan sa akin? Anong klase bang alok ito, a marriage in name only?” “Gaano ba kalinaw ang gusto mo, black and white? Listen, hindi rin naman ito biro sa akin. I don’t want this marriage to be in name only pero alam ko namang mayroong limitasyong ang kasal na ito sa pagitan nating dalawa.” “So, this would be far from ideal marriage,” she said softly. “I don’t know what is an ideal marriage either,” wika nito. “Saka, we’re going to make the marriage work, di ba? I believe love would come eventually.” “Pipilitin ba nating ibigin ang isa’t isa?” His gaze held at her. “I’m going to be honest, Ethel. I’m beginning to fall in love with you.”
like
bc
Strawberries & Champagne
Updated at Aug 25, 2019, 23:24
“You’re a thief, Anj. You stole my sperm.” Single mom by choice. Iyan si Angelique Dela Serna. After so many failed relationships at idagdag pa ang hindi niya magandang karanasan sa sarili niyang ama, nagdesisyon siyang maging isang single mom. Naniniwala siyang puwede pa rin naman siyang magkaroon ng sariling pamilya dahil doon. Naisip niyang mag-undergo ng artificial insemination. Pero nakasilip siya ng pagkakataon sa ibang paraan nang may hinging pabor sa kanya ang best friend niyang si Chris. Pumayag siya na maging fake fiancee nito dahil may lihim din siyang interes dito--- ang magpabuntis dito. Nagbuntis naman siya. At sa lumipas na limang taon ay napanindigan niyang palabasin sa lahat na ang anak niya ay produkto ng artificial insemination. Na siya lang ang nag-iisang magulang nito. But Chris was back. Mula sa matagal na pamamalagi nito sa ibang bansa ay bumalik ito. At gusto siyang pakasalan nito para daw magkaroon ng ama ang anak niya. No! Hindi siya papayag!
like
bc
After The Kiss
Updated at Aug 25, 2019, 00:46
“All right, Audrey, I love you. More than a sister, much more than a friend. Satisfied?” Rico and Audrey were best of friends. Palaging nanunukso ang mga malalapit sa kanila na made-develop din sila sa isa't isa. Pero ang katwiran nila, hanggang doon lang sila talaga. Magkaibigang matalik. Pero hanggang doon nga lang kaya? No one wanted to dare. Not until one night, when they unexpectedly shared one kiss.
like
bc
BE MY SUGAR (Be My Valentine)
Updated at Aug 24, 2019, 17:31
“I have loved you from the start, sugar. But this time, I’m falling in love with you every single day.” Jack Rheus and Maria Portia, best of friends since birth. Nang talikuran si Portia ng lalaking pakakasalan nito, si Jack ang umalalay sa kanya. Jack even created a speacial event for her. Para makatulong daw sa pagmu-move on niya. But Jack got broken-hearted, too. Naisip ni Portia, tutal pareho silang sawi, bakit hindi na lang silang dalawa ang magpakasal? Pero hindi niya makumbinse ang binata. Jack wanted to marry for all the right reasons. At kahit anong pangungulit niya dito ay ayaw nitong pumayag. Hanggang sa sumuko na siya at tinanggap na lang na hanggang magkaibigan na lang sila. Isang araw ay nagising siyang nakatunghay sa kanya si Jack. Magpapakasal daw sila sa araw na iyon. Divine intervention, she thought! Aleluya!
like
bc
This Man My Enemy
Updated at Aug 23, 2019, 23:56
Patawid na si Rachel nang magulat sa mabilis na sasakyang dumaan sa harapan niya. Na-off balance siya nang umatras. Sa kamalas-malasan, bumagsak siya sa mismong dumi ng aso. Galit na galit siya, siyempre pa. At diring-diri. Natural na ang pagbuntunan niya ng galit ay ang driver ng sasakyang iyon. First impression lasts. Kaya naman kahit nanghingi na ng paumanhin sa kanya ang lalakign nagpakilalang James, hindi siya nagpahinunod. PInaulanan niya ito ng katarayan niya. Pero hanggang kailan magiging effective ang katarayan niya dito kung palagi naman itong nanunuyo sa kanya?
like
bc
Ivy's League
Updated at Aug 22, 2019, 18:46
“Excuse me, hindi ako nagpakahirap maging Bill Gates scholar kung sa isang lineman lang ako mapupunta! No way! He’s out of my league.” Muntik nang mapasubsob si Ivy nang mabunggo siya ng isang nagmamadaling lalaki. “Ano ba?” mataray na sabi niya dito. “Miss, sorry, ha?” Tila lumipad ang pagtataray niya at napatitig sa lalaki. His gray eyes were striking. Sanay siyang makakita ng iba’t ibang kulay ng mga mata pero hindi sa Pilipinas. Ang akala niya, itim at dark brown lang ang mata ng mga tao sa bansa. Bumaba ang tingin niya sa ilong at mga labi nito. That was when she thought he probably had a foreign blood. Matangos sa karaniwan ang ilong. And his lips were… pink! Hindi niya alam kung maniniwala siya. Wala sa loob na dumukwang siya palapit dito. Ang baba niya ay nakataas. Walang ibang focus ang mga mata niya maliban sa mga labi nito. Was it really pink? Isandaang porsyento ng atensyon niya ay sumuri sa maninipis na mga labi. And she concluded it was really pink. Ang balat ay sing-nipis ng sa sanggol. And the shape was neither thin nor full. Bigla ay hindi na siya sigurado kung alin ba ang may taglay ng mas matinding atraksyon. Ang mga mata nito o ang mga labi? At siya mismo ay hindi niya maintindihan ang naging pakiramdam. It was the lips! The lips that seemed to be made for kissing. French kissing, she emphasized to herself.
like
bc
Sa Panaginip Nga Lang Ba?
Updated at Aug 22, 2019, 03:14
“I have this special feeling for you, Marco. Noon pa. Probably, I have loved you from afar.” Tricia had a great crush on him. High school pa lamang siya ay inalagaan na niya ang damdaming iyon para kay Marco. Kung kailan nauwi sa isang pag-ibig ang damdaming iyon ay hindi niya alam. But she was just a plain face to him. Until one night. One adventurous night with him na nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay niya. Lumayo siya. Sa kanyang pagbabalik, hindi niya inaasahang magku-krus agad ang kanilang landas ni Marco. At hindi kayang burahin ng lumipas na limang taon ang espesyal na alaala niya sa naturang lalaki. Not ever when she had the living memory of him.
like
bc
Soon I'll Find You
Updated at Aug 19, 2019, 17:26
“You are my fate, Mariolle. Dinala ka ng kapalaran sa akin.” “Of course not. In fact, desidido akong patunayan sa iyo.” “Na ano?” tanong niyang agad na kinabahan. “You know what. Patutunayan ko sa iyong hindi ako bakla,” William said in the gentlest and most seductive tone. “No,” she said meekly. The next thing she knew, his lips was moving against her. It was magical, mysterious, incredible. “Hindi ako bakla, di ba?” pabulong na sabi nito pagkatapos ng nakakatulalang halik. Nanlaki ang mga mata niya. At noon lang din niya napansin ang pag-uusyoso sa kanila ng ibang taong nasa paligid. Naningkit ang mga mata niya at sinampal ito. She made a deep breath. Isang matalim na irap ang ginawa niya dito bago nagpasyang lumayo. Subalit hinaltak siya ni William sa braso. “I’ll find you, sweetheart. And that will be very, very soon.” He whispered against her ear.
like
bc
Taste of Honey (Closure)
Updated at Aug 17, 2019, 19:58
“Mag-asawa tayo. Hawak-kamay tayo sa lahat ng pinagdadaanan natin. Kapag mahina ka, ako ang dapat na malakas. Aalalayan natin ang isa’t isa.” “We love each other, Honey. Trials will come and go, but our love will always be here to stay… that is all that matters.” Tanggap naman ni d**k na there’s no such thing as a perfect life. HIndi rin naman siya perfectong tao at aminado siya sa mga pagkakamali niya. Pero nang dumating sa buhay niya si Honey, sinikap niyang gawin ang lahat ng alam niyang tama. Mahal na mahal niya si Honey. Lahat ng kaya niya ay gagawin niya para maipakita dito kung ganno ito kamahal. Pero hindi niya inaasahang may magbabalik mula sa kanyang nakaraan. At hindi rin niya kayang basta na lang talikuran ang responsilbilidad niya doon. Ang gusto lang niya ay mailagay sa ayos ang lahat. At hindi maisakripisyo ang pagsasama nila ni Honey. Pero bakit parang hindi ganoon kadaling gumawa ng tama?
like
bc
Banana Heaven
Updated at Aug 16, 2019, 17:31
“Kahit single moms, may karapatan din naman makahanap ng makakasama nila sa buhay. Hindi naman siguro destined na mag-isa ang single moms sa buong buhay nila. Hindi extra baggage ang anak ninyo. Extra blessing ang tawag diyan.” Single mom. Mas magandang termino para sa isang dalagang-ina na tulad ni Erica Mae. Tiannggap niyang iyon ang kapalaran niya. Wala siyang magagawa. Ang tanging lakas niya para maging matapang sa hamon ng buhay ay ang anak niya mismo si Onyok. Maayos naman ang buhay nilang mag-ina. Suwerte nga sa kanya ang pagdating ni Onyok dahil maging sa negosyo ay umunlad din siya. Everything runs smoothly, maliban sa paminsan-minsang pangungulit ni Onyok na magkaroon daw sana ito ng ama. Ha? tatay ng anak niya? Ano iyon? Wala sa isip niya iyon. Besides, hindi naman kapos sa father figure si Onyok. Mayroon itong Ninong Rory na kumakarir sa pagiging pangalawang ama sa buhay ng anak niya. Pero bakit nang magsimula siyang mag-entertain ng suitor, nag-iba rin ang hihip ng hingin kay Rory? Bigla na lang ay nagparamdaman itong maging tunay na bahagi ng buhay nilang mag-ina. It could be me. It should be me. Puwedeng ibang lalaki ang piliin mo para maging ama ng anak mo pero pwede rin namang ako, hindi ba? diga nito sa kanya. Pero paano si Lee Min Ho na masugid na manliligaw niya? At paano din kung bigla na lang ay bumalik ang tatay ni Onyok sa buhay niya?
like
bc
Over Tha Bakod lang Ang Pag-ibig
Updated at Aug 11, 2019, 18:47
Nakasanayan na ni Beverly na mag-over the bakod sa kapitbahay para mag-swimming. Enjoy na enjoy na siya sa paglangoy nang pag-ahon niya ay isang napakaguwapong lalaki ang natuklasan niyang nakatunghay sa kanya. That was Mitch, ang mismong may-ari ng bahay. She smiled at him sweetly. Pero sa halip na ngitian din siya nito ay inakusahan pa niya nito na trespasser at pinalalayas siya.
like
bc
More Taste Of Honey
Updated at Jul 26, 2019, 04:44
“Mahal din kita, d**k. Lahat ng pang-unawang maibibigay ko sa iyo, ibibigay ko, as long as I know and I feel that you love me. Ilalaban ko ang pagsasama nating ito. Ilalaban ko ang kasal natin.” “We love each other, Honey. Trials will come and go, but our love… that is all that matters.” Pagkatapos ng mabilisang kasal nila ay mas napatunayan ni Honey na hindi nga siya nagkamali na pumayag na magpakasal kay d**k. Every single day was bliss. Damang-dama niya kung paano siya alagaan at mahalin ng asawa kaya naman siya man ay mas lalo nang minahal ito. Pero wala nga sigurong perfect marriage life. Hindi sinasadya na nakita niya si d**k na may kasamang isang babae. Halos yakapin pa nito iyon. Mabilis na gumapang sa puso niya ang selos at pagdududa. At mas masakit sa kanyang hindi niya kilala ang babaeng iyon. Kung sana man lang ay ex-girlfriend iyon ni d**k, baka mas maintindihan pa niya. At napansin niya si d**k na parang palaging natitigilan. Na parang malalim palagi ang inisip. And so, the jealous and doubting wife in her did something. Gusto niyang mapatunayan sa sarili na mali ang pagdududa niya. Hindi bale nang mapahiya siya sa sarili niya kesa mapatunayan na tamang-hinala siya. But she discovered one paper. Parang gumuho ang mundo niya. What happened to those frequent I love you’s? Hanggang salita na lang ba iyon ni d**k?
like
bc
A Taste Of Honey
Updated at Jul 21, 2019, 19:00
“Thank you for coming to my life. Hindi ko inakala. Hindi ko inasahan. Pero heto ka ngayon sa harap ko, inaako na maging obligasyon mo. Wala na sigurong mas masuwerteng babae sa akin...” “Totoong buhay ito. Ikaw at ako, tayo na ang magkasama ngayon. We are going to move on, together. Prepared na ako, Honey. Sana ikaw rin. Pero kung hindi pa. Hindi kita mamadaliin. Basta ang mahalaga alam mong nandito ako, para sa iyo.” Si d**k. Isa lang ang babae na minahal niya nang husto---si Vera Mae. But Vera Mae broke up with him and married someone else. That left him hurt and devastated. Hindi niya alam kung kakayaning niyang magmahal pang muli. Si Honey. She was hoping to start a family with Travis. Pero sa isang iglap ay kinitil ng isang aksidente ang buhay nito. She was left alone and afraid. Ikamamatay ng mga magulang niya kung hindi siya makakasal. Then came d**k. Marriage of convenience ang alok nito sa kanya. This is a spin-off novel of Barely Heiresses - VERA MAE
like
bc
La Casa de Amor - Claudio
Updated at Aug 8, 2022, 01:00
"I guess, I have to make you fall in love with me again. Ako nang bahala dun. Just wait and see, okay? Basta magigising ka na lang, in love ka na sa akin." ***** "Hindi ba niya ibinilin sa iyo ni Papa na pakasalan ako?" tanong ni Celine. "What?!" react ni Claudio na parang nabilaukan. "Insulto na iyan, Dio! Nagkagusto ka rin naman sa akin." "Correction. I fell in love with you. Pero lilinawin ko lang, past tense na iyon, okay? We broke up. Madami ka nang ipinalit sa akin. Madami na rin akong ipinalit sa iyo." "Gusto ni Papa na magpakasal ako sa iyo." "Talaga? Wow! Ang laki ng tiwala sa akin ni Tito Carling. Magpapakasal ka ba naman sa akin?" balik na tanong niya. Pinamanahan si Claudio ng best friend ng kanyang ama subalit may kondisyon. Ang pakasalan ang kaisa-isang anak nitong si Celine, his ex-girlfriend. Easy. May bahay at lupa na siya, may asawa pa siyang ubod ng ganda. What a beautiful life...
like
bc
Pretenders in Love
Updated at Feb 3, 2022, 07:53
Kung may pagpipilian lang si Yssa, hindi siya uuwi sa Sto. Cristo. Kahit na nga ba kasal iyon ng stepsister niyang si Diane. Iyon nga ang mabigat na dahilan. Diane was going to marry Jonathan, her ex... er, sa mas eksaktong salita, he was her former fiancé. Mike, her best friend wanted her to go. Dahil hindi daw puwedeng walasiya sa okasyon iyon na dapat at present ang buong pamilya. Kung hindi lang awkward ang sitwasyon, natural gusto din niyang daluhan ang ganoong okasyon. Nag-suggest ito na samahan siya sa pag-uwi at magpanggap silang engaged. He even gave her an engagement ring as proof of their so-called relationship. What a moral support coming from a man best friend! Ngayon nga ay maya't maya ang tingin niya sa suot na singsing. Bagay sa daliri niya ang napakagandang singsing na iyon na hindi rin maikakaila ang kalidad. Kaya lang, may panghihinayang din siyang nararamdaman sa tuwing maiisip niyang pagkukunwari lang ang lahat.
like
bc
My One And Only Queen
Updated at Aug 25, 2019, 09:00
: “Yes, I want you to bring home the crown. But I prefer that you come home as a better person after the contest. And my most preference is that you come home to me. To my arms, babe.” Four years ago, halos kay RGL lang umiinog ang mundo ni Abie. Ito ang sentro ng lahat ng pangarap niya. Pero biglang nagbago ang lahat ng makita niya itong kahalikan ang ex-girlfriend nito. Her world crumbled before her every eyes. Kasabay ng pagkawasak ng puso niya ay ang pagkasira din ng relasyon ng kanilang mga pamilya. Tuluyan niyang tinalikuran si RGL. Isinara niya ang anumang komunikasyon dito. Nang lumaban siya bilang kandidata sa Mutya ng San Clemente, hindi niya agad naisip na magiging dahilan iyon para magkalapit uli ang landas nila. Pero paano pa siya iiwas lalo at nanalo siya at nakahanda na rin siyang lumaban para sa Lakambini Ng Nueva Ecija? Imposibleng dedmahin niya ito lalo at ito ang kasalukuyang mayor ng kanilang bayan. Binatang mayor na nagpapalipad-hangin na magkaroon na daw sana ng first lady. Iyon na kaya ang magiging daan para sila magkabalikan? Pero paano ang hindi humuhupang galit ng kanyang ama sa pamilya nito?
like
bc
Just Mine
Updated at Jul 28, 2019, 05:04
"You are Just-Mine." Walang pakiaalam si Oliver kung may ibang makarinig sa paraan ng pagtawag nito kay Jasmine. Term of endearment iyon ni Oliver sa kanya. Buko sa pagbabago nito ng pronunciation sa pangalan niya, may isa pa itong dahilan. "Jasmine, you are just mine. When the time comes that we are both ready to build our own family, your children will carry my name." Punong-puno ng pangarap at pangako ang mga salitang iyon ni Oliver. High school days nila iyon. pero nagkalayo sila. When they met again, akal ni Jasmine iyan madudugtungan ang magandang kahapong iyon. Pero paano kung nakatakda na pala si Oliver na ikasal sa iba? Sa babaeng high school best friend naman niya.
like
bc
Barely Heiresses - Vera Mae
Updated at Jul 15, 2019, 04:00
Para makuha ni Vera Mae ang kanyang mana ay kailangan niyang masunod ang habilin ni Don Alfonso: ang pakasalan niya si Brian. Madali lang sana kung tutuusin. Inalok niya ng kasal ang binata. Subalit nagpapakipot pa ito. “Ligawan mo muna ako,” ang sagot nito sa kanya. “B-babayaran ba kita para pakasalan ako?” tanong niya “Sinabi ko bang for sale ako?” “Ano ang kailangan kong gawin para pumayag kang pakasal sa akin?” “Convince me, Vera Mae. Bigyan mo ako ng alok na hindi ko matatanggihan.” Kung malalaman lang ni Brian ang kanyang sikreto baka ito pa ang magmakaawa na pakasalan niya ito.
like