bc

La Casa de Amor - Claudio

book_age16+
545
FOLLOW
1.2K
READ
arranged marriage
confident
heir/heiress
comedy
sweet
bxg
lighthearted
small town
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

"I guess, I have to make you fall in love with me again. Ako nang bahala dun. Just wait and see, okay? Basta magigising ka na lang, in love ka na sa akin."

*****

"Hindi ba niya ibinilin sa iyo ni Papa na pakasalan ako?" tanong ni Celine.

"What?!" react ni Claudio na parang nabilaukan.

"Insulto na iyan, Dio! Nagkagusto ka rin naman sa akin."

"Correction. I fell in love with you. Pero lilinawin ko lang, past tense na iyon, okay? We broke up. Madami ka nang ipinalit sa akin. Madami na rin akong ipinalit sa iyo."

"Gusto ni Papa na magpakasal ako sa iyo."

"Talaga? Wow! Ang laki ng tiwala sa akin ni Tito Carling. Magpapakasal ka ba naman sa akin?" balik na tanong niya.

Pinamanahan si Claudio ng best friend ng kanyang ama subalit may kondisyon. Ang pakasalan ang kaisa-isang anak nitong si Celine, his ex-girlfriend.

Easy. May bahay at lupa na siya, may asawa pa siyang ubod ng ganda. What a beautiful life...

chap-preview
Free preview
1
“RAID! RAID!” Nagpulasan ang lahat nang marinig ang sigaw na iyon. Maagap na hinamig ni Martin ang perang nasa harapan nito. Tila napako sa kinatatayuan si Claudio. Sa tabi niya ay isa pang mesa at naroroon pa ang mga perang pangtaya. Doon nagtagal ang kanyang mga mata. Napalunok siya. “Claudio, kunin mo ang pera!” sigaw sa kanya ng tiyo. Tumatakbo na ito palabas ng pasugalan. May narinig siyang putok ng baril. Parang doon siya higit na nagising. Isang sulyap pa sa pera at nagdesisyon siya. Sinamsam niya iyon at nagtatakbo papunta sa direksyong tinungo ng kanyang tiyo. Kabisado nila ang pasikot-sikot sa squatter’s area. Nang maulila siya sa ina at kupkupin ng kanyang tiyo, iyon na ang naging mundo niya. “Gago ka, muntik ka pang magpahuli!” sabi sa kanya ng kanyang tiyo. Buhat sa pinagkukublihan nitong malaking drum ay hinila siya nito. “Ano, kinuha mo ba ang pera?” Ipinakita niya ang T-shirt kung saan isinahod niya ang pera. Gahamang dinaklot iyon ng kanyang tiyo at ipinamulsa. Namimintog na ang bulsa nito sa dami ng perang sinamantala nitong kunin habang nagkakagulo ang mga tao. “Tiyong, pahingi namang pangkain.” Nakamata siya sa mga dadaaaning isinusuksok nito sa magkabilang bulsa. Siguro ay ilang libo rin iyon dahil mas marami ang namataan niyang dadaanin kesa tig-singkuwenta pesos at beinte. Tila malalaglag na rin ang kupas na maong nito. Ultimo baryang naiwan sa mesa ay pinamulsa nito at hindi pinatawad. Binigyan siya nito ng barya. “O, bumili ka ng lugaw kay Aling Huling.” “Tiyong, bakit barya lang? Ako naman ang kumuha ng mga iyan, ah? Dagdagan mo. Hindi pa ako nag-aalmusal,” protesta niya. Tiningnan siya nito saka napapailing na kumuha ng isandaang piso. “O, magpakabusog ka. Dose ka pa lang pero hindi ka na magugulangan. Kungsabagay, kanino ka pa magmamana kundi sa akin?” nakangising sabi nito. “Galingan mo ang pagdiskarte sa buhay. Makipag-cara y cruz ka sa Muelle. Kailangang manalo ka. Hindi baleng mandaya ka kesa ikaw ang dayain nila. O, pangtaya mo. Paramihin mo iyan, ha?” at dinagdagan pa nito ng singkuwenta pesos ang pera niya. Hindi na siya nagpasalamat. Pagkahablot niya ng pera ay tumalikod na siya. “Aling Huling, pa-order nga ako ng dalawang pinggang kanin saka nilagang baka.” “May pambayad ka ba? Baka mamaya utang na naman,” asik sa kanya ng may-ari ng carinderia. Inabot niya dito ang singkluwenta pesos. “Sobra pa iyan, ‘no?” Alam niyang may sukli pa siya. Tatlong piso lang ang isang pinggang kanin at kinse pesos ang ulam. Mabilis siyang binigyan nito ng kanin at ulam. Hinintay niyang suklian siya bago niya dinala sa mesa ang pagkain. Nagpakabusog siya habang sa paligid niya ay usap-usapan ang ginawang raid sa pasugalan ni Mang Lope. “Kumukunat na naman si Mang Lope. Malamang niyan, hindi siya naglagay sa mga pulis at barangay kaya na-raid ang pasugalan. Ilang araw na naman akong madi-diyeta,” anang isang lalaki. Kilala niya iyon, palaging kalaban ng tiyo niya sa madyong at tong-its, palagi rin namang talo. “Hoy, bata, nandiyan ka pala,” pansin sa kanya ng isa pang sugarol. “Ang laki ng perang naiwan sa mesa, hindi kukulangin sa limang libo. Umihi lang ako at pabalik na sana sa mesa nang may sumigaw ng raid. Nasa pasugalan ka kaning may raid, di ba? Sino ang natira doon?” “Ewan ko,” pabalang na sagot niya. “Baka kinuha ninyo ni Martin?” tukoy nito sa tiyo niya. “Palos iyon pagdating sa pera. Nasaan si Martin?” “Hindi ko alam,” at humigop siya ng sabaw. Kahit nauna isyang tumalikod kanina, alam naman niya kung saan pupunta ang Tiyo Martin niya. Lilipat lang iyon sa ibang pasugalan, doon lulustayin ang hawak na pera kundi man palalaguin. Madali namang malaman kapag nanalo ito, masagana sila sa pagkain kapag nanalo ito. Mabilis na siyang uminom ng tubig matapos makakain. “Mapera iyan ngayon,” sabad ni Aling Huling. Halata ang pag-insulto sa tinig nito. Sanay kasi ang matanda na tinatakbuhan niya ang kinakain doon at ang tiyo niya ang sinisingil sa kinain niya. “Nakadelihensya ako. Nagbenta kami ng bakal kanina.” “Nasa pasugalan ka kanina, eh!” pilit ng lalaking sumunod pa sa pagbabayad niya. Binitbit siya nito sa manggas ng T-shirt niya. “Nagkapera ka dun, ano?” Ipiniksi niya ang sarili. “Wala kang pakialam,” angil niya. “Aba’t…” “Aling Huling, kapag hinanap ako ng tiyong ko, namumulot lang ako ng bakal sa barko,” at tumalilis na siya. Doon nga siya nagtungo. Ang squatter’s area na kinalakhan niya ay malapit lang sa pier. Kapag may nakadaong na barko, palusot silang pumapasok doon at namumulot ng anumang puwedeng ibenta sa junk shop. Pero mas madalas ay isinasama siya ng Tiyo Martin niya sa pagsusugal. Suwerte daw kasi siya kapag kasama nito dahil palagi itong nananalo. Kanina, nananalo na rin ito bago nagkaroon ng raid. ***** “SAAN NINYO AKO dadalhin?” wika niya sa dalawang pulis. Bitbit siya ng mga ito na tila siya isang kriminal gayong wala naman siyang kasalanan. Ang Tiyo Martin niya ang nakipag-away sa sugalan. Natatalo ito at ayaw pumayag na talo. Nauwi sa saksakan ang pag-aaway. Nasaksak nito ang kaaway at napuruhan kaya patay agad iyon. Patakas na sana ito kasama siya subalit siya namang pagdating ng mga pulis. Pareho silang ikinulong pero inilabas din siya agad dahil nakialam ang mga taga-social welfare service. “Hindi ka puwedeng ikulong kaya sa social worker ka namin dadalhin.” “Pakawalan ninyo na ako, uuwi na lang ako.” “Wala kang uuwian. Nakakulong na ang nag-aalaga sa iyo. Saka kahit naman hindi nakakulong si Martin, patapon rin naman ang buhay ninyo pareho. Baka bumuti pa ang buhay mo kapag social worker ang nag-asikaso sa iyo,” sagot ng isang pulis. Tiningnan niya ito nang matalim. Sino ito para magsalita nang ganoon? Hindi siya makakapayag. Bakit siya magpapa-alaga sa isang social worker na hindi naman niya kilala? Pero bago niya iyon naisatinig kasali na ang iba pang katwiran na nasa isip niya ay nadala na siya nito sa social worker. “Huwag ninyo akong pakialaman, kaya kong mabuhay mag-isa,” matapang na sabi niya. “May inuupahang kuwarto ang tiyo ko, doon ako uuwi. Nagbebenta ako ng bakal-bote kaya may ipangkakain ako.” “Hindi lang iyon ang kailangan mo habang lumalaki ka. Kailangan mo ng wastong paggabay,” pasensyosang sabi sa kanya ng social worker. Pinakain siya nito. Binigyan ng maayos na bihisan at ilang sandali pa ay bumibiyahe na sila. “Dadalhin kita sa La Casa De Amor. Marami kang magiging kaibigan doon. Walang pasugalan doon. Hindi ka rin mamumulot ng bakal dahil libre ang pagkain.” Nang makita niya ang lugar na sinasabi nito at umungol siya ng protesta. Luma ang malaking bahay at masukal ang bakuran. May ilang bata siyang namataan na nagwawalis ng tuyong dahon. Alam na niya kaagad na ganoon din ang gagawin niya doon. Hah! Mas maganda pa sa squatter’s area. Hindi siya uutus-utusan ng kung sinoman. Sariling diskarte ang lahat! “Halika na, ipapakilala kita kay Miss Vergel.” Nang makaharap niya si Miss Vergel, mas ninais niyang bumalik na lang sa lugar na kinalakhan niya. Mabagsik ang anyo ng babae. Para bang napipilitan lang ito na tanggapin siya. “Titino ka sa lugar na ito, Claudio. Walang matigas sa akin, lahat ng bata dito, lumalambot sa akin,” sabi ni Miss Vergel sa kanya nang iwan na siya ng social worker. “Hindi ubrang hindi ka susunod sa patakaran ko.” “Tatakas ako,” bulong niya. “Walang nakakatakas sa akin,” sabi agad nito na narinig pala siya. “Ang magtatangkang tumakas, malilintikan. Ang hindi susunod sa patakaran ko, malilintikan.” “Lintik palang buhay ito,” bulong niya uli. “Anong sinabi mo?” paasik na tanong nito sa kanya. “Wala ho.” Dinala siya nito sa isang kuwarto. Masikip iyon. Pinasikip pa ng tatlong double-deck bed na nakalagay doon. “Ito ang magiging kuwarto mo. Bahala kang sinupin ang kaunting gamit mo. Bahala ka ring makisama sa ibang bata na dito natutulog.” “Nasaan sila?” “Nasa likod, nagtatanim ng petsay. Hala, ibaba mo na iyang gamit mo at pumunta ka na sa likod. Tulungan mo sila. Hindi uso dito ang tamad.” Ibinaba niya ang isang sando bag sa bakanteng kama. Dalawang T-shirt, dalawang brief at dalawang short ang laman niyon, bigay sa kanya ng social worker. May tatak pa ng pangangampanya ng isang pulitiko ang dalawang T-shirt.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook