bc

The Spoiled Brat and The Bad Boy (Class Picture Series)

book_age12+
614
FOLLOW
1.6K
READ
friends to lovers
independent
confident
heir/heiress
drama
comedy
sweet
bxg
highschool
friendship
like
intro-logo
Blurb

"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!"

Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto.

Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her.

At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw!

Forever And Always

"Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed."

Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila.

Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin.

Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...

chap-preview
Free preview
Part 1
“DAGDAGAN mo ang allowance ko, `Ma. Ilang araw akong mawawala,” paglalambing ni Bianca sa inang si Mrs. Luz Arciaga. Kasalukuyan silang nag-aalmusal. Ang mama niya, diyaryo at kape ang kaharap habang siya ay idinuduldol ang hot dog sa gitnang pula ng piniritong itlog. Sarap na sarap siya na ginagawang parang catsup ang malasadong pula ng itlog. “Saan ka na naman pupunta?” nakataas ang maninipis na kilay na tanong nito. Ibinaba nito ang diyaryo at tinitigan siya. Kung hindi lang sa matriarkang anyo ng kanyang mommy ay mapagkakamalan silang magkapatid. Malaki ang pagkakahawig nila, lalo at pareho silang mestiza. Ang hindi nga lang niya nakuha rito ay ang unat na buhok. Nagmana siya sa ama na kumukulot ang dulo ng buhok. Ngumiti siya nang maluwang. “Uuwi ako sa Sierra Carmela, `Ma.” Kumunot ang noo nito. “Sigurado ka? Hindi ka ba nilalagnat?” Natawa si Bianca. Alam niyang ikakagulat iyon ng ina. Ayaw kasi niya ng buhay sa probinsiya. Pagka-graduate niya ng high school ay sa Maynila na sila tumira. Mula noon ay parang itinakwil na rin niya ang pinanggalingang probinsiya. Niyakap niya ang buhay sa Maynila—masaya, magulo, kabi-kabila ang mga party na mapupuntahan. Kung napapauwi man siya sa Sierra Carmela ay napakadalang lang. Palagi siyang parang nagmamadaling makabalik sa Maynila. “May class reunion kami. A-attend ako.” “At bakit ilang araw? Ganoon na ba katagal ngayon ang class reunion?” “Siyempre, hindi. Naisip ko lang, tutal, magbibiyahe na ako, di lulubusin ko na. Pagkatapos ng reunion, balak kong mamasyal sa norte. Baka umikot ako. Aakyat ako sa Cagayan, `tapos bababa ako sa Ilocos. Kapag sinipag, tutuloy ako sa Baguio.” Sa lahat ng lugar na binanggit niya, Baguio ang pinakagusto niyang puntahan. Ilang beses na siyang nagpabalik-balik doon. Nalilibang siya sa lugar kahit paulit-ulit lang ang mga lugar na pinupuntahan niya. “Nagsawa ka na ba sa mga party at maglilibot ka sa mga probinsiya?” tanong nito. “Mabuti naman.” “Hindi naman sa ganoon, `Ma. Parang change of environment lang. Palagi lang naman akong naririto. Lately, hindi mo na ako isinasama sa mga biyahe mo sa abroad,” bahagya pang sumbat niya. “Paano, panay paggasta lang ang ginagawa mo. Pati ako, nadadamay sa iyo.” Ngumiti ito. “Besides, pure business ang mga pakay ko sa abroad. Aksaya lang sa pamasahe kung isasama kita. Nakita mo naman, after a day or two, bumabalik na uli ako rito.” “Kailan tayo pupunta sa LA? Sabi mo, pupunta tayo kina Tita Marissa roon? Doon ba tayo magba-Bagong taon?” “Malabo. Kausap ko pa lang kagabi si Marissa. Sila ang may balak na pumunta rito. Interesado raw mag-Boracay at Palawan ang mga bata. Kapag umuwi sila, sasama na lang tayo sa kanila na maglibot sa mga lugar dito.” Nalukot ang ilong ni Bianca at umungol. “I’ve been to Boracay and Palawan countless times,” she stated matter-of-factly. “Huwag kang sumama kung ayaw mo. Pero hindi tayo magpupunta sa US. Ano’ng gagawin natin doon kung uuwi naman dito ang mga tita mo?” Itinuon niya ang pansin sa kahuli-hulihang hot dog. Minsan pa ay ginawa niyang catsup ang lusaw na egg yolk at nginuya iyon. “This coming weekend na ang reunion, `Ma,” sabi niya pagkatapos. “Allowance ko, ha?” nakangising sabi niya. “Oo na. Ipaalala mo uli sa akin kapag aalis ka na.” Bumalik na ito sa pagbabasa ng diyaryo. “Dadalhin ko iyong pickup.” “Bianca, baka naman sumosobra ka na?” May pagtutol sa mga mata na tumingin ito sa kanya. “`Ma, ayoko namang mag-commute.” “Yes, I know. Isama mo si Bong. Ang layu-layo ng Sierra Carmela para magmaneho kang mag-isa.” “Ayoko nang may driver,” tanggi pa rin niya. “Kaya kong mag-drive nang ganoon kalayo, `Ma. Remember, nag-Anilao tayo minsan, ako ang nag-drive. Kaunti lang ang inilayo ng Sierra Carmela roon.” “Pero matagal na rin mula nang huli kang magpunta roon.” “So? Sa pagkakaalam ko, iyong dati pa rin ang kalsada.” Ininom na niya ang mango juice at saka tumayo na. “Kayang-kaya kong mag-isa, `Ma, don’t worry. Siyanga pala, aalis muna ako. Pupunta ako sa Glorietta.” “Bianca?!” “Magsa-shopping ako, `Ma. Kailangan ko ng bagong outfit para sa reunion.” “Ang dami mo pang bagong damit.” “Gusto ko ng latest. Tumawag sa akin iyong suki kong boutique. May new arrivals sila ngayon.” Humalik na siya sa pisngi nito. “Bye, `Ma.” KULANG na lang ay bilhin ni Bianca ang lahat ng items sa new arrival collection ng kanyang paboritong boutique. Sa dami niyon, kahit ilang reunion ang puntahan niya ay hindi siya mauubusan. Pero bukod sa weakness niya ang damit, hindi siya makakapagdesisyon kung ano talaga ang isusuot niya maliban na lang sa sandaling aalis na siya. Kulang sa kanya ang dalawa o tatlong pirasong damit na pagpipilian. “Ma’am, tatawagan namin kayo kapag may new arrivals uli,” nakangiting sabi ng staff na nag-assist sa kanya. “Sure!” nakangiti ring sabi ni Bianca at iniabot dito ang credit card. Sigurado na kukuwestiyunin na naman siya ng ina kapag umabot sa limit ang mga credit cards niya kahit siguradong babayaran din nito ang mga iyon. “Thank you, Ma’am,” sabi ng kahera pagkatapos. “Kristine, iiwan ko muna ang mga iyan, okay lang? Ayoko kasi ng maraming bitbit. May pupuntahan lang ako sandali.” “Yes, Ma’am.” Itinabi nito ang mga pinamili niya. Lumabas na siya ng boutique. Lumipat si Bianca sa mga tindahan ng sapatos. Magaan na magaan ang pakiramdam niya. kapag ganoong nagsa-shopping siya, kahit gutom ay hindi niya nararamdaman. Daig pa niya ang addict basta namimili siya. Pakiramdam niya, lahat ng naka-display sa bawat estante ay kinakawayan siya para bilhin ang mga iyon. Dalawang pares agad ang nabili niyang sapatos sa unang tindahang pinasok niya. Hindi pa siya nasiyahan kaya tumingin pa siya ng iba. Wala pang isang oras at apat na pares na ang bitbit niya. Masayang-masaya siya. Dagdag na naman sa koleksiyon niya ang mga iyon sa tambak nang sapatos niya. Ang totoo, mas weakness ni Bianca ang sapatos kaysa damit. Hindi na niya mabilang kung ilang pares ng sapatos ang pag-aari niya. Siguro, kung hindi siya nagpapamigay ng sapatos sa mga katulong at nagdo-donate sa mga nangangailangan, baka mas marami pa siyang sapatos kaysa kay Madam Meldy. Iyon nga lang, pagkalipas ng isa o dalawang taon, ipinamimigay na niya ang mga sapatos na luma o wala na sa uso para sa kanya. Sa halip na bumalik sa boutique na pinag-iwanan ng mga pinamiling damit ay dumaan muna siya sa Burger King. She ordered a whooper. Bago maubos iyon ay naalala niyang kailangan din niyang dumaan sa The Body Shop. At dahil siya ang taong madaling makumbinsi ng sales staff, nang lumabas siya ng beauty store ay para na rin siyang naholdap sa laki ng halagang binayaran niya. Ilang boteng shower gel, lotion, at bath oils ang binili niya. Mayroon ding jars ng face creams at kung anu-ano pang pampaganda ng kutis at buhok; mga bagong labas na produkto na pakiramdam niya ay kailangan niyang subukan kahit halos walang maipipintas sa kinis at lambot ng kanyang kutis. Walang pagsisisi si Bianca gumasta man siya ng abot hanggang langit. Iyon ang isa sa mga pinakamasarap gawin para sa kanya—ang gumasta. At dahil hindi na siya magkandatuto sa dami ng bibitbitin, pinakiusapan niya ang staff ng boutique na ihatid siya sa parking lot. Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng tip bago siya tuluyang umuwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.3K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.6K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
444.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
72.7K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
174.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook