bc

Sometimes You Just Know - Volume 1

book_age16+
802
FOLLOW
2.3K
READ
contract marriage
friends to lovers
arranged marriage
confident
single mother
bxg
lighthearted
office/work place
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Hindi sila magkasintahan ni Benedict pero nagpakasal sila dahil sa manipulasyon ng kanyang ama. Ayaw ni Mariel na isipin ni Benedict na pinikot niya ito kaya siya ang tumatanggi sa kasalan bago pa man. Ngunit sa tingin niya, sa lahat ng pinipikot, si Benedict ang willing victim. He had his own reasons, sabi sa kanya ni Roselle. Ang secretly, she wished na sana'y kasama sa mga dahilang iyon ng lalaki ang pagmamahal sa kanya dahil kahit na sinong babae ay hindi tatanggihan ang lalaking kagaya nito.

*****

Frederick and Roselle were close friends.

Kahit na madalas ay nag-aasaran silang dalawa,alam nilang sa huli ay maasahan nila ang isa't isa sa gitna ng kagipitan.

Tinanggap ni Roselle ang pakiusap ni Frederick na magpanggap na misis nito para lang maiwasan ang isang babae. While pretending, enjoy na enjoy ang guwapong binata sa mga panakaw na halik sa kanya? At bakit nang matatapos na ang pagpapanggap ay may kakaibang takot sa puso ni Roselle?

chap-preview
Free preview
Book 1 (Mariel and Benedict) - Chapter 1
"GENTLEMEN," tawag-pansin ni Engr. Joaquin Sembrano sa mga lalaking may sari-sariling diskusyon sa loob ng conference room. Monthly meeting iyon ng Safety Committee ng J&V Builders. Bihirang magkita-kita ang mga project engineers ng construction firm na iyon kung kaya't nade-delay na ang pagsisimula ng meeting. Umayos na sa pagkakaupo ang mga naroroon. Light lang ang dating ng pagmi-meeting, wala ang ere ng pormalidad. "Boss, wala ba tayong tagakuha ng minutes?" tanong ni Frederick, may hawak ng kontrata sa pagtatayo ng tulay sa San Andres. "O, de ikaw na ang mag-take ng minutes. Dati namang ikaw ang tagakuha, 'di ba?" sagot ng matandang Sembrano. "Eh, Boss, ang ibig kong sabihin, kung puwede'y magpaakyat tayo ng isang babae rito," nagkakamot ng ulong sabi ni Frederick. "Sige, Gary, ikaw na ang bumaba at tumawag ng isa." Napahinuhod si Joaquin Sembrano. "Pare, si Mariel ang tawagin mo," habol ni Frederick sa lalaking nasa may pinto. "Oo nga. Si Mariel na lang," magkapanabay na sabi ng dalawa pa. "Pare, first time mo lang siyang makikita. Sa Cebu ka kasi nag-base nang ilang taon. Bago lang dito iyon pero permanent na. Magaling kasi," ani Frederick sabay siko sa katabing engineer na si Benedict. Mariel, bulong ng isip ni Benedict. Isang magandang mukha ng babae ang lumalarawan sa kanyang isip sa pagkakabanggit ng pangalang iyon. "GOOD morning!" Isang friendly smile ang pinakawalan ng babaeng pinauna ni Gary na bumungad sa pinto. "Mariel, sit down." Itinuro ni Joaquin ang bakanteng silya malapit dito. "Kilala mo na silang lahat, 'di ba? Ito na lang si Benedict ang hindi. Sa Cebu kasi siya nag-base for two years dahil sa isang special project." Mula sa kabilang dulo ng conference table ay tumayo si Benedict. "Nice meeting you". "Nice meeting you, too" ani Mariel. Iniabot niya ang kamay na agad namang tinanggap ng lalaki. Matapos ang pagpapakilanlanan ay sinimulan na ang meeting. Engrossed si Mariel sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng meeting. Panaka-naka ay nagkakahulihan sila ng tingin ni Benedict. Hindi niya maintindihan ang matiim na titig nito sa kanya. Parang may kahalong galit ang nasa mga mata nito. Naasiwa siya sa klase ng tingin nito kung kaya't iniwasan niyang magkasalubong pa sila muli ng tingin. Nagmamadaling makalabas ng conference room si Mariel matapos ang meeting. Tatapusin niya ang nabinbing trabaho sa mesa. Hindi na niya pinansin ang pag-aalok ni Frederick na sumabay na siya sa pananghalian ng mga ito. "Mariel," salubong sa kanya ng isang kaopisina. Huminto sandali ang dalaga. Sa likod niya ay palabas na rin ang mga engineers sa kuwartong iyon at kasalukuyang hindi pa nagkakasundo kung saan magla-lunch. Si Benedict, na nahuhuli sa grupo, ay nagkaroon ng pagkakataon na masusing pagmasdan ang dalaga. Kanina pa sa meeting ay may kung anong hinahanap ang lalaki kay Mariel. Ipinilig nito ang ulo. Their names are the only similarity that I could consider. Kahit saan ko tingnan, magkaibang-magkaiba sila. May kaliitan si Mariel, kung kaya't binabawi sa pagsusuot ng three-inch high-heeled shoes na lalong nagpapaismarte sa gayak niya. Ang mahuhubog na mga binti, na sinusuutan ng gray stockings sa pencil-cut na paldang above-the-knee, ay isa sa mga assets niya. Balingkinitan ang kanyang katawan, makurba ang balakang na lalong lutang dahil sa baywang na depinido. Ilang saglit pa at naghiwalay na sina Mariel at ang kausap. Nilakihan ni Benedict ang mga hakbang at pinauna na ang mga kasama. Sinundan nito ang nilakaran ni Mariel ngunit mabilis na nakalayo ang dalaga. "MARIEL, may bagong project tayo sa Malolos. Nasa mesa mo ang proposal. If I know, formality na lang naman iyon," nakataas ang kilay na sabi ni Roselle. Nauna ito sa kanya nang dalawang taon sa kompanya. Nag-uumpisa pa lang siya ay project analyst na si Roselle. Ito ang nagtiyagang nag-train sa kanya noong mga unang linggo niya sa trabaho. Naging mag-best friend sila ni Roselle. Ito ang gumawa ng justification para gawin siyang permanent employee ng kompanya after three months of probationary period. "Malolos? Ngayon lang yata sila tumanggap ng project doon," nagtatakang sagot ni Mariel. "Ewan ko sa kanila. Anyway, three-storey building lang naman iyong gagawin doon. Iyon ang nasulyapan ko sa papeles kanina." Saka nagpatuloy si Roselle sa ginagawa nito. "Excuse me." Suwabe ang dating sa tainga ng boses ng lalaki. Nasa harap ito ng mesa ni Mariel. "Benedict!" Halos mapasigaw si Roselle sa katuwaan. "Kailan ka pa dumating?" Napatanga na lang si Mariel sa dalawa. Siya ang in-approach ng lalaki ngunit tila nakalimutan na siya. "Kagabi," sagot ni Benedict kay Roselle. "Sama kayo sa amin sa Timog. Treat ko." "Hindi ako puwede. Lalabas ako mamayang twelve. May sinat ang aking one and only Juniel nang iniwan ko kanina." Five minutes ride lang ang distansiya ng bahay nito sa opisina. Nilinga siya ng lalaki. Nakangiting umiling siya sa paanyaya nito. "Benedict..." Sumungaw sa pinto si Frederick. "Let's go. Mariel, Roselle, sama na kayo." Maluwang ang pagkakangiti nito. Si Mariel na ang sumagot kay Frederick. "Lumakad na kayo. May baon ako ngayon." "Ayaw ninyo ng grasya." Nagkibit-balikat si Frederick at nawala na sa siwang ng pinto. "Teka, Benedict..." habol ni Roselle nang nasa may pintuan na ang lalaki. "Matanong ko lang, binata ka pa ba hanggang ngayon?" Tingin niya ay nagkalambong ng kalungkutan ang anyo nito. "Oo," matipid nitong sagot. "See you." At tuluyan na silang iniwan ng lalaki. "BAKIT hindi mo siya nabanggit sa akin?" Nasa loob ng comfort room silang dalawa ni Roselle, oras na ng uwian. "Sino?" Nahinto sa pag-a-apply ng lipstick si Roselle, tinanaw siya mula sa salamin. "Si Benedict?" "Halos lahat ng istorya rito ay nasabi mo na, siya lang ang hindi mo nabanggit." Nagba-brush si Mariel ng buhok niyang hanggang kalahati ng likod. Natural ang kulay nitong light brown na lalong nagpaputi sa kulay ng balat niya. "Nagpa-assign si Benedict sa pinakamalayong project. For the reason na alam ng lahat ng taga-J&V. In respect sa request niya, wala na ring nagbukas ng anumang usapan tungkol sa kanya. Good thing na hindi mahilig magsipanghimasok sa buhay ng iba ang mga tao rito. Nakabawas kami sa burden niya," mahabang sagot nito. "Roselle, wala akong naintindihan sa sinabi mo," naiiling niyang sabi rito. "Ibig kong sabihin, mula nang malayo siya ay hindi na rin siya napag-usapan sa opisina kaya nawala na rin sa loob kong ikuwento sa iyo." "And may I know something about this talked-about issue? It seems like I'm the only one who doesn't know about it." Ipinasok na ni Mariel ang hairbrush sa loob ng bag. Napatitig si Roselle kay Mariel. Sumilay ang pilyang ngiti sa mga labi nito. "Ang kaibigan ko, mukhang interesado sa lalaking iyon." Kiniliti nito ang dalaga. Natatawang umiwas si Mariel. "Ano ba? Para tayong mga bata. Pasalamat ka at solo natin ngayon itong CR, kundi'y nakakahiya tayo sa iba." "All right." Tumigil si Roselle sa pangingiliti sa kanya. "He was about to get married, ang kaso tinakbuhan siya ng babae." Nangunot ang noo ni Mariel. Parang na-picture sa isip niya ang larawan ni Benedict na naghihintay sa harap ng simbahan na ginigitian ng butil-butil na pawis sa noo sa magkakahalong pagdaramdam, pagkapahiya sa mga bisita, at galit. Nakadama siya ng awa sa binata. "Anak ng isang big time na kliyente ng J&V iyong babae. Minsan lang isinama iyon ng kanyang ama na siyang laging kausap ni Benedict, alam mo na." Nagkibit-balikat si Roselle. "Attraction, iyon siguro ang umpisa. Napakaganda naman kasi. Ang kuwento nga ni Benedict, model iyon ng mga damit na gawa ni Venus Tan." Sikat na couturier ang tinutukoy nito. "Kabaligtaran mo..." Hinagod pa ni Roselle ng tingin si Mariel. "Morena. Wala pa silang isang taon ay nabalitaan naming magpapakasal na ang dalawa. Pati nga kami rito sa opisina ay excited lahat. Presintado pa ngang maging ninong si Boss Joaquin." Pinindot ni Roselle ang button ng dryer at itinapat doon ang basang kamay bago nagpatuloy. "Pero iyon nga, hindi natuloy ang kasal. Pero hindi siya inindiyan sa simbahan, ha!" Parang nahulaan nito ang nasa isip niya. "Isang linggo bago ang araw ng kasal ay isa-isang tinawagan ni Benedict ang mga pinadalhan ng imbitasyon para sabihing wala nang kasalang magaganap. Malalapit na kaibigan lang ang pinagsabihan ni Benedict ng totoong dahilan. Matagal na palang may application sa isang international modelling agency 'yong babae. Alam mo na, sagabal ang asawa bukod pa sa kailangang single siya talaga kagaya nang inilagay niya sa application." "Nakiusap pa nga si Benedict na i-postpone na lang ang kasal, saka na lang i-schedule uli pagbalik niya. Ang katwiran no'ng babae, 'pag talagang sila, sila. Lumipad nga ito papuntang Paris sa mismong araw ng kasal nila. Wala na rin kaming balita ngayon. Hindi na rin kasi nakipag-deal dito ng transaksiyon ang tatay niya." "Kawawa naman pala si Benedict." Puno ng simpatiya sa binata ang tinig ni Mariel. "Talaga. Kahit kami rito ay nasaktan din sa nangyari sa kanya. Bakit hindi, eh, sabay-sabay kami halos nagsimula rito sa J&V? Para na kaming isang pamilya. At isa pa, ang alam ko, unang girlfriend niya iyon. Gusto na ngang mag-resign ni Benedict noong una at susunod na lang daw sa kuya niya sa Canada. Nakipag-compromise lang si Boss Joaquin dahil asset si Benedict sa J&V. Anyway, mukha namang okay na ngayon si Benedict. Sabi nga nila, time heals all wounds. And that would-be marriage was more than two years ago." "Past five na," ani Mariel na tumingin sa wristwatch. Isinukbit na niya sa balikat ang shoulder bag at hinila na si Roselle palabas ng comfort room. "Teka, ngayon ko lang naisip. If I'm not mistaken 'yong babaeng dapat pakakasalan ni Benedict ay Mariel ang pangalan." --- i t u t u l o y ---

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook